Chapter 11

616 26 87
                                    

Chapter 11

-----

Each day as I got closer to the rest of them, as Timothy and I got to know each other more, mas lumalaki 'yung pag asa sa puso ko na may chance talaga na maging kami ni Timothy.

I got hopeful at the same time frustrated. Minsan pakiramdam ko parang ang tagal namin mag move forward.

I mean, we've already established that we're friends already. There were multiple instances that he showed interest. Most of the time he would make me feel like he ws also into me. That the feeling was mutual.

So bakit... bakit friends pa rin kami?

"Excited ka lang masyado." Bored na sagot ni Miggy sa akin nang sa wakas ay magka lakas ako ng loob na sabihin sa kanya ang dilemma ko. Nasa loob kaming dalawa ng opisina ko sa cafe. Rinig na rinig ang tunog ng nail cutter na ginagamit ni Miggy. She was cutting her nails. Dapat linisin niya mga kuko niya diyan sa sahig mamaya.

I groaned, napairap na. Not because Miggy doesn't seem interested kasi natural na ganyan naman talaga siya mag react. Buti nga nagre-react pa, e.

"I'm not." I pouted. Humarap ako sa kanya. "It's just... ang tagal ko na 'tong hinitay, you know?"

Miggy nodded nonchalantly.

"You should not mind waiting a little longer, then." She seriously said, her gaze going from her nails to me. Kahit hindi lumaking mayaman si Miggy ay natural talaga sa kanya na may ereng mayaman siya. Her mother was smart. Sinanay niya si Miggy na natural na nagi-English. She exposed her to the ways of the rich using the family she was a maid for before kasi siguro alam niyang darating ang panahon na mapupunta si Miggy sa pamilya ng ama niya. "Kung para sa 'yo talaga, mapupunta sa 'yo. Kahit habangbuhay ka pa diyan maghintay."

"Yeah, yeah. I know." I smiled. Miggy's words sent warmth in me. Kahit ganoon lang ay ramdam na ramdam ko na may pakialam si Miggy sa akin. Hearing words like those from her was like waiting for the moon to turn blue so the fact that she said those to me right now really meant a lot to me. "It's just sometimes, feeling ko ang tagal ko na naghihintay. Minsan naiisip ko kung di ko ba talaga deserve kasi bakit until now hindi pa rin sa akin?"

Tiningnan ako nang seryoso ni Miggy.

"Relationships aren't about ownership, Ivana." She said, her tone really really serious. "Di pwede na parang bata ka diyan na nagmamaktol kasi di mo makuha 'yung gusto mo na laruan. Hindi laruan si Timothy. Tao siya, di natin sure kung may puso at utak, but you get the point." She shrugged. "Antayin mo na maging okay rin siya sa mga bagay na gusto mo para sa inyo."

Literal na napanganga ako. What the hell? Saan hinuhugot ng best friend ko 'yang mga sinasabi niya?

"Where did you learn those things?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Di ka pa nagkaka-love life?"

She shrugged.

"I read a lot." Tumayo na si Miggy at binitbit na ang backpack niya. Ako naman ay parang baliw na nakatingin lang sa kanya. Kasi naman! May panggugulat! "Hoy! Teka!" Paghabol ko kay Miggy na palabas na ng opisina ko. Mabilis na kinuha ko ang aking tote bag bago ko siya sinigawan. "Linisin mo 'tong mga nails mo! Pota ka!"

May isang klase pa kami ni Miggy para ngayong araw kaya umalis na rin kami sa cafe at bumalik sa EU. We just spent our beak sa cafe kasi three hours din 'yun at wala naman kaming ibang matatambayan kung hindi sa cafe lang. Grateful na rin ako kasi siyempre libre meryenda namin plus I got to talk to Miggy with my worries. Di naman ako disappointed kasi as usual, Miggy managed to knock some sense into me. Wise naman kasi talaga si Miggy. Nagulat lang talaga ako kanina kasi about sa love life ko 'yung sinabi ko sa kanya. 

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon