Chapter 52

440 4 0
                                    

Background: Here I Am by 4Men & Mi

Alodia

I'm filing for annulment.

He said at pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa wala. Sabi niya mahal niya ako pero bakit ganoon? Bakit ganoon na lang kadali sa kanyang sabihin ang mga katagang iyon?

Nanghina ang aking mga kamay sa narinig ko dahilan para mabitawan ko ang basket na hawak ko. Sumaboy sa lapag ang mga laman nitong prutas at pagkain, at nanginginig akong yumuko para pulutin ang mga iyon. Halos hindi ko na nga makita ang mga pinupulot ko dahil sa mga mata kong nalulunod na sa luha. I swallowed the lump in my throat at pilit na nagpapakatatag pa rin. Inisip ko na lang na baka dala lang ng sakit niya kaya niya nasasabi ang mga ganoong bagay.

"Pagod ka lang Kent. Magpahinga ka muna at baka-" I tried to reason out habang pinupulot ang mga prutas, in denial of everything. Hindi ko kayang basta tanggapin na lang ang sinabi niya. I don't want to let him go... Atleast not without a fight. Siguro nga nahihibang na ako pero masisisi niyo ba ako? Mahal ko siya e... Hindi ko siya kayang mawala sa tabi ko. Lahat ng pride ko ay lulunukin ko just to keep him. Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay pinutol niya na ako.

"Hindi mo ba ako narinig? I said I'm filing for annulment. Maghiwalay na tayo. Ayaw ko na." malamig niyang sabat at napakapit ako ng mahigpit sa basket na hawak ko. Mula sa pagtitig sa mga pinupulot ko ay nag-angat ako ng tingin at bumaling kay Kent. My jaw clenched and I pursed my lips tightly to stop them from trembling. Kahit na gusto ko ng bumigay ay pinigil ko. Sisikmurain ko ang lahat dahil hindi ko siya kayang pakawalan.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo..." pagkikibit-balikat ko sabay bumalik sa pagpupulot ng pagkain and he scowled.

"Sabi ko gusto ko ng makipaghiwalay! Mahirap bang intindihin iyon?! Hindi na kita mahal kaya pakawalan mo na ako. Pakawalan na natin ang isa't-isa." Galit niyang utas at hindi ko na napigil ang kanina ko pa kinikimkim sa aking dibdib.

Tumayo ako at inilapag ang basket sa upuan sa tabi ko bago muling bumaling kay Kent. Sobrang bigat ng pakiramdam ko and I was on the verge of breaking down.

"Ganoon ba talaga kadali sa iyong bitawan ako, ha? Sabi mo mahal mo ako, e... Pinaniwala mo akong mahal mo nga ako. Pero bakit ka ganyan? Bakit ang dali-dali para sa iyong pakawalan ako? Just like before... Ganoon pa rin di ba? Kagaya pa rin noong mga bata tayo... Kapag nagsawa ka na ay ayaw mo na. Sana pala hindi mo na lang ako binalikan Kent. Kung papakawalan mo rin pala ako sa huli ay sana hinayaan mo na lang akong maka move on ng tuluyan sa iyo... Pero hindi mo ginawa, e... Hindi mo ginawa kaya heto ako at nagpapakatanga sa iyo. Mahal na mahal ka at halos mamatay ng maaksidente ka." I cried my heart out in front of my unrequited love. All along I thought that my love would finally be reciprocated for good. But I guess, his love was just temporary.

My voice cracked as I said those things, kasabay ng mga hikbi at tangis na hinayaan kong kumawala. Parang bata akong umiyak doon kahit na hindi niya naman ako nakikita. Nakaupo lang siya roon sa kama niya at nakatingin sa kawalan. Hindi siya umimik at nakakuyom lang ang kanyang panga roon.

"Sige. If that's what you want, pagbibigyan kita. Ipadala mo na lang sa abogado namin ang mga papeles at pipirmahan ko. Mas mabuti rin kung ito na ang huli nating pagkikita... Goodbye, Mr. Lee. I wish you well. Magpagaling ka... Salamat sa lahat. Salamat sa panandalian mong pagmamahal..." I added, wiping the tears that had streamed down my face with the back of my hand. Pilit kong inayos ang aking sarili bago siya tuluyang tinalikuran at nagmadali akong lumabas ng kanyang kwarto.

I felt so weak. I felt like crap. Lambot na lambot ako at tuliro habang binabaybay ang daan palabas ng hospital. At nang sa wakas, ay nakarating na ako sa may exit ng hospital, imbis na tawagan si Mang Gerry para magpasundo ay wala sa sarili kong tinahak ang daan sa labas ng hospital. Kumapit ako sa may haligi ng labas ng hospital bilang suporta sa nanghihina kong mga tuhod. Ilang saglit pa ay nagsimula akong makaramdam ng pagkahilo kaya binagalan ko ang aking paglalakad. Dumodoble na ang aking paningin kaya pinilig ko ang aking ulo at pumikit ng mariin. I blinked my eyes repeatedly, sinusubukang pawalain ang pagkaliyo ko pero imbis na umayos ang aking pakiramdam ay lalong lumala.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon