Chapter 41

423 3 0
                                    

Truth (The Mori Heir)

"Labs, kapit ka ng mahigpit." Kent instructed as he gave me a piggyback ride, at sumunod ako. Tangan ang isang transparent na kahong pinaglagyan namin sa gekka bijin sa aking isang kamay ay ipinulupot ko ang aking mga bisig sa balikat niya at kumapit ng mabuti. Ang aking dalang backpack kanina ay nakasukbit din sa mga balikat ni Kent paharap sa dibdib niya. Lagpas hating-gabi na at kaunting oras na lang ay malalanta na ang mga bulaklak ng gekka bijin.

"Sorry, Kent. Alam kong mabigat ako. Kung gusto mo, ibaba mo na lang ako tutal yung isang paa ko lang naman ang apektado. Baka hindi mo makayanang iakyat tayong dalawa-" I muttered habang sinusubukan niya ang baging na itinali niya sa puno, at umiling siya.

"No. Don't worry. Steady ka lang diyan, Labs. Ang gaan mo kaya, paano may pa-diet-diet ka pang nalalaman." Pabiro niyang saad at pinisil ko siya sa pisngi at napahagikgik.

"Ganoon talaga, para sexy ako sa paningin mo. Mamaya maghanap ka pa ng iba." Hirit ko naman sabay pacute na pout and he sniggered.

"Saan mo naman nahugot iyan, Labs? Sa tingin mo ba ipagpapalit kita e deadz na deadz ako sa iyo? Atsaka kahit tumaba ka pa nang kasing taba noong bida sa 200 Pounds Beauty, I wouldn't really mind. Hot ka pa rin sa paningin ko, no matter what." Bola niya at kinagat ko ang labi ko, nangingisi.

"Sabi mo yan ha? Walang bawian! Halika na nga. Bilisan na natin, at malapit na mag-umaga." Masaya kong bulalas sabay inihilig ang ulo ko sa kanyang batok habang buhat buhat niya ako.

"Of course, Love! Gusto mo mamaya pagbalik natin patunayan ko kaagad sa iyo kung gaano ako nag-iinit sa iyo?" tugon niya at napairap ako. Gusto ko sana siyang hampasin kaso injured ako at baka mahulog pa ang kahong dala ko.

"Ewan ko sa 'yo! Tara na nga! Bilisan mo na, at naghihingalo na itong bulaklak na dala ko!" bulyaw ko at humalakhak pa ang loko.

"Alright, Labs. Kapit lang, ha? Huwag kang bibitaw sa akin." He said at sinimulan niya nang hilahin ang baging at akyatin ang batuhang haligi ng bangin.

Awang-awa ako sa mister ko habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap sa pag-angat sa aming dalawa. Kitang-kita ang paglabas ng mga ugat niya sa braso, leeg, at sintido dahil sa matinding pwersang inilalabas niya maiangat lang kaming dalawa. Tagaktak ang kanyang pawis pero hindi ko man lang ito mapunasan dahil kailangan kong kumapit ng mabuti para hindi ako mahulog. Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko siya sinuway kanina. Masyado akong naging selfish at padalos-dalos, at hindi ko man lang naisip na sa ginawa ko ay pinahihirapan ko ang asawa ko.

"Kent, ibaba mo na lang ako. Pagod ka na, o? Kaya ko na namang maglakad-" I said pagkarating namin sa ibabaw pero agad niya akong pinutol. Hingal na hingal siya, at naliligo na sa kanyang pawis habang buhat pa rin ako.

"Huwag nang makulit, Alodia. Kaya ko pa naman. Kaunting pahinga lang ito at ayos na ako." He interjected, panting.

"O... O sige, pero uminom ka muna. May tubig ako diyan sa bag ko. Kunin mo na lang sa gilid na bulsa. Atsaka, ibaba mo muna ako saglit. Baka nangangawit ka na." nag-aalala kong sambit at tumango siya. Maingat niya akong ibinaba sa may damuhan atsaka kinuha ang dala kong bottled water sa aking backpack at uminom. Halatang uhaw na uhaw siya kasi ang bilis niyang nilagok ang lahat ng laman ng aking bottled water.

"Kent, halika saglit. Punasan natin ang pawis mo." Tawag ko sa kanya at umupo siya sa gilid ko. Kinuha ko ang bag ko sa kanya sabay hinalungkat ang panyo ko sa loob.

Pagkatapos ko siyang punasan ng pawis at makapagpahinga ng saglit ay muli niya akong pinasan at nagmadaling naglakad pabalik sa mansion ni Mr. Mori. Tinignan niya ang kanyang phone at inopen ang Weather App para tignan kung anong oras sisikat ang araw.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon