Chapter 12

970 12 2
                                    

May mga bagay na mali man sa paningin ng ibang tao, o ng lipunang kinalakhan natin, ginagawa pa rin natin because that's how we cope-- cope from the people/things that hurt us. Kahit na alam naman nating panandaliang lunas lang ang mga bagay na iyon ay pinapatos pa rin natin kasi kahit kaunti lang o kahit saglit lang ay gusto nating makalimutan, o maibsan ang sakit na nararamdaman natin. May mga bagay o tao kasing sadyang mahirap makalimutan. Baka imposible ng makalimutan. 

Alam ko namang kailangan ko ng mag move-on, pero paano ka makaka move-on kung maraming mga katanungan at palaisipang naiwang walang sagot? Bigla ka na lang iniwan sa ere, at ang tanging narinig mo lang sa kanya ay nabored lang daw siya kaya ka niya pinagtiyagaan. I loathe him to death because of that. Bwisit siya. Ang kapal ng mukha niya to toy with my feelings. How dare he.

June 2014

"Hi!" someone uttered beside me. Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig at nakita ang isang matangkad, at makisig na caucasian. Nakangiti siya sa akin at may hawak na isang glass ng liquor sa kanyang isang kamay. Ang kabilang braso niya naman ay nakatuon sa counter ng bar sa may likuran ko, habang ako ay nakaupo ng naka-cross legs sa isang stool sa bar at pinapanood ang mga nagsasayaw sa dance floor. He was more or less than a feet away from me and he was ogling me like all the other pervs out there.

"Hi." I seductively muttered at nginitian din siya. Sanay na ako sa mga tulad niya. Yung mga tipong pang one night only lang. Alam kong hanggang laro at fling lang ang gusto nila but I don't really mind. Iyon lang din naman kasi ang gusto ko-- ang maglaro. 

"You alone? Can I buy you a drink?" he flirtatiously queried and offered as he took a sip of the liquor he was holding. Nakangiti pa rin siya at nakatitig sa akin na para bang isang taon na siyang tigang kaya L na L na siya. Kung hindi lang siya hot ay baka binangasan ko na ang mukha niya. Kung cheese lang siguro ako ay nag melt na ako dahil sa lagkit niyang tumingin.

You wanna play? Okay, let's play. Game on. I thought as I mentally smirked.

"Nah, I'm not. I'm waiting for my friend... But a drink sounds good." I replied with tantalizing eyes and bit my lower lip. 

You wanna flirt? Let me show you what flirt means. I smugly thought.

He sniggered and played with his lower lip with his fingers as he heard my reply. Nagpasalin-salin ang tingin niya sa labi ko at mga mata.

"Great. So... What kinda drink do you want?" He exclaimed with a smirk sabay baling sa bartender sa counter to order me a drink. Ibinaba niya ang hawak niyang glass sa counter at bumaling muli sa akin, hinihintay ang sagot ko.

"Choose for me." I replied with a smirk while dangling my legs, and leaned against the counter. Mapang-akit ko siyang tinitigan habang nakangiti at binabalandra ang voluptuous body ko. Nakasuot ako ngayon ng body-hugging black dress na above the knee at mababa ang neck line. Nakita kong napalunok siya at napaawang ang bibig habang pasimpleng tinitignan ang dibdib ko. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim nang napansing napansin ko ang paninitig niya. Bumaling siya sa bartender at inorder ako ng isang cocktail drink.

"Thanks." I uttered as he gave me my drink. Nag-toast kami bago ko nilagok ang cocktail na binili niya. Hindi namin inalis ang titig namin sa isa't isa habang nilalagok ang aming liquor. 

So typical. I thought. Sa sobrang expert ko na kasi sa art of seduction ay gamay ko na ang kilos ng malalanding tulad ng lalaking ito. Una, iaapproach ka, then mag-offer ng drink, usap kaunti, hanggang sa mauwi na sa malanding usapan ang lahat. Before you know it, nasa kama na kayong dalawa at tanging katawan niyo na lang ang nag-uusap even without knowing each other's name.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon