Chapter 10.2 Shatter

886 12 2
                                    

Song: Broke Up Today by Younha (nakakaiyak siya kahit di ko naiintindihan. Lol)

--------</3------------</3----------

True love is rare. Iyan ang sabi nila, at marahil  nga ay tama sila. Bihira lang ang nakakatagpo ng tunay at wagas na pag-ibig. But finding your  one true love doesn’t guarantee you a happily ever after. Minsan kahit nakita na natin ang magpapaikot ng mundo natin ng 360 degrees, hindi iyon sapat para mapanghawakan ang taong iyon—ang taong ayaw nating pakawalan. Love, alone, is not enough. It will never be enough. Iyan ang itinuro sa akin ng buhay. Hindi sapat ang pag-ibig lang, hindi sapat na mahal mo lang, lalo na kapag pinili tayo ng tadhanang pagtripan.

Ginugol ko ang maghapon ko sa paghahanda para sa dinner namin with Kent’s family.  Natagalan pa nga ako sa loob ng walk-in closet ko kasi hindi ako makapili ng susuotin. Gusto kong maging presentable at maging maganda kapag nagkita ulit kami ni Kent. Sinusubukan kong maging optimistic kahit na wala naman talaga akong pinanghahawakan sa aming dalawa. Tanging ang pagmamahal ko lang sa kanya ang meron ako.

 Magtiwala ka lang... magtiwala ka lang... Hindi ka niya iiwan. Hindi niya magagawa iyon. Ito ang aking naging mantra sa araw na iyon. Alam kong mahalaga ako kay Kent. Kahit hindi niya iyon sabihin ay ramdam kong importante ako sa kanya. Tama. Alam kong hindi niya magagawang umalis ng basta-basta na lang ng hindi man lang nagpapaliwanag sa akin. Tatanungin ko siya mamaya, at kung maaari ay pipigilan ko siyang umalis.

Mga bandang 4:30 PM nang ipinatawag ako ng mga magulang ko kay Manang Tinang para sa aming dinner with the Lees. Inayos ko ang sarili ko at tumingin muna sa malaking salamin sa aking kwarto bago lumabas.

“Ayos na... makikita ko na rin si Kent.” Nakangiting bulong ko sa aking sarili, habang pinapasadahan ng kamay ko ang aking mahabang buhok sa harap ng salamin.

Gurl tama na please. Tama na ang ka-martyran. Nahuhurt  na me for you. I think your mom is right, it’s time to let go and move on... saad ng aking alter ego.

Masisisi mo ba ako? Mahal na mahal ko siya, alam mo naman yun ‘di ba? Matagal na. Ilang taon na. Ilang taon nang umiikot sa kanya ang mundo ko. Paano ko naman bibitawan ang taong nagpapaikot ng mundo ko? Paano ko patatakbuhing muli ang buhay ko kung wala na ang nagpapaikot nito? Kailangan ko ba talaga siyang pakawalan ng ganun-ganun na lang? Gusto kong kumapit. Hanggang sa may makakapitan pa akong kahit na manipis na hibla ng pag-asa ay kakapit ako. Ibigay mo na sa akin ito. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon na lang. Bulong ko sa aking sarili.

Bahala ka gurl. Sana lang ay hindi ka umuwing luhaan at wasak mamaya. Dugtong ng aking alter ego.

Pagkarating ko sa foyer ng aming mansyon ay naroroon na ang aking mga magulang. Doon kasi namin hihintayin ang pagdating nila Kent.  Binati ko lang sila at bumeso, pagkatapos ay pumirmi na sa couch katabi nila. Nakita kong nagkatinginan sina mom and dad matapos akong pagmasdan. They both  look worried at alam kong dahil iyon sa akin.  

I was fidgeting the whole time dahil sa kabang nadarama. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-excite dahil magkikita na ulit kami ni Kent o kung dapat ba akong matakot dahil sa mga pwedeng mangyaring hindi ko gusto.

“They’re here...” I heard my mom mutter and I was brought out of my trance. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako habang pinagmamasdan ang mga daliri ko.

Agad na tumayo sa kanilang kinauupuan sina mom and dad para salubungin sina Kent at sinundan ko na lang sila. I was about to smile pagkabukas ng main door ng mansyon dahil makikita ko na si Kent,  at last, pero agad napawi iyon ng bumungad sa harap ko ang parents ni Kent, si Kent, at si Liz na nakapulupot ang mga kamay sa braso ni Kent. Napatulala ako sa mga kamay ni Liz na nakapulupot sa braso ni Kent,  at napansin ang isang singsing na may malaking diyamanteng nakasuot sa left hand ring finger niya. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko lalo na nang bumaling ako kay Kent, at nakita ang malamig niyang tingin sa akin, just like when we first met. Saglit niya lang akong pinagmasdan na para bang masakit ako sa matang tignan, at ibinaling na ang tingin kay Liz. Malamlam niya itong nginitian, habang si Liz naman ay mukhang masayang-masayang nakatitig kay Kent.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon