Chapter 35

351 3 0
                                    

Let The Quest Begin Part I

"Will you be fine here Luke? Sorry if we have to leave you here for a while. Something urgent came up so--" I said and Luke cut me off.

"Don't worry about me. I can manage. I'll look after the mansion while you're both away. Take care, you two." Nakangiti ngunit seryosong saad ni Luke and I sighed. Ngumiti na lang din ako ng tipid sa kanya. Nandito kami ngayon sa NAIA at sumama lang si Luke para ihatid kami sa Airport. Dapat ay ihahatid din kami nila Elsa at Thomas kaya lang ay may klase pa sila kaya sa phone na lang kami nagpaalamanan.

"Labs, let's go. Nacheck-in ko na ang mga luggage natin." Tawag ni Kent na kakagaling lang sa may check-in counter ng airport. Nilingon ko siya bago muling humarap kay Luke para magpaalam.

"We have to go now Luke. If you need anything, don't hesitate to ask the mansion's staff. See you when we get back." Paalam ko at tumango si Luke. Si Kent naman ay tahimik lang sa gilid ko at naghihintay na matapos ang usapan namin ni Luke.

"Alright. See you in a week or two? Take care of her man." Luke replied at sabay bumaling kay Kent. Umismid naman si Kent dahil sa sinabi ni Luke.

"You don't need to tell me that. That's a given-- she's my wife, of course I'll take care of her." Kent smugly replied as he pulled me closer to him. Hanggang ngayon kasi ay nagseselos pa rin siya kay Luke. Actually, sa lahat ata ng lalaking mapadikit o ngumiti sa akin ay nagseselos siya kaya hinahayaan ko na lang.

"What?" Tanong niya sa akin nang siniko ko siya at pinandilatan ng mata.

"Ano ka ba? Umayos ka nga." Pabulong kong sikmat kay Kent at sumimangot lang siya. Napapailing na lang ako sa mga asta nentong gwapo kong asawa.

"Sorry for my husband's brazenness. Hope you're already immune to my husband's tantrums." I candidly told Luke, and he snickered while Kent scowled.

"No problem. Yeah... I sorta got used to it. Well, you better get going now or you might miss your flight." Natatawang sambit ni Luke sabay kumindat sa akin at napatingin ako sa asawa ko. Nakita ko kung paano matalim na tinignan ni Kent si Luke habang kumukuyom ang kanyang panga habang si Luke naman ay nakangiti lang sa kanya. Sadyang mapang-asar kasi si Luke, at sa sobrang pagsusungit sa kanya ng asawa ko ay natuto na itong sakyan na lang ang topak ni Kent. Agad ko na lang pinutol ang usapan bago pa tumindi ang tensyon sa pagitan nila, at nagpaalam na kay Luke.

Kabado ako nang nag-board na kami sa eroplano. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kung sakaling magkita kami ng biological grandfather ko. Ayaw na sana ituloy ni Kent ang plano niya at maghahanap na lang daw siya ng ibang paraan para maisalba ang kompanya ni Dad pero kinumbinsi ko siya na ituloy niya na, at okay lang ako. Siguro ay maigi na rin ito-- maigi na ring makilala ko ang lolo ko at kung itatakda ng kapalaran, ay maging ang tunay kong ama ay baka makilala ko na rin. Kahit kasi itanggi ko, alam kong somewhere sa puso ko ay may nawawalang piraso ng pagkatao ko.

"Are you alright, Labs? Namumutla ka, huwag na lang kaya natin ito ituloy?" Nag-aalalang tanong ni Kent as he cupped my face with his hand and I hastily shook my head.

"No, I'm fine Kent. Ituloy na natin 'to. Hindi ko rin naman sila pwede takasan forever. Kung hindi man ngayon, for sure darating ang time na kailangan ko talagang harapin ang tunay kong ama at lolo." I said as I leaned my head on his shoulder and he sighed. I'm grateful na mayroon akong isang maaalalahanin na asawa na lagi kong kaagapay sa lahat ng oras. Kaya siguro malakas din ang loob ko kahit na may kaunting takot na pumunta ng Japan.

"Alright. If that's what you want. But remember this Alodia, once that man mistreats you or does anything to harm you, hindi ako magdadalawang isip na patulan siya. I swear Alodia, baka makapatay ako kapag may gumalaw ni daliri mo. You're more precious than any amount of money or investments." Mariin na sambit ni Kent at kinilig ako. Lalo ko pang inihilig ang ulo ko sa kanyang balikat habang nakapulupot ang aking mga kamay sa kanyang braso.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon