Chapter 2

1.2K 65 13
                                    

Chapter 2

-----

Maraming tao na ang nakapagsabi sa akin na hanga sila sa time management skills ko kasi kaya ko raw intindihin ang maraming bagay at the same time. Studying and managing a café seemed to be difficult for other people.

Which was not the truth.

Kulang lang siguro sila sa disiplina.

O baka hindi ko rin lang talaga napapansin na marami pala akong ginagawa kasi nage-enjoy naman ako.

I liked it when I'm busy. I loved to be productive all the time. Kapag wala akong ginagawa feeling ko nangangati ako, feeling ko parati may mali. Kaya I made sure I have something to do most of the time.

Favors from other people, especially my friends, doesn't even faze me anymore.

I'm always glad to help anyone who would need my help. Making other people's burden lighter by helping them made me the happiest.

So I help. Anyone. Whenever I could, with whatever I could do.

"I'm really sorry, Ivana." Naiiyak nang sabi ni Dorothy bago niya inabot ang kamay ko at pinisil ang mga iyon. I smiled at her reassuringly.

"Ayos nga lang." Nginitian ko nang malaki ang vice mayor namin. "I can handle this."

"Thank you!" Halos dambahin ako ni Dorothy nang yakapin niya ako. I chuckled wholeheartedly. "Don't worry, kapag nakita ko kahit sino sa ibang members ng SLC, papapuntahin ko kaagad dito para pumalit sa 'yo."

Tumango na lang ako, not forgetting to smile just so Dorothy would be at ease and leave already. Alam kong kailangan niya nang umalis kasi baka maiwan na siya ng pamilya niya.

Aalis kasi sina Dorothy ngayon para pumunta sa probinsya ng Mommy niya dahil fiesta doon bukas. She left a to do list for the SLC members to act as a guide kasi on going pa rin naman iyong preparation for the camp. It was still months from now, sobrang tagal pa, pero malaki kasi ang EU at halos lahat ng fourth year ay sasama doon para sa camp kaya marami talagang aasikasuhin para doon. Not to mention that EU hosts big camps. Not the ordinary overnight camps in the school. Rumenta pa ng isla ang EU para lang sa camp ng mga fourth years last year and this year's camp was not different.

Umalis na rin naman si Dorothy. Buti na lang kasi ako na iyong kinakabahan na baka mainis na iyong daddy niya at iwanan na lang siya dito sa Manila.

Natatawang naupo naman ako sa harap ng computer at tiningnan ang naiwan ni Dorothy na gawain. She was making the attendance list for the camp. Hindi naman 'to mahirap gawin, ita-type lang iyong listahan ng mga sasama para may printed na attendance sheet sila.

I typed fast. Hindi ko lang nasabi kay Dorothy kanina kasi baka lalo siyang mag-panic pero aalis din kasi ako dapat ngayon.

Half day lang kami sa EU today that's why the pitong puto decided to hang out on the other side of the city. Mayroon silang gustong puntahan na hang out spot doon. I was invited to come at alas dos ang oras ng alis namin para raw may time pa kami na makapagpahinga after lunch. Twelve pa lang naman, may two hours pa ako. Marami rami na siguro akong mata-type noon or kaya naman ay may nakita na si Dorothy na papalit sa akin dito. Mamaya na lang din ako kakain.

I started typing away on the keyboard. Nasa screen at mga papel ng nasa kandungan ko lang ang buong atensyon ko. I wanted this to be typed fast so I could go out and eat. Gutom na rin kasi ako.

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon