Chapter 45

468 3 0
                                    

Sugar, Spice, Bitterness, Dread

Naughty… Naughty… Naughty…

“Walang hiya ka!” galit na sigaw ni Liz sa akin sabay sumugod para sabunutan ako pero bago pa man din niya mahablot ang buhok ko ay naunahan ko siya.

“Mas walang hiya ka, bruha!” sigaw ko pabalik sabay gigil na hinila ang kanyang buhok at napapikit siya sa sakit. Kinaladkad ko siya at halos ilampaso ko ang mukha niya sa sahig.

“Bitiwan mo ako! You, bitch! You’ll pay for this!” naiiyak niyang bulalas habang pilit na tinatanggal ang kamay kong sumasabunot sa kanya pero ngumisi lang ako at umismid.

“ I know, right? I’m the bitchiest of ‘em all and now I’ll show you why.” I smirked sabay hagis sa kanya ng marahas sa sahig at lumupasay siya. Napadaing siya sa sakit ng pagkakalugmok niya sa sahig at napahawak sa kanyang balakang. Nang medyo nakarecover ay matalim niya akong tinignan at kitang kita sa kanyang mga labi ang panggigigil. Tumayo siya at muling sumugod sa akin— this time para kalmutin ako. Malas niya nga lang dahil bago pa man niya ako makalmot ay sinalo ni Kent ang kamay niya bago pa man ito dumampi sa aking balat. 

“Let go of me, Kent! Kung ayaw mong pati ikaw ay madamay!” Liz scowled habang pilit nagpupumiglas kay Kent pero hindi nagpatinag si Kent at tinignan siya ng masama.

“Let go? You’re asking me to let go of your hand, para ano? Para masaktan mo ang asawa ko?! You know Liz hindi ako pumapatol sa babae and as much as possible I want to be a gentleman to you because after all, may pinagsamahan tayo. But I won’t let you hurt my wife! Kung noon hindi ako makapalag sa pambablackmail mo, puwes iba na ngayon. You don’t have any control over me at subukan mo lang galusan ang misis ko, hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!” galit na utas ng asawa ko as he glowered at Liz at natameme ang bruha at kitang-kita ang sakit sa kanyang mga mata. Gusto sanang maawa sa kanya pero tuwing naiisip ko ang atraso niya sa amin ay nawawala ang kaunting awa ko sa kanya.

“Magagawa mo akong saktan, Kent? Magagawa mo akong saktan para sa babaeng iyan?! Ano ba talaga ang pinakain sa iyo ng babaeng iyan, ha?!” naiiyak na tanong ni Liz kay Kent sabay duro sa akin. Nag-arte lang akong bored at ngumiwi habang umaaktong naglilinis ng isa kong tenga dahil natutulili na ako sa tinis ng boses ng impakta.

“Monay nga, ang kulit…” bored kong sabat and she glared at me. Kent sighed exasperatedly bago muling nagsalita.

“Oo! Kaya kong manakit maprotektahan lang ang asawa ko. Kaya itigil mo na ‘to Liz. Bata ka pa at marami pang lalaking handa kang mahalin. Huwag na ako ang pagdiskitahan mo dahil alam kong alam mo na noon pa lang si Alodia na talaga ang para sa akin.” pagod na paliwanag ni Kent pero umiling si Liz at nag-amba na namang susugod. Bigla namang dumating ang mga tauhan ni Lolo at inawat si Liz. 

“What is the commotion all about?!” may awtoridad na tanong ni Lolo at napalinga ang lahat sa kanya, maging kami nila Liz. Dahan-dahang bumaba si Lolo mula sa hagdanan at lumapit sa amin.

“She started it grandpa! She hurt me and even pulled my hair, see?!” sumbong ni Liz kay Lolo pero blanko lang siyang tinignan ni Lolo na parang wala man lang simpatyang nadama para sa impakta.

“You are not my grand daughter, so stop calling me grandpa. Are you saying that my grand daughter’s a war freak? You must be out of your mind, Miss? We have cctv cameras all over this hall, if you really want to prove your point.” grandpa harshly said at namutla si Liz. Umawang ang bibig niya para magsalita pa sana pero tinikom niya rin ito at wala ng masabi.

“Escort that woman out of this building. I don’t want her near my grand daughter. She’s as despicable as her father.” utos ni Lolo sa kanyang tauhan at tumango ito kay Lolo sabay sumenyas sa kanyang mga kasamang humahawak kay Liz.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon