Chapter 21

432 6 0
                                    

KENT POV pa rin…

Nagmadali kaming umuwi ni Alodia matapos tumawag ni Manang Tinang. Sumakay na lang kami ng taxi dahil hindi na kakayanin ni Alodiang magpalipat-lipat pa ng sakay sa lagay niya. Kanina pa kasi siya walang tigil sa pag-iyak. Nang nakasakay na kami sa taxi ay kwinento niya sa akin ang kabuuan ng ibinalita ni Manang. Ayon daw kay Manang, nakitawag lang daw si Tita Anabelle sa phone ng isa sa mga nurses sa hospital sa Japan dahil naiwan nito ang kanyang phone sa sobrang taranta sa nangyari kay Tito. Kaya raw hindi direktang tumawag si Tita kay Alodia ay dahil naisip ni Tita na baka may class pa si Alodia. Hindi na raw masyadong nagdetalye pa si Tita tungkol sa condition ni Tito at binilin na lang kay Manang na patawagin si Alodia sa kanya sa numerong ibinigay niya. Dapat sana ay tatawagan na namin kaagad si Tita pero nalowbat na ang mga phone namin ni Alodia kaya minabuti na lang naming umuwi na lang kaagad.

Halos di mapakali si Alodia sa kanyang kinauupuan at patuloy sa paghikbi habang nagbibiyahe kami lulan ng taxi. I felt so frustrated kasi ang tanging kaya ko lang gawin ay ang sumuporta. Alam ko namang kahit anong sabihin at gawin ko ay hindi nito kayang alisin ang agam-agam o pag-aalalang nadarama niya.

“Sshhh… Calm down Love. Everything will be fine.” I whispered against her hair while embracing her. I was holding her trembling hands the whole time as I let her sob against my chest. 

I know what I said’s non-therapeutic and I don’t know if those words can help assuage the agony she’s feeling, but it’s better than not saying or doing anything at all. It hurts to see her hurting— I myself, am hurting too. Uncle’s like a second father to me, and hearing that he’s in a bad condition breaks my heart. Just like Alodia, nanlumo din ako but I can’t show her that— hindi ko pwedeng ipakitang nanghihina ako because this is the time she needs my support the most. Kailangan kong magpakatatag para sa aming dalawa.

“Kent, si-si Dad… Anong gagawin ko? I can’t afford to lose Dad. He treated me like his own kahit hindi kami magkadugo. I love Dad so much, I don’t wanna lose him Kent!” Alodia wailed as I kept her draped in my arms. I kissed the top of her head at niyakap pa siya ng mas mahigpit habang hinahaplos ang kanyang braso para patahanin. 

“Tahan na Labs… Malapit na tayo sa mansion. Tawagan kaagad natin si Tita Anabelle pagkarating ng bahay to know the full detail of Uncle’s condition. Nandito lang ako para sa ‘yo Labs. Hindi kita iiwan. I’ll tell my secretary to look for the best doctor around the globe para tulungan si Uncle, kaya relax ka lang okay? Hindi ko kayo papabayaan.” I muttered cupping her face with my hand as I wipe her tears away with my thumb. Ngumiti siya sa akin kahit na basang-basa pa rin ang mukha niya dahil sa pag-iyak. Medyo nahimasmasan naman ako dahil kahit papaano ay nakikita kong humihinahon na siya.

“S-salamat Kent ko… Buti na lang nandito ka k-kundi baka tuluyan na akong nag-hysterical dito.” She mumbled as she wrapped her arms around me and leaned her head against my chest. I let out the heavy breath that I was holding and lightly rested my chin on top of her head. Kanina pa kasi ang bigat ng pakiramdam ko at feeling ko ay hindi ako makahinga ng ayos dahil sa pag-aalala ko kay Alodia at sa pamilya niya na tinuring ko na ring pamilya.

“Anything for you and your family Alodia ko. You know naman how important you and your family are to me. Dito lang ako parati kaya wag mong solohin lahat, okay? I would appreciate it if you’d share some of your pain and agony with me.” I uttered and softly smiled at her. I propped my hand on her nape and gently pulled her toward me for a kiss.

——<3——<3——

Inabot kami ng almost two hours sa biyahe. Rush hour kasi kaya sobrang traffic. Tumigil na sa paghikbi si Alodia pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon