Epilogue

1.1K 7 2
                                    

Epilogue

All rights reserved.

@milfeau1028

You're My Spring pa rin ang background music. Feel ko lang :p

Tinupad niya nga at hindi niya ako iniwan hanggang sa mga huling sandali ng aking buhay... Mahal ko siya ng sobra pa-higit pa sa pwede. He was once my unrequited love... Ang pag-ibig kong hindi ko magawang bitawan...

"...Hanggang sa huli ay siya pa rin." I read aloud, kakatapos lang basahin ang pinakahuling pahina sa tala-arawan ni Lola.

"Teka, noong isang linggo lang ito, ha?" I said to myself as I read the date on the last note. Bali-baliko na ang sulat kamay ni Lola Alodia sa huling pahinang ito, marahil ay dahil sinulat niya ito ng panahong nanghihina at nakaratay na siya sa kama.

Napasinghot ako at pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata bago tuluyang isinara ang diary na inihabilin sa akin ni Lola bago siya yumao.

She was 95 years old when she passed away two days ago, and she died holding the hands of the man she ever loved.

The night of that same day when Lola passed, ay sumunod na rin si Lolo. He died in his sleep, marahil ay hinintay lang si Lola para tuparin ang ipanangako niya ritong hindi niya siya iiwan hanggang sa huli. At ginawa niya nga. Hindi niya iniwan si Lola hanggang sa huling hininga nito.

Growing up, I saw how my lolo and lola loved each other. Sila ang pamantayan ko pagdating sa pag-ibig. I want that kind of love... Yung pag-ibig na puro at tapat-pag-ibig na hindi nabibili o nababayaran. They were each other's strength, they were each other's best friend, and at times, each other's mortal enemy. Sa tuwing makikita ko sila noong magkasama, ay napapangiti ako. The way they looked at each other, made me dream of finding my own perfectly imperfect partner in life.

"Alora! Naku, nandiyan ka lang palang bata ka! Kanina pa kita hinahanap. Halika na at magsisimula na ang misa para sa lolo Kent at Lola Alodia mo. Hinahanap ka na ng mga Tito at Tita mo." Tawag ng aking inang si Anna sa may pintuan ng kwarto ng aking grandparents. Siya ang bunso sa anim na magkakapatid, at ako ang nag-iisa niyang anak.

"Opo, Ma. Eto na po, tatayo na." tugon ko sabay tumayo mula sa pagkakaupo ko sa dulo ng kama ng aking grandparents. Inayos ko ang aking sarili at huminga ng malalim, bago isinilid ang diary sa aking purse.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na sila. Ang dalawang taong sobrang malapit sa akin at hinangaan ko simula pagkabata. Pero kahit na naghihinagpis ang puso ko ay masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako kasi hanggang sa huli ay pinatunayan nilang totoo ang salitang 'pagmamahal'. They proved to the world that true love exists. Na sa kabila ng komplikasyon sa mundong ito, sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari sa bagay na tinatawag na buhay, ay makakahanap tayo ng isang tao na magbibigay sa atin ng lakas para magpatuloy, para mangarap. Isang taong bibigyan tayo ng dahilan para mabuhay, para gustuhin pang mabuhay kahit na puno ng paghihirap at sakit ang mundong ito. Sana ay matagpuan ko rin ang para sa akin.

Pagkarating ko sa hall kung nasaan nakaburol ang mga labi ng aking grandparents ay agad akong sinalubong ng mainit na yakap ng aking mga pinsan. Maging sila ay miss na miss na rin sina lolo at lola. Miss na rin nilang makita ang lambingan ng aming grandparents kahit na uugod-ugod na sila.

"Kahit na sabihin natin na they lived a full life, masakit pa rin talaga. They were my inspiration growing up. I am the man that I am now because of our parents." Tito Junior wailed, nakayuko at nakaupo sa harapan ng ataol nina lolo't lola. Kausap niya ang Tita kong si Tita Akira at ang isa ko pang tiyong si Tito Haru habang pinapatahan siya ng kanyang misis na si Tita Agnes.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon