Chapter 37

353 4 0
                                    

Encounter

“Kahit anong mangyari Labs, dito ka lang. Huwag kang lalayo sa akin. Ako nang bahala—“ Kent mumbled and one of the men who looked like goons lunged at us. Tumalon ang lalaki na parang ninja pasugod sa amin and on instinct ay napatakip ako sa aking ulo at napapikit. Hinintay kong may tumama sa akin pero nang naramdamang wala ay idinalat ko ang aking isang mata at nakita ang pagsalag ni Kent sa atake ng lalaki, at wala pang isang segundo ay nakita ko na lang ang lalaking tumalsik sa kanyang mga kasama. Para siyang bola ng bowling na tumalsik sa mga kasama niyang nagmistulang bowling pins. Napanganga ako habang pinagmamasdan ang mga lalaking nagsitumbahan bago mabagal na bumaling sa asawa kong nakaangat ang isang paa. Doon ko lang naalala na blackbelter nga pala sa karate ang asawa ko.

Napalunok ako habang manghang-manghang nakitingin pa rin sa asawa kong isa-isang pinatutumba ang mga mukhang goons na lalaki. Para akong nanonood ng isang action-packed movie ng live. 

Akalain mong may angking hidden skills pala itong asawa ko. I thought, amused. Imbis na manginig sa takot ay para akong sirang nangingiti at kinikilig.

Syet! Ang hot ng asawa ko… Double-edged sword na lang ang kulang, papasa na siyang Kenshin Himura. Haayyy… (>.<) I dreamily thought habang nakangisi na parang tanga sa harap ng mga nagjojombagang mga kalalakihan. Sa sobrang tulala ko ay hindi ko na namalayang may lalaking pasugod pala sa likod ko.

“Alodia! Yuko!” sigaw ni Kent at napabalik ako sa mundong ibabaw.

“Huh? Ah!” sabi ko at sabay napansin ang lalaking pasugod na sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na yumuko gaya ng sabi ng aking asawa. Mabilis na sinipa ni Kent ang lalaki sa kanyang panga palayo sa akin habang sinasalag ang mga atake ng iba pang mga lalaki. Suntok dito, sipa doon ang nangyari hanggang sa tuluyang bumagsak ang lahat ng tauhan ni Mr. Mori.

“Ayos ka lang?” hinihingal na tanong sa akin ni Kent habang nakahawak siya sa kanyang magkabilang tuhod at hinahabol ang kanyang hininga. Pawis na pawis siya kaya mabilis akong kumuha ng towel sa aking bag para punasan ang pawisan kong asawa.

“A-ayos lang. Ikaw? Nasaktan ka ba? Tignan ko nga, baka natamaan ka ng mga mokong na ‘yan.” nag-aalala kong tugon sa asawa ko sabay mabilis na dinaluhan siya at pinunasan ang kanyang pawisang mukha. Chineck ko ang mukha niya at katawan kung may mga galos ba siya at laking pasasalamat ko nang nasiguradong wala ni isang sugat o bali ang asawa ko.

“Okay lang ako, Labs. Muntik ka nang matamaan kanina. Pasalamat talaga ang lalaking iyon at sipa lang ang inabot niya. Kung tinamaan ka niya, pagkakalasin ko talaga bawat buto at ugat sa katawan niya.” galit niyang utas habang pinupunasan ko ang pawisan niyang likod, at nakita kong kumuyom ang panga niya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

“I knew you were cool but I didn’t know that you were this cool… Awesome is an understatement. Hindi ko na talaga lalaitin ang patpatin mong katawan, Labs. Binago mo ang pagtingin ko sa mga payatot.” I jested, biting my lower lip, and with a smile on my face, at kinikilig siyang napangisi.

“Ayos ba, Labs? Ikaw lang e… Wala kang bilib dito sa kamachohan ng asawa mo.” payabang niya habang pinapakita ang biceps niya at winiggle-wiggle pa ang kilay kaya inirapan ko na at binatukan.

“Ouch! Labs naman, minsan na nga lang makapogi points batok pa ang inabot ko sa ‘yo.” reklamo niya habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ko.

“Tse! Ikaw talaga forever GGSS!” pagtataray ko habang mariin na pinupunasan ang leeg at mukha niya at ngumisi pa ang loko.

“Eh, gwapo naman talaga ako Labs. Patay na patay ka nga sa akin.” hirit niya at napangiwi ako. Sasagot pa sana ako kaya lang biglang bumukas ang malaking iron gate at lumabas ang isang pumapalakpak na matandang hapon na nakasuot ng kulay asul na yukata kasama ang isang lalaking naka Yukata din na mukhang sekretarya. Kulay abo na ang manipis na buhok ng matanda, at mas maliit ng kaunti kay Kent. Sarkastiko siyang nakangiti sa amin ni Kent habang pumapalakpak, at unti-unting lumalapit sa amin. Sa ngiti niya pa lang, at sa mapungay niyang mga mata ay napagtanto ko na kaagad kung sino ang matandang lalaki. 

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon