Chapter 32

436 3 0
                                    

Kent

“Pasok!” pagalit na utos ng misis ko pagkarating namin sa labas ng club kung saan naghihintay na ang SUV na minamaneho ni Mang Gerry. Agad ko namang binuksan ang pinto sa backseat ng sasakyan pero nang naalala kong dala ko nga pala ang kotse ko ay napahinto ako sa pagpasok at bumaling kay Alodia.

“P-pero L-labs, dala ko nga pala ang, ang k-kotse ko. hehe.” nauutal kong sambit kay Alodia at sabay napakamot sa aking ulo. Nanginginig ang ngiti ko at nang nakita ko na siyang umirap at nagbuntong-hininga ay napayuko ako. 

Shit ka Kent! Isa ka na talagang certified Takusa! Takot sa asawa! I thought. Well, not that I mind. Okay lang sa aking maging aliping sagigilid kung iyon ang ikaliligaya ng aking may bahay.

“Huwag mo nang intindihin yang kotse mo at nagsama kami ng isa pang driver. Akin na yang susi mo, at ipamamaneho ko na lang yan kay Mang Toto. Lasing ka na nga gusto mo pang magmaneho! Aba’y ayaw ko pang mabyuda ng maaga ‘no! Magpapaanak pa ako ng marami sa ‘yo kaya ingatan mo ang sarili mo.” masungit niyang tugon habang itinutulak na ako papasok ng SUV at hindi ko mapigilang kiligin. Sino namang nagsabing babae lang ang pwedeng kiligin? Siyempre kahit kaming mga lalaki, kinikilig din.

“Takot ka pa lang mawala ako Labs?” kinikilig kong tanong habang nagkakagat labi at nagpipigil ng ngisi pagkapasok ko sa loob ng SUV at nginiwian niya lang ako.

“Susi. Dali!” padarag niyang paghingi sa susi ng kotse ko ng nakalahad ang kamay. Dali-dali ko namang kinuha ang car key ko sa aking bulsa at iniabot ito kay Alodia. Pagkahablot niya nito sa aking kamay ay agad niya itong ibinigay kay Mang Toto, ang isa pang driver ng pamilya ni Alodia, at ibinilin ang aking sasakyan. Pagkatapos niyang habilinan si Mang Toto ay pumasok na siya sa loob ng SUV at tumabi sa akin. Pinaandar kaagad ni Mang Gerry ang SUV pagkasara ni Alodia ng pinto at tumulak na kami pabalik ng mansion. Medyo mabagal ang usad ng trapiko kaya malamang ay matatagalan kami sa byahe.

“Labs…” tawag ko kay Alodia habang nakahinto ang sasakyan dahil sa matinding traffic. Nakahalukipkip lang siya at parang hindi man lang narinig ang pagtawag ko.

“Huy, Labs…” tawag ko ulit at kinalabit na siya pero sinikmatan niya ako.

“Labs, kausapin mo naman ako, oh… Please?” I pleaded and she glared at me. 

“Ano ba?! Ang kulit mo! Anong sasabihin mo?!” she scowled habang matalim akong tinitignan pero pinagkibit-balikat ko lang iyon at nagpatuloy sa pangungulit.

“Paano mo nalaman kung nasaan ako Labs?” tanong ko habang nagpapacute sa misis ko with matching tantalizing eyes pa. Unti-unti kong nilapit ang sarili ko sa kanya, wanting to close the small distance between us, habang siya naman ay paatras ng paatras dahil sa paglapit ko.

“Haller?! E di GPS! Hindi ba dala mo smartphone mo? Kanina pa nga ako tawag ng tawag diyan, hindi mo sinasagot! Pwede ka namang doon na lang sa bar ng mansion naglasing, talagang dumayo ka pa rito. Siguro plano mo talagang mambabae ‘no?! Naku… Huwag ka talagang papahuli sa akin kung hindi tatagpasin ko yang— yang pinakatatago mo diyan!” sikmat niya at napangisi ako sabay inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

“Hehe. Oo nga pala. Sorry naman Labs… may konting amats pa ‘ko e. Labs naman, huwag ka namang mag-isip ng ganyan. Ipagpapalit ko ba naman ang napaka-sexy, ubod ng ganda, at pinaka da best sa lahat ng best kong misis? Atsaka ikaw kaya ang nagpaalis sa akin. Sabi mo umalis ako kaya sinunod lang naman kita. Ahlabyu…” paglalambing ko atsaka ipinulupot ang aking mga bisig palibot sa baywang ng asawa ko. 

“Tse! Isa kang malaking bola-bola! Kunwari ka pa, if I know nagustuhan mo naman yung panlalandi sa ‘yo noong haliparot na babae sa club kanina. Oh, and to make things clear, sinabi ko ngang umalis ka— umalis ka sa kwarto natin pero hindi ko sinabing umalis ka ng bahay! Lechugas ka! Isang linggo mo na akong iniindian sa kama! Ang hirap tuloy makatulog sa gabi kasi ‘yong asawa kong dapat kayakap ko, e nagiinarte sa kung saan! Nakakainis ka! Di tayo bati! Hmmp.” she whined at nakita kong nangilid ang luha sa kanyang mga mata. I felt a certain kind of warmth in my heart after hearing those words. The kind of warmth that melted all the insecurities I felt away. Kahit na pagalit niya itong sinabi ay damang-dama ko naman ang pagmamahal sa mga salitang binitawan niya. 

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon