Chapter 21
-----
"Here, try this!" Demi said excitedly. Hindi ko na mabilang kung pang ilang dress na ba iyong pinasukat niya sa akin. I badly want to say no, but Demi looked too excited for me to decline her. Kinakabahan din ako kasi mukhang hindi sanay ma-hindian itong si Demi. The guys often refer to her as a brat and I kind of don't want to piss her off if I'd say no to her.
Tinanggap ko ang pang ilang dress na inabot niya sa akin at pasimpleng sinilip ang price tag noon. Napangiwi ako. This dress costed a whopping twenty five thousand nine hundred pesos. The other also costed as much, if not more. May isa pa nga siyang inabot sa akin na pasimple kong ibinalik sa display rack dahil seventy thousand pesos ang presyo. Ni sa panaginip ay hindi ko pinangarap ang ganito kakamahal na mga dress. Yes, I liked fashion but I mostly do mine with a budget. Guilty pleasure ko ang mga ukay stores where I found good pieces for cheap prices. Expert ukayist na nga ang tawag sa akin ni Miggy.
Ang pinakamahal ko ngang dress ay three thousand ko lamang nabili, that one dress I wore to my last dinner with Tim. Nakumbinsi lamang ako na bilhin iyon because that night was supposed to be a special night for me.
Umiling ako, pilit inaalis sa isip na alalahanin ang gabing iyon. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ko iyong sakit na dulot sa akin ng fiancé ng babaeng kinakaibigan ko. Guilty na napatingin ako kay Demi na kausap ang umaalalay sa kanyang sales lady.
"Ah, sige," pagpayag ko na lamang. Bumalik ang tingin sa akin ni Demi, malaki pa rin ang ngiti.
That was one thing I noticed about her that was also the same with Winter. They seemed... too excited to be with other people.
"Great! Let me know alin nagustuhan mo!" She beamed at me. "Kung magustuhan mo naman lahat, that's fine, too!"
Ngumiti lamang ako sa kanya, hindi magawang sabihin na hindi ko naman mabibili itong mga ipinapasukat niya, at naglakad na papunta sa fitting rooms. May isang sales lady ang nakasunod sa akin para alalayan ako. Alalayan for what, hindi ako sigurado.
Inilibot ko ang paningin sa store habang papunta ako sa fitting rooms, hoping to catch Hope's eye. Nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa kabilang store kung saan may mga panlalake na damit since puro pambabae naman ang narito sa store na ito. To my disappointment, he wasn't back yet.
Akala ko ba nagpapasama rin siyang mamili? Bakit iniwan niya ako rito?
Dala ng sales lady ang ilang dress na gustong ipasukat sa akin ni Demi. Isinukat ko isa isa ang mga dress. I couldn't focus enough to describe them since I was low-key panicking inside. Paano ko tatanggihan ang pagbili ng mga dress na ipinasukat sa akin ni Demi? I didn't have the money for these!
Pero kahit ganoon ay na-enjoy ko pa rin ang pagsusukat. Well, I was in love with fashion and it was one of my dreams to own original expensive dresses like these. Kahit ang maisukat lamang ang mga ito ay masaya na ako. Sayang nga lamang at bawal kumuha ng picture habang suot ang mga dresses mula sa store na ito kung hindi pa naman nabibili. But looking at the bright side, at least naranasan kong mag sukat ng mga mamahaling damit.
Ang sales lady na ang nag ayos ng mga naisukat ko nang dress. The employees here were nice, they offered me encouraging smiles. Ramdam nila siguro na wala ako sa tamang element ko ngayon. Which was true, hindi naman ako elitista katulad ni Demi. Halata sigurong normal na tao lang ako, compared to Demi na sobrang komportable sa ganitong lugar.
"How was them?" Demi eagerly asked after ko magsukat. Siya ay mukhang tapos na rin dahil palapit na kami sa cashier habang naglalakad. "Nagustuhan mo ba?"

BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Ficção AdolescenteHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...