Chapter 20

584 7 0
                                    

KENT POV

Alodia’s song: Love and Loss by the Honey Trees

Sulat ng taong may flu (-_-) Pasensya. Pinakabipolar na chapter. :p Enjoy

“Grabe, ‘Dung at ‘Day! Halos makatulog at tumulo ang laway ko kanina sa sobrang bagot sa class ni Prof. Dimasupil! Kalerqui. Ewan ko ba, may tinatagong sedative ata ang napapanot na ulo nun.” birada ni Elsa pagkalabas namin sa isa sa mga building sa campus. 

Kakatapos lang ng class namin para sa last subject namin for today kaya heto at pauwi na kami. Alas dos pa lang ng hapon ngayon at gagala pa sana kami kasama si Elsa pero kailangan niya nang umalis dahil aniya may inuutos pa sa kanya ang kanyang nanay kaya kailangan niyang umuwi ng maaga.

“Over ka naman, girl. Kakastart pa nga lang ng semester nakadevelop ka na kaagad ng strong affinity sa prof natin. Baka pagbalik ni Sugar Bunny mo may Sugar Daddy ka na.” sarkastiko at pabirong saad ni Alodia habang natatawa. Napangiwi tuloy si Elsa sabay irap kay Alodia.

“Oy girl! Don’t say bad words nga! Hu mayyy galibels! Jusmiyo marimar! Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo. Yuck. Di ko pagpapalit si Sugar Bunny ko ‘no! Lalo na sa tanders na yun. Love na love ko kaya si Thomas, my Sugar Bunny. Huhu. Miss ko na talaga si Mondragon.” Elsa exclaimed sabay nagdrama. 

Napakamot na lang kami ni Alodia ko sa aming mga ulo dahil sa pag-eemo ni Elsa. Medyo nagsisimula na rin akong masanay sa mga crazy antics ni Elsa at thankful din ako sa kanya dahil alam kong kahit may pagkalukaret siya ay isa siyang tunay na kaibigan kay Labs ko.

“Diyan na nga kayo, tatawagan ko pa si love of my life. Sige ha, see you tom na lang. Alam ko namang atat na kayong dalawang makapagsolo.” makahulugan at nakangiting dagdag ni Elsa as she waved us goodbye. Nagkatinginan naman kami ni Yamatae ko at napangisi na lang.

“Okay girl! Ingat sila sayo! Este, ingat ka pala and kamusta na lang kay Thomas. Tell him about our plan nga pala to have a double date. Bye Girl!” ani Alodia ko as she happily waved back at Elsa. 

“Sige ingats na lang Elsa and regards kay Thomas. Dota kamo kami pagbalik niya.” saad ko naman habang kinakawayan din si Elsa, at inirapan at sinimangutan ako ng Labs ko. Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni Elsa. Napaisip tuloy ako kung ano na naman ang nasabi kong masama at sinimangutan ako ni Alodia.

“Oi, baka mag LQ pa kayong magjowa diyan ha. Sige sasabihin ko kay Thomas lahat ng bilin niyo. Sige ha, I really have to go… Tumatawag si mudra.” Elsa exclaimed with a chuckle at tuluyan nang umalis. 

Pagkaalis niya ay agad naman akong bumaling sa nakasimangot at mukhang iritableng girlfriend ko.

“O, bakit ka nakasimangot diyan Labs? Ano na namang ginawa kong ikinagalit mo? Sabihin mo naman sa akin Labs… Alam mo namang ayaw kong pinaiinit ang ulo mo. Baka mag-ala Jackie Chan ka na naman. Kawawa naman ako…” pabiro at malambing kong tanong, and she scowled at me with matching tadyak sa paa ko. 

Napatalon ako sa sobrang sakit ng tapak niya sa paa ko. Minsan tuloy napapaisip ako kung masokista lang ba talaga ako, kasi kahit bugbog sarado na ako sa kanya ay baliw na baliw pa rin ako sa kanya. Ito siguro ang tinatawag nilang cariño brutal.

“Tse! Ikaw kung makapambwisit ka talaga! Nakakainis! Ano?! Pagpapalit mo na ako sa Dotang yan? Ganyan naman kayong mga lalaki e… Inuna niyo pa video games kesa sa aming mga girlfriend niyo. Tsk… Magsama kayo ng dota mo!” masungit niyang tugon sabay humalukipkip at inirapan ako. Hindi ko naman maiwasang mapangisi.

Pati pala video games pinagseselosan ng Labs ko… hehe. I thought.

“Labs… Alam mo namang ikaw ang one and only sa puso at utak ko. Yang video games wala lang yan. Pampalipas oras ko lang naman yan kapag hindi kita kapiling my Labs, pero siyempre pag nandyan ka, ikaw ang priority ko. Huwag ka na tampo please? Smile na yan… Yieee… Smile na yang Labs ko…” panunuyo ko as I wrapped her in my arms and buried my face in the crook of her neck, and she giggled.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon