Chapter 10
-----
The overnight really went well. Kahit biglaan ay mukhang sobrang tagal na namin iyon naiplano sa sobrang smooth ng buong gabi. The sheets we slept on were so soft and thick, ilang patong ng mga comforter iyon na inilatag ng mga lalake sa kanilang carpet sa sala. Sakto pa ang design noon na mukhang mababaw na swimming pool.
There was a lot of food, too. Kailangan pa naming ilagay sa refrigerator ang iba para hindi sila mapanis. We ate the left over burgers for breakfast.
We watched movies the whole night until dawn. Iba ibang genres para lahat kami satisfied since iba iba pa rin pala sila ng taste sa movies kahit pa halos buong buhay nila ay magkakasama silang lumaki. Good thing hindi kulang ang sources of movies nila, another proof on how rich they really were. They were all subscribed to different paid platforms for movie watching na kahit ako ay hindi na pamilyar sa ilan. Netfilx at Disney Plus lang ang alam ko sa lahat ng meron sila. Mabilis din internet nila so wala kaming naging problem about watching. Four na nga nang umaga kami nakatulog sa kakanood namin.
Nakisakay na lang kami ni Miggy sa mga gusto nilang panuorin. Di naman kami masyadong mapili talaga. Sakto rin naman sa taste ko ang ilan sa mga pinili nila like some Studio Ghibli Films na kahit ilang beses kong panoorin ay nakaka-excite pa rin. Favorite ko iyong Howl's Moving Castle. Sobrang gwapo ni Howl. Iyon ang una naming pinanood by Winter's request.
"Unang pinagbibigyan ang baby." Caspian cooed at Winter. He even caressed her hair and squished her cheeks. Pinilit makawala ni Winter sa pag atake ni Caspian sa kanya. "Baka makatulog 'to agad e, at least napanood niya na gusto niyang panoorin."
Pagkatapos ng unang movie ay nagkagulo na 'yung tatlo. Sobrang amusing para sa akin makita sina Asher, Jareth at Storm na mag away kung anong papanoorin kapag next movie na. Sila kasi talaga 'yung nagbabanggaan ang gustong genre.
"Storm, I'm telling you. We can't watch Iron Man for, I don't know, the millionth time!" Sigaw ni Jareth nang alug-alugin ni Storm si Kal dahil gusto niya nang manood ng Marvel Movies. "Memorized mo na nga 'yun, e!"
"And I don't like the horror one you picked! Butthole!" Sigaw naman ng baritonong boses ni Asher kay Jareth. "Mag Kiki's Delivery Service na lang kasi tayo!"
"My Neighbor Totoro na lang!" Sigaw ni Kal, nakikisali sa pagtatalo noong tatlo. I never knew Studio Ghibli Films fans sila.
The way they whined at each other looked so cute. Parang ang hirap paniwalaan na nasa adult age na sila. Kahit si Kal ay nakikikulit din at hindi papatalo sa mga asaran nila.
Which took me back to that one person who always acts like an adult.
Timothy.
Hindi lang ako sa panonood nag-focus buong gabi. Sa pagpipigil din ng kilig.
I don't know why but even if he wasn't doing anything, my attention just... naturally shifted to him. Na para bang may bumubulong sa akin na tumingin ako kay Timothy. Na pagmasdan ko ang mga kilos niya. Something inside me was curious about how he was in different settings.
Sa school kasi, kilala talaga si Timothy na seryoso parati tapos tahimik. That bad boy type na iiwasan mo makabangga kasi parating mukhang bagong gising. Mukhang iritable. Iyon ang impression nang maraming tao sa kanya.
But I saw him in a different light. Ever since the first time.
I saw a guy who cares for his family subtly but strongly. Iyong tipo nang pag aalaga na kaiinggitan mo kasi exclusive lang sa mga taong mahalaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...