Chapter 53

798 5 0
                                    

Kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan for one day, I would go back to that day... The day I shared my lunch with you... The day you said 'salamat' in tagalog kahit iba ang lenggwahe mo. Sa araw kung saan una kong napagmasdan sa malapitan ang mapupungay mong mga mata. Sa araw kung saan una kong nahawakan ang malambot mong kamay.

That was the most magical and most memorable day of my life. Pinatibok mo ng husto ang puso ko, ayan tuloy hindi ka na magawang makalimutan. Salamat sa magandang mga alaalang baon ko araw-araw. Salamat kasi dahil sa iyo, kahit minsan sa buhay ko ay masasabi kong nakapagmahal ako. Para sa iyo ang istoryang ito... Ang istorya ng isang echoserang babaeng na-inlove ng bonggang bongga...

Mahal kita... Mahal na mahal kahit na hindi na muling pinagtagpo pa ang mga landas natin... Kahit na hindi ka para sa akin... Hayaan mo na lang na mahalin kita sa malayo.

Chapter 53

If it's true love... forgetting would be impossible

Background music: You're My Spring by Sung Si Kyung (search niyo sa youtube ^_^)

Alodia

Ang tunog ng mga nagmamadaling mga paa... Ang kalampag ng mga med cart na tulak-tulak ng kung sino... At ang sari-saring tinig sa loob ng palapag ng hospital kung nasaan ako, ang siyang nakapagpagising sa akin mula sa pagkakahimlay.

Dahan-dahan...

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung nasaan ako, at hindi ko na tanda kung anong nangyari sa akin matapos dumilim ng aking paningin.

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad bumungad sa akin ang tinig ng isang tumatangis na lalaki. Ang boses na parang musika sa aking pandinig... Ang tinig na akala ko'y hindi ko na ulit maririnig.

Mula sa pagkatulala sa kisame ay nanghihina kong dinungaw ang lalaki sa aking gilid. He was holding my hand, his head bowed down. Nang naramdaman niyang gumalaw ang aking kamay na hawak niya ay doon niya palang napansin na gising na ako.

Inangat niya ang kanyang ulo kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. Doon ko pa lang napansin ang basang-basa niyang mukha dahil sa mga luhang mukhang kanina pa umaagos sa kanyang pisngi. He looked miserable, and exhausted- ang lalaking mahal na mahal ko.

"Anak! Sa wakas, nagising ka rin! You got us all worried! Ano ba kasing pinaggagagawa mo ha? Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabing huwag kang masyadong magpagod at bun-" pangaral ni mommy pero agad ko siyang pinutol. Ipinagkibit balikat ko ang sinabi niya at nanatili lang ang aking tingin sa lalaking paulit-ulit na lang winawasak ang puso ko.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na. Hindi kita kailangan." Malamig kong sambit sa lalaking itinuturing kong isang estranghero na lang ngayon, sabay marahas na bawi sa aking kamay na hawak niya. Nag-iwas ako ng tingin at mas pinili na lang na tumingin sa kisame. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkabigo sa mga mukha ng aking mga magulang at maging ng mga magulang niya.

Napalunok siya sa ginawa ko at naramdaman ang pagtulo ng kanyang luha sa aking hospital gown.

I felt numb. Wala na akong maramdaman sa sobrang sakit ng mga sinabi niya sa akin, ng ginawa niya sa akin.

Hindi ko sigurado kung sinabi na sa kanya ni mommy ang tungkol sa pagbubuntis ko pero kahit na malaman niya pa ay hindi na ako papayag pang papasukin siya ulit sa buhay ko. I'll allow him to be a father to my child pero hanggang doon na lang iyon. Lalagyan ko na ng palitada ang aking puso para hindi na siya makapasok at makapanggulo pang muli.

"Anak, huwag ka namang ganyan kay Kent... Let him explain. Tignan mo nga at kahit hindi pa iyan magaling ay nagpumilit pa ring umalis para hanapin ka. " pangaral ni mommy pero inilabas ko lang sa aking kabilang tainga ang sinabi niya.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon