Chapter 33

607 4 0
                                    

Kent

Revelations

As we reached the mansion, agad kaming bumaba ni Alodia sa SUV at pumasok sa loob. Nakapatay na ang mga main lights at tanging mga wall lamps na lang ang nakasindi. Mukhang tulog na rin ang mga tao at tanging kami na lang at si Manang Ildefina ang natitirang gising. Lagpas ala una na rin kasi ng madaling araw at buti na lang at walang klase sa Uni bukas. Supposed to be ay may mga meeting ako sa office mamayang tanghali pero tinext ko na lang ang sekretarya kong si Sebastian na i-clear ang sced ko for today dahil gusto ko munang makasama ang asawa ko. Kailangan ko rin kasi siyang i-update tungkol sa mga nangyayari sa company ni Uncle. Kailangan kong hingin ang opinyon niya sa iilang mga bagay bago ako gumawa ng desisyon. 

“Pasok sa bathroom.” Alodia nonchalantly instructed pagkapasok namin sa bedroom and my brain instantly lit up with dirty thoughts.

“Anong gagawin natin sa bathroom Labs?” I queried with a mischievous grin resting my hands in her shoulders and nuzzling her neck.

“Basta! Pumasok ka na lang!” she scowled and I willingly obliged. Maligalig akong nagtungo sa aming banyo habang lumulundag lundag at sumisipol pa. Sumunod naman si Alodia sa akin at mabilis na sinarado ang pinto ng banyo pagkapasok niya. Ako naman ay nagsimula nang hubarin ang aking saplot sa katawan.

“Anong ginagawa mo?” masungit na tanong ni Alodia ng nakataas ang isang kilay at napahinto ako sa paghuhubad ng aking shirt.

“Uhmmm… Naghuhubad?” I said with a shrug and she frowned.

“Alam ko. Ang tinatanong ko bakit ka naghuhubad? Ano bang akala mong gagawin natin dito?" pagtataray niya ng nakakunot ang noo at hindi ko siya matignan ng diretso sa kahihiyan.

Being a man in his prime, kapag kasi sinabihan ka na pumunta kayo sa banyo o sa kung saan mang kayo lang dalawa ay iba na ang dating nito sa amin. Berde kaagad ang naiisip ko, marinig ko pa lang ang mga ganitong salita mula sa asawa ko. I used to be a dignified man, but all of that changed when I fell in love with my wife. Naging masyado akong marupok pagdating sa kanya, at kahit noong wala pang nangyayari sa amin ay hinahalay ko na siya sa utak ko. Naaalala ko pa noon, tuwing recess namin sa school, habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapatitig sa mga labi ni Alodia. Iniisip ko noon kung ano kayang pakiramdam na mahalikan ang mapupulang mga labi niya. Kaya naman noong niyaya ko siyang manood ng Sherlock Holmes noong highschool kami at nagkaasaran kami, ay sinamantala ko na ang pagkakataong matikman ang mga labi niya. Iniisip ko tuloy na siguro kung hindi ako umalis noon ay baka nakailang anak na kami ni Alodia ngayon. I just can’t take my hands off her.

“A-akala ko kasi… Ano… Alam mo na… Wet and wild na lampungan sa b-bathroom. hihi.” I replied with a grin, not really sure of what to say.

“Well, sorry to burst your bubble my dear husband, but we won’t be doing that. At least, not for tonight. Ay umaga na nga pala. Oh well…” pagkikibit-balikat niya at napanguso ako, disappointed na hindi ko mararamdaman ang init ng pagmamahal ng asawa ko ngayong araw.

“E, ano palang gagawin natin dito?” pabulong at nagtatampo kong tanong while fidgeting with my fingers. 

“Huhugasan ko yung mga hinawakan noong haliparot na babae kanina. I need to disinfect those parts.” mapang-akit na saad ng misis ko nang lumapit siya sa akin at nagkakagat-labi pa. She ran her hands across my chest, making me feel all tingly inside. Nagpasalin-salin ang kanyang tingin mula sa aking dibdib papunta sa aking mga labi.

“You really are such a tease my dear wife…” I mumbled as I leaned my forehead on hers and she smirked.

“No, I’m not… Sige na sabihin mo na sa akin kung saan ka hinawakan ng babaeng iyon para madisinfect ko na.” she mumbled back habang nakatingin at hinahaplos ang aking mga labi. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos doon at hinalikan ito ng marahan bago itinuro ang mga parte ng aking katawang nadikitan ng babae kanina sa bar.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon