Chapter 7 Date

1K 10 0
                                    

Song: Forevermore by Juris

“Salamat po sa paghatid Manong Gerry! Dito na lang po kami bababa ni Alodiang-tot.” Nakangising paalam ni Kent kay Mang Gerry pagkahinto nito ng sasakyan. Kinuha niya ang kamay ko pagkasabi niya nito sabay bukas sa pintuan ng sasakyan.

“Bye po Mang Gerry! Alis na po kami.” Paalam ko naman sabay kaway kay Manong habang hinihila ako ni Kent palabas ng sasakyan.

“Bye din po ma’am Alodia at Sir Kent. Ingat po kayo and enjoy. Tawagan niyo lang po ako kung may problema.” Baling ni Mang Gerry habang kumakaway din.

“Sige po. Salamat po Manong.” Sagot ko bago sinara ang pinto ng aming sasakyan. Pagkaalis ni Mang Gerry ay nagsimula na kaming maglakad papuntang ticket booth.  Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang naglalakad kami.

“Ikaw talaga. Anong Alodiang-tot? Ang ganda-ganda ng pangalan ko, pinapabaho mo.” Baling ko sa kanya ng nakasimangot. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Nakakaasar na ha, bangasan ko kaya ‘to? Ay huwag pala. Hindi ko pa nga siya natitikman, babangasan ko na agad.

Alodia! Maghunos-dili ka! Ayan ka na naman. Yung garter ng panty mo pakiayos please. Nalalaglag na. Saway ko sa sarili ko.


“E mabaho ka din naman kaya oks lang yan.” Ngisi niya habang nakatingin sa akin kaya inirapan ko na.

“Sweet mo talaga. Grabe! Wala akong masabi.” Tugon ko habang iniirapan siya at umiiling.

“Tara na nga! Bili na tayo ng ticket para makapasok na tayo. Anong attraction ang gusto mong unahin natin? Tanong niya ng nakangiti habang hinihigit ako papuntang ticket booth.

“Jellyfish!” I squealed.  Cute na cute kasi ako sa mga jellyfish kaya naman hindi ko mapigil ang excitement ko na magpunta sa Jellies Exhibit.

“O sige, unahin na natin ang mga jellies. Tapos punta tayo ng Oceanarium, fish spa, at iba pa. Dito na rin pala tayo mag-dinner.” Sagot niya habang nakatingin sa akin at nakangisi. Ang cute-cute niya talaga...haayyy...  I thought as I nodded my head in agreement.

“Let’s go! Pila na tayo.” He said as we continued walking. Pagkabili namin ng ticket ay agad kaming pumasok sa entrance at iniabot ang ticket namin sa guard. Nakahawak pa rin siya sa aking kamay habang binabaybay namin ang daan patungong Jellies Exhibit. Hindi ko mapigilan ang galak na nadama ko dahil sa magkadaupa naming kamay.

HHWW hihi. Kilig lang. Para kaming mag-jowa. I inwardly squealed.

Ambisyosa!

Hayaan mo na ako self. Minsan lang mangyayari ang mga ganitong moment. Pabayaan mo na akong lumandi. Parang sira kong kinausap ang sarili ko.

“Nandito na tayo.” Saad niya pagkarating namin sa may entrance kung nasaan ang Jellies Exhibit. Sa sobrang tuwa ko ay binitawan ko ang kanyang kamay at lumukso-lukso  papasok sa Jellies Exhibit. Para akong bata na excited sa fieldtrip.

“Dahan-dahan at baka ka madapa.” Natatawa niyang paalala. Nakasunod lang siya kung saan ako magpunta. Tinuon ko ang aking mga palad sa kreisel tank na pinaglalagyan ng jellyfish habang pinagmamasdan ang kamangha-manghang sea creatures.

“Ang ganda talaga...” sabi ko habang patuloy na pinagmamasdan ang mga jellyfish. Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkamangha ko sa mga jellyfish.

“Oo... maganda talaga...” he mumbled with a sigh. Lumingon ako sa kanya at nahuli ang paninitig niya sa akin. Para siyang natulala habang pinagmamasdan ako ng nakangiti, gamit ang mapupungay na mga mata. I tilted my head on the side as I looked at him, perplexed.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon