Chapter 40

395 4 0
                                    

Alodia

Dala ang aking backpack, smartphone, isang flashlight, at mapang binigay sa akin ng tauhan ni Mr. Mori ay tinahak ko ang masukal at madilim na kagubatan para hanapin ang gekka bijin. Agad akong binalot ng malamig na simoy ng hangin sa aking paglalakad, halos manginig ang tuhod ko sa takot pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Lord... Sana naman po wala akong matapakang ahas o makasalubong na baboy ramo dito. Maawa po sana kayo sa akin Lord, gusto ko pa pong balikan ng buhay ang asawa ko." Dasal ko habang naiiyak na naglalakad ng maingat sa loob ng kagubatan. Bigla ko tuloy naalala ang asawa ko at inisip kung kamusta na kaya siya. Kailangan ko ng mahanap agad ang bulaklak na iyon nang sa gayon ay makasama ko na ulit ang asawa ko. Malamang ay galit iyon ngayon sa akin dahil umalis ako ng hindi siya kasama.

Huminto ako saglit sa kalagitnaan ng gubat at tinignan ang mapang dala ko na drinawing mismo ng tauhan ni Mr. Mori. Ginoogle ko na rin kanina ang bulaklak para malaman kung anong itsura nito. Kahit na maraming kumakaluskos sa paligid ko, at may naririnig pang huni ng kwago ay hindi ko ito ininda at itinuon na lang ang buong atensyon ko sa mapa. Base dito, ay mukhang malapit na ako sa kinaroroonan ng gekka bijin.

Itinupi kong balik ang mapa, at inilawan ang daan para magsimula nang muli sa aking paghahanap. Malutong na tunog ng mga tuyong dahon sa daan ang naging kasama ko sa aking paghahanap, pati na rin ang mga kuliglig na humuhuni sa gabing madilim. Kahit na gabi naman at mahamog ay pinagpawisan pa rin ako. Marahil ay dahil sa pagmamadali kong mahanap kaagad ang puting bulaklak. Pinunasan ko ang aking noo gamit ang mahabang manggas ng aking damit, at sumimsim muna ng tubig inuming baon ko para mapatid ang aking uhaw.

"Patience Alodia... Patience... Naku, nasaan ka na ba flower? Dito na me, magpakita ka na, please. Gusto ko nang bumalik sa asawa ko." Bulong ko sa aking sarili. Tinignan ko ang screen ng aking phone upang tignan ang oras, at nakitang maghahating-gabi na.

"Shit! Kailangan ko na talagang magmadali." Bulalas ko at natataranta nang nagpatuloy sa paglakad. Ayon kasi sa nabasa ko sa net ay hating-gabi namumukadkad ng todo ang gekka bijin na iyon, pagkatapos ay tumutupi na ulit ang mga bulaklak nito pagkatapos. Ayon pa sa nabasa ko ay once a year lang ito kung mamukadkad kaya kailangan ko talaga itong makuha sa lalong madaling panahon.

"Sabi sa mapa nandito lang banda iyon, e... Teka nga..." I mumbled while following the direction in the map. Nagpasalin-salin ang tingin ko sa mapa at sa masukal na daan hanggang makarating ako sa isang makipot na daan sa pagitan ng dalawang naglalakihang puno. Napapalibutan ito ng mga gumagapang na halamang ligaw kaya hinawi ko ang mga halaman at napatili nang biglang nagsiliparan ang mga uwak sa harap ko. Napaekis ang aking mga braso panakip sa aking mukha sa gulat ko sa mga naglabasang itim na ibon.

Napalunok ako, at hinga ng malalim sa takot sa nangyari. Tumikhim ako at pinilig ang aking ulo para kalmahin ang aking sarili. Hindi ako pwedeng umatras ngayong ganito na kalayo ang narating ko. Bumuga ako ng malalim na hininga at inayos ang aking sarili bago pumasok sa makitid na daan.

Paglagpas ko sa bunganga ng makitid na daan ay namangha ako sa aking nakita. Bumungad sa akin ang isang napakalawak na lambak na tanaw mula sa aking kinatatayuan na napapalibutan ng liwanag ng bilog na buwan. Sa sobrang mangha ko ay huli ko na napansin na nakatayo pala ako sa isang matarik na bangin.

Luminga ako sa aking paanan, kung saan kita ko ang nakakapanindig-balahibong malalim na bangin. Nanginig ang tuhod ko at aambang lalayo na sana doon nang mapansin ko ang isang nagliliwanag na magandang puting mga bulaklak sa isang flat na malaking batuhan sa haligi ng bangin. Direkta itong nasisilayan ng liwanag mula sa buwan at napanganga ako nang napagtantong ito na nga ang hinahanap kong Gekka Bijin. Agad kong kinuha ang aking phone at tiningnang muli ang itsura ng bulaklak para makasigurado. Nang nasigurado kong iyon nga iyon ay agad kong sinubukang abutin ang bulaklak.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon