Chapter 19

535 5 0
                                    

Please Refresh

Medyo naughty…

Magkaholding hands naming binaybay ni Kent ang daan papunta ng aming classroom kahit na panay ang paninitig sa amin at pagbubulung-bulungan ng mga estudyanteng ususero sa paligid. We took our time walking hand in hand, not caring kung sobrang PDA na ba kami sa paningin ng mga tao sa paligid.

Tuwing magkasama talaga kami ni Kent ay hindi ko na napapansin ang mga nega vibes sa paligid. Parang sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko at isang ngiti niya lang ay nakakalimutan ko na lahat including the bystanders surrounding us.

“Girl! Ui Kent! Dito kayo dali!” Elsa giddily exclaimed as we entered the classroom. Sinenyasan niya kaming lumapit sa kanya at parang nakalaklak siya ngayon ng isang kahang Cobra Energy Drink dahil sobrang hyper niya. Agad naman namin siyang nilapitan at umupo sa inireserba niyang upuan para sa amin. 

“Hi girl! Anong tinungga mo this morning at ganyan ka ka-energetic? Sabi ko naman sa ‘yo bawas bawasan mo ang paglaklak mo ng Enervon syrup. Ginagawa mo na atang parang tubig e.” I jibed, at inirapan niya ako. Napahalakhak naman ng mahina si Kent sa tabi ko. Supposed to be ay dapat time na para sa Accounting class namin pero mukhang late ang prof namin kaya chika-chika muna.

“Hoy! Kayong dalawang magjowa, tigil-tigilan niyo ako ha. Umagang-umaga sinisira niyo ang beauty ko. Kapag ganito pa namang tagtuyot ang flower ko dahil wala si Sugar Bunny ko, naku!” she scowled as she crossed her arms, at tinaasan kami ng isang kilay. Hindi tuloy namin mapigilan ni Kent ang matawa.

“Sige, tawa pa more… Pagbubuhulin ko na talaga kayong dalawang malnourished na magjowabells.” she sneered, narrowing her eyes at us, at huminto kami sa pagtawa. Kinagat ko na lang ang aking lower lip para matigil sa paghalakhak, at ganoon din si Kent.

“Sorry, sorry na girl. Eto naman di na mabiro. Lambing lang yun friend… Ikaw naman. Speaking of your Sugar Bunny, kamusta na nga pala siya? Nakarating ba naman ng maayos sa Australia? Kailan balik niya girl? Atsaka bakit ang hyper mo? Anong meron girl?” sunod-sunod kong tanong kaya napangiwi na siya at napatakip sa kanyang tenga. Si Kent naman ay tahimik lang na nakangiti sa tabi ko at nakikinig sa aming usapan habang nakatuon ang kanyang baba sa aking balikat.

“Hep, hep! Teka nga girl! Ano ba naman yan, para kang machine gun kung makapagpaulan ng tanong. Kalerqui. Easy lang, mahina ang kalaban.” pag-awat niya as she raised a hand in front of me to stop me from speaking, and I sniggered.

“Sensya ka na girl. Medyo lutang din kasi ako ngayon kasi you know naman, nandito na ‘tong payatot kong mahal na mahal ko.” masaya kong tugon sabay baling kay Kent at pisil sa kanyang magkabilang pisngi. Ang mokong naman pa-cute pa, kaya hinalikan ko na ng mabilis sa labi.

“Sarap naman ng kiss ng labs ko. Isa pa nga.” kinikilig na saad ni Kent as he puckered his lips for a kiss. Ramdam ko ang paninitig ng aming mga blockmates at naririnig ko rin ang ilan na nagbubulungan. May narinig pa akong parang nanghihinayang, habang ang iba naman ay mukhang naiirita sa aming public display of affection ni Kent pero deadma lang ako. 

Insecure lang sila. Hmmp. Wala silang jowang kagaya ng payatot ko. I smugly murmured to myself.

“Huy! Maghunos-dili kayong magjowa. Tirik pa ang araw, mamaya na kayo maglampungan kapag madilim at patay na ang ilaw.” saway ni Elsa sa amin and we chuckled.

“Sorry po…” sabay naming sinabi ni Kent as we tried to mimic Chichay of Got to Believe. Natawa naman si Elsa dahil sa kalokohan namin ni Kent.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon