Chapter 22

370 4 0
                                    

Alodia

#Kilig :p

Song: Ikaw at Ako by TJ Monterde

I didn’t know how to react or what to say. ‘Marry me’ yan ang sabi niya. Paano naman ako makakatulong sa parents ko sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanya? How can marrying him help solve the problem? Hindi ko alam kung hilo lang ba ‘tong jowa ko o ano. Kung hindi lang kami magkasama buong magdamag ay iisipin kong nakainom siya at dala lang ng kalasingan kaya kung anu-anong pinagsasabi niya.

“Huy, Labs ano nang nangyari sa ‘yo diyan? Okay ka lang ba?” tanong niya habang winawagayway ang kanyang kamay sa harap ko, at bumalik ako sa ulirat. Binalingan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasang sumimangot at magbuntong-hininga. Kasi naman, minsan ang lakas talaga ng trip ng payatot na ‘to. May mga times talaga na hindi ko mawari kung seryoso ba siya o trip niya lang magbahay-bahayan. 

Nandun na ako e, sabihin na nating makakatulong talaga ang pagpapakasal ko sa kanya, pero naman kasi… minsan na nga lang sa buhay ng isang girlash may magpopropose sa kanya at hihingin ang kamay niya in marriage tapos sa ganitong paraan pa? Ang sweet ha. Lechugas. 

Pakiramdam ko tuloy isa lang akong aleng napadaan sa kalye na nakasalubong ng isang lasinggerong tambay na nagiinom, at tinawag ako para sabihing, ‘Oi miss pakasal tayo!’ Joke ba ’to? 

“Labs talk to me, please? Huwag mo naman akong titigan lang. Geez! This is all my fault! I shouldn’t have said it that way. Sorry Labs if i’m being too hasty. Sorry kung nabigla ka sa sinabi ko. As much as I want to propose to you properly and at a better situation and set-up, I have no other choice because time is of the essence. I need to execute my plan as soon as possible.” he added with an apologetic look at napapikit ako as I let out a heavy breath. 

Naiintindihan ko naman e… Alam ko namang if given the chance, he wouldn’t have proposed the way he did. Alam ko namang hindi ganoon kabalahura si Kent para hindi man lang mag-effort. Kaya lang sa di malamang kadahilanan ay parang gusto kong mag-inarte.

“Nakakainis…” I mumbled at napatagilid ang ulo niya in bafflement.

“Ha? Ano yun Labs?” he queried and I glared at him, annoyance obvious in my face. Namutla naman siya at napalunok dahil sa pagkakajirita ko. Para siyang pinagpapawisan at takot na takot. Gusto ko tuloy matawa at pagtripan siya dahil para siyang batang may nagawang kasalanan at takot mapalo sa pwet. Pwede kurot sa singit na lang. hihi.

“Bingi! Sabi ko nakakainis! Lechugas ka! Sasabihin mo na rin lang na pakasalan kita hindi mo man lang nilagyan ng konting emosyon! Nagdrama ka man lang sana diyan sa harapan ko o ano. Imbis na kiligin ako at magfeeling protagonist sa isang hindi malilimutang romance movie, pakiramdam ko tuloy bida ako sa isang suspense thriller na palabas with the way you delivered it! Kainis ka! Bukas na bukas din ie-enroll kita sa The Kris Aquino school of acting. Hindi ka papasang artista. Bwisit!” I lashed out as I stood up and crossed my arms. Irap ako ng irap at sa sobrang kakairap ko ay feeling ko magkaka-strabismus na ako. He gaped at me for a few seconds habang dada ako ng dada before he burst out laughing, and I scowled at him.

“Sige tawa pa… Mahirinan ka sanang payatot ka.” pagsusungit ko habang pinagmamasdan siyang namimilipit sa katatawa. 

Leche ‘tong payatot na ‘to, bakit ba ako lokang loka sa tingting na ‘to? Hindi naman siyang sobrang hot, tapos ang lakas pang mambwisit, pero bakit ba ako humaling na humaling sa katas niya? Hindi nga siya masyadong makatas, actually. I thought.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon