Chapter 38

305 4 0
                                    

Malapit na…

“Totoo ba? Totoo bang iniwan mo sa altar si Liz, Kent?” I queried as I gazed at the pristine garden right in front of us while waiting for Mr. Mori. We were instructed to wait here at the veranda of his home until he’s done checking his injured men. Isinandal ko ang aking likod sa dulo ng sliding door habang nakaupo sa zabuton, at sa kabilang dulo naman nakaupo si Kent. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin at tanging ang tunog lang ng shishi-odoshi ang maririnig sa paligid. Kent glanced at me upon hearing my question.

“Well… Parang ganoon na hindi.” he muttered at napatingin ako sa kanya. 

“Pwede ba iyon? Paanong parang ganoon na hindi? Can you please expound? I want an honest answer, Kent.” I irately asked, crossing my arms, and with my brows knitted together and he sighed. Gulung-gulo na kasi ako at pakiramdam ko I was left in the dark all those years that we’d been apart and until now ay ganoon pa rin. I don’t want to nag pero ang ikinaiinis ko ay bakit mas alam pa ng iba ang mga ganitong impormasyon kaysa sa akin? Bakit wala man lang akong nabalitaan tungkol dito? Kilala ang pamilya nila Kent kaya imposibleng wala man lang nalathala o ano man tungkol sa naging kasal sana nila ng babaeng mukhang iguana na iyon.

“Labs, I know you’re annoyed dahil ang dami ko pang hindi masabi sa iyo kaya let me apologize for that before I begin explaining… It’s true na halos ikasal na talaga kami ni Liz years back during her debut. Gusto kasi nilang lahat na gawin ang kasal sa araw ng ika-labing walong kaarawan ni Liz. I tried to convince my parents that I’m not yet ready to settle down pero kahit ilang beses ko silang subukang kumbinsihin ay ayaw nilang makinig sa akin. I was so enraged that time. Galit ako sa parents ko kahit alam kong maling magalit sa kanila. Galit ako kay Liz, at sa tatay niya. Galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Galit ako sa sitwasyon, galit ako sa lahat. I felt so desperate that time! Araw-araw, gabi-gabi, walang laman ang utak ko kung hindi ikaw. Kahit na isubsob ko ang sarili ko sa sandamakmak na mga papeles sa office, ikaw pa rin ang naiisip ko. There was even a time that I became an alcoholic because I felt so messed-up. I missed you like crazy pero dahil sobrang bata ko pa ng mga panahong iyon at kailangan pang dumepende sa mga magulang ko, hindi ko magawang lumipad pabalik ng Pinas— pabalik sa ‘yo. That’s why nagpursigi akong magtayo kaagad ng sarili kong kompanya. Nagalit si Dad sa akin dahil bakit pa raw ako nagsarili ng negosyo gayong ako ang nag-iisang inaasahan niyang mamamahala ng lahat ng negosyo namin kapag nagretiro na siya. He was grooming me to be his successor someday pero sinuway ko siya. Tinayo ko ang mga negosyo ko ng lingid sa kaalaman nila at pagkatapos ay nagbitiw sa posisyon ko bilang presidente ng kompanya ni Dad. I’m still helping him manage the company every once in a while, though.” he explained and my heart bled for my husband. Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan niya. Feeling ko tuloy ang selfish ko, at ang babaw ko. Sobra akong nabulag ng galit ko noon sa kanya na hindi ko man lang inalam kung ano nang nangyayari sa kanya. Naging party girl ako para lang makalimot habang siya pala ay nagdudusa at nagpapakahirap para lang sa amin. I suddenly felt so unworthy of him. Hindi ko alam kung sasapat pa ba ang mga natitira naming saglit sa mundo para makabawi ako sa kanya.

Tumayo ako sa aking kinauupuan bitbit ang zabuton, at lumipat sa tabi ni Kent. Inilahad niya ang kanyang bisig sa akin and snuck it around my shoulders. Inihilig ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib at yumakap sa kanya ng mahigpit. Sa mga nalaman ko ay lalo ko lang minahal ang asawa ko.

“Sorry, Kent… Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari.” I mumbled burying my face in his chest and he kissed the top of my head.

“It’s not your fault, Love. Nasaktan ka rin naman at isa pa, hindi ako nakapagpaliwanag sa iyo ng husto bago ako umalis noon. Alam kong hindi pa rin malinaw sa iyo ang lahat pero give me a bit more time, at malalaman mo rin lahat.” he cryptically muttered against my hair and I nodded.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon