Chapter 15

865 8 0
                                    

"Yamatae! Labs, papasukin mo na ako please!" Kent whined outside my bedroom door habang kumakatok.

"Ayaw ko nga! Matulog ka na nga sa room mo. Ang kulit mo. Sabing gusto ko munang mapag-isa ngayong gabi e." pataray kong tugon habang nakahiga sa aking kama at magkasalubong ang kilay. 

Mag-iisang oras niya na kasi akong kinukulit na pagbuksan siya ng pinto dahil gusto niyang dito matulog sa kwarto ko. Right after our make out session kasi sa office ni Dad ay nagpaalam na ako sa kanyang matutulog pero dahil mukhang pinaglihi ata itong payatot na 'to sa gawgaw, ayaw niya akong tantanan at gustong dumikit sa akin hanggang sa kwarto ko. Agad ko naman siyang pinagsarhan ng pinto ng aking silid kaya di siya nakapasok.

"Eeehhh... Labs naman e. Almost three years akong nanabik sa 'yo tapos ayaw mo akong makatabi? Ano pa ba kasing iniisip mo? Sabihin mo sa akin and I'll listen to you. Sige na naman, tabi na tayo labs." Patuloy niyang pagmamaktol sa labas ng aking kwarto. 

Ang dami kasing gumugulo sa isip ko ngayon. Ang dami kong tanong sa utak ko na alam kong si Kent lang ang makakasagot pero alam kong di niya rin naman ako sasagutin dahil gusto niya raw akong protektahan. 

Protektahan saan? Kanino?

Isa pang gumugulo sa utak ko ay ang tungkol kay Liz.

Hindi ba engaged na sila? Anyare? I wondered.

Naku baka ginogoyo ako nentong payatot na 'to ha. Masyado ata akong nagpadala kanina. Mamaya niyan nakatali pa pala siya sa impaktang 'yon, maging kabit pa ako ng wala sa oras. Di keri ng beauty ko ang maging mistress 'no. No no no no. I murmured to myself habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. 

I sat up at naglakad papuntang bedroom door para buksan ito. Pagkabukas ko ng pintuan ay biglang bumalikwas paloob ng aking silid si Kent dahil sa biglaan kong pagbukas na hindi niya inasahan. Napahiga siya sa sahig, una ang mukha, at napaaray. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa itsura niya.

"Araaayyy... Ang sama mo Yamatae, my labs. Kita mo na ngang na-hurt ako, pinagtawanan mo pa ako. Bakit mo naman biglaang binuksan ang pinto? Hindi mo man lang ako winarningan. Ang sadista mo na ngayon my labs." Aniya as he winced. Umupo siya ng pa-indian sit sa lapag habang hinahaplos ang mukha niyang tumama sa pagkakasubsob niya.

"M-masakit ba? Sorry naman. Sino ba naman kasing may sabing ituon mo yang mukha mo sa pintuan ko? Malay ko bang masusubsob ka." natatawa kong tugon habang nakayuko at nakatingin sa kanya.

"Ganyan ka naman e. Wala, ang laki talaga ng galit mo sa akin. Okay lang, kasalanan ko din naman. Sige, alis na lang ako." may halong tampo niyang sagot as he pouted, sabay umiling at nag-iwas ng tingin. He stood up at umambang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Saan ka pupunta? Akala ko tabi tayo matulog?  Eto naman nagjojoke lang ako. Hindi na mabiro. Alam mo bang ang cute-cute mo kapag nagtatampo ka. Wag kang ganyan at lalo akong natu-turn on." I quipped habang nakapulupot ang aking mga kamay sa kanyang braso. Isinandal ko ang aking ulo sa braso niyang hinahawakan ko at tumingala para titigan siya at ngitian.

"Talaga? Tara shower muna tayo together. Na-excite ako bigla. I love you, my Yamatae, my labs." He exclaimed grinning as he tilted his head on the side to regard me and kissed me on my forehead. 

"Ang dami mo namang endearment sa kin. Ang OA mo ha. Teka nga, gusto mong mag-shower e wala ka namang pampalit na damit dito?" I retorted rolling my eyes at nagtaas ng isang kilay sa kanya.

"Siyempre kailangan maraming endearment. Kulang pa nga 'yon to express how much I love you. Ay oo nga pala. Di bale okay lang kahit wala akong pampalit. Nakahubad din naman tayo pagdating sa kama mamaya." malandi niyang tugon with a mischievous grin on his face at nagniningning na mga mata.

"Ikaw, ang landi mo! Anong pinaggagagawa mo sa Canada at lumandi ka ng ganyan? Kakabati pa nga lang natin, gusto mo na agad umi-score?" masungit kong saad habang kinukurot siya sa tagiliran.

"Ouch! Labs naman. Tama na labs, joke lang yun. Aray! Aray!" he exclaimed habang iniilagan ang mga kurot ko. Tinigilan ko ang pangungurot sa kanya at humalukipkip.

"Siyempre, wala naman akong ibang ginawa dun kundi ang isipin ka labs. Lahat na nga ng kalandiang pwede nating magawa na-simulate ko na sa utak ko sa sobrang pagka-miss ko sa 'yo." He added, flinching, habang hinahawakan ang tagiliran niyang kinurot ko.

"Bolero... E di ba may Liz ka naman dun? Bakit mo naman ako mamimiss, e engaged ka nga sa iba?" I retorted sabay irap sa kanya and pouted.

"Hindi ko siya mahal. Never ko siyang minahal, at kahit kailan ay hindi ko siya kayang mahalin." Mariin niyang sinabi sabay nagbuntong hininga. Nagulat ako sa sinabi niya at napakunot ang noo ko.

"Ha??? Paanong never, e di ba first love mo siya? Well, kahit never mong nabanggit, ramdam kong may something kayo even before you two got engaged." I queried, jealousy etched in my face. 

Kahit gusto kong itago, just the mere mention of that girl's name, makes me cringe. Sinong babaeng nasa katinuan ba naman kasi ang may gustong may kahati sila sa taong mahal nila? Siyempre gusto ko akin lang 'tong payatot na ito ng buong-buo kahit na patpatin siya. Mahal ko e.

"Correction, hindi ko siya first love. Oo aaminin ko we had something going on before I came here years back, but that was just because I want to be a good son to my parents. Nakita mo naman siguro kung paano halos sambahin ni mom si Liz? I tried to like her before. Okay naman siya pero never akong nahulog sa kanya ng kagaya ng pagkahulog ko sa 'yo. Ikaw lang Alodia. Ikaw lang ang para sa akin at sana ganoon din ako sa iyo." malambing niyang tugon sabay abot sa aking isang kamay at hinalikan ito. Kinilig naman ako at tumindig ang aking balahibo dahil sa mga sinabi niya at dahil sa sweet gesture na ipinakita niya. Pakiramdam ko tuloy, ako si Cleopatra at si Lee-tot si Mark Antony. 

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon