Chapter 30

436 2 0
                                    

Jelly Beans

“Girl ayos ka lang ba? Kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga diyan? Asan na ba yang asawa mong magaling ha?” nag-aalalang tanong sa akin ni Elsa habang kumakain kami ng lunch dito sa Mcdo malapit sa aming University. Isang linggo na ang lumipas simula ng dumating si Luke sa mansion, at isang linggo na ring busy si Kent sa negosyo. Simula ng bumalik kami mula sa aming honeymoon ay isang beses pa lang nakaka-attend si Kent ng class. Nakiusap siya sa mga professor namin na mag mamake-up class na lang at pumayag naman ang mga ito. Si Luke naman ay busy sa recording ng kanilang banda pero mas madalas ko pa ata siyang makausap kaysa sa sarili kong asawa. Nadedepress tuloy ako kasi pakiramdam ko sinasadya ni Kent na maging busy para makaiwas sa akin. 

“Okay lang naman ako girl. May iniisip lang. Naku, busy iyong payatot na iyon. Alam mo na… Business as usual.” tugon ko at nagbuntong-hininga.

“Girl, mukhang may pinagdadaanan kayo ha? Kung di mo na keri i-splook mo na yan sa akin baka sakaling makatulong ako. Tungkol pa rin ba yan doon sa  blanditong yummilicious na nakikituloy sa inyo ngayon?” Elsa queried and my shoulders slumped sluggishly. Napayuko ako at napailing na lang.

Sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi ko sigurado kung tungkol pa rin ba ito kay Luke kaya nanlalamig sa akin ang asawa ko ngayon. Naikwento ko na kay Elsa ang mga nangyari noong pagdating namin from Maldives at ang tungkol sa pagdating ni Luke. Noon pa lang pagkagaling ko ng Australia about a year ago ay naikwento ko na kay Elsa ang tungkol kay Luke kaya alam niya na kung anong namagitan between me and Luke.

“Ewan ko ba girl. Hindi ko na talaga alam. Ilang beses na naman akong nag-explain at ilang beses ko na siyang in-assure na siya naman talaga ang mahal ko pero parang hindi pa rin enough. I tried to reach out to him and to confront him na din kung bakit siya nagkakaganoon pero parang lahat na ata ng lusot ay ginawa niya na para hindi kami makapag-usap. Kahit nga sa gabi, sinasadya niyang umuwi ng sobrang late, yung tipong tulog na ako… Tapos sa umaga bago ko pa man imulat ang mga mata ko, nakaalis na siya. Gulung-gulo na talaga ako girl. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba ito sa selos o baka naman may kinahuhumalingan na siyang ibang babae. Napaparanoid na ako.” halos mangiyak-ngiyak kong kwento kay Elsa at nakita ko ang awa sa kanyang mukha. 

“Keri mo yan girl… Naku hayop siya, huwag siyang magtangkang lokohin ka at malalagot talaga siya sa akin. Isisilid ko siya ng buhay sa balikbayan box at ipapadala sa Scarborough Shoal. Hayaan mo siyang ma-smuggle ng mga Intsik doon.” galit na saad ni Elsa habang umiirap sa kawalan at sumusubo ng french fries and I sniggered. Buti na lang at may kaibigan akong kagaya niya kaya kahit papaano ay naiibsan ang problema ko.

“Huwag ka namang ganyan girl. Kahit naman ganoon ‘yon, mahal ko ‘yon. Lamang tiyan din ang payatot na iyon. Yun nga lang baka itapon lang ng mga Intsik sa dagat iyon kasi kahit macho dancer hindi papasa iyong asawa ko.” natatawa kong tugon at napahalakhak na rin si Elsa.

“Baliw ka na talaga, Girl. Sa bagay kahit noong Grade Seven pa lang tayo, hibang ka na talaga diyan sa asawa mo. Kaunti na lang talaga maniniwala na ako sa forever. Chos. Ay, siya nga pala hindi ba alam na noong Luke na iyon na kasal kayo? Akala ko ba secret muna?” 

“Oo, girl. Kinausap ko naman siya. Ang sabi ko kung pwede ay huwag niyang ipaalam sa iba ang tungkol sa amin ni Kent. Kilala ko naman iyon at alam kong mapagkakatiwalaan siya. Wala naman sa nature niya ang pagiging chismoso.” I said and Elsa nodded. Sa maikling panahong nakilala ko si Luke ay alam kong hindi siya ang tipong magkukwento sa ibang tao ng mga bagay na hindi naman dapat ibinabahagi sa iba. Noong sinabi ko nga sa kanya na huwag ipaalam sa iba ang tungkol sa amin ni Kent ay hindi na siya nagtanong kung bakit. Agad na lang siyang sumang-ayon. Siguro ay dahil na rin sa kinalakihan niyang environment kaya hindi siya maurirat sa buhay ng may buhay.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon