Chapter 2-Reminiscence (Prelude sa Kalandian) Part I

2.1K 18 4
                                    

One Summer Day 6 Years Ago...

“Even if only a little, I've come to realize... why Tohno-kun seemed so different from the other boys. And at the same time...”

“Ano ba naman ‘tong movie na to? Isang baldeng luha na ata ang nailabas ko.” Bulalas ko habang humahagulgol dahil sa pinapanood kong 5 Centimeters per Second.

“I also came to the full understanding that Tohno-kun... would never look at me. That's why, I did not say anything to Tohno-kun on that day.”

Last week na ng summer vacation ko bago ako tumuntong ng Grade 7 and since busy si mom and stepdad ko sa business, ayaw ko na silang abalahin pa kaya i will just spend the rest of my vacation at home. Since mahilig ako sa anime and maraming anime dvds namang inuuwi sa kin ang stepdad ko, napagdesisyunan kong mag movie marathon na lang ng mga anime films the whole week.

“Although Tohno-kun is kind... he's very kind... but... but... Tohno-kun has always... been looking at something far beyond, far higher than me.”

“Grabe. Nakakaawa naman si gurl. Mahal niya nga si boy pero di naman siya pansin kasi may mahal nang iba si guy. Ouch.” Affected na affected ako habang nanonood at ngumunguya ng aking popcorn ng nakahilata sa couch ng aming entertainment room. Ewan ko ba kung bakit pero something really struck me sa line na ‘to. Di ko alam kung ano or kung bakit. Well, siguro dahil sa pagkahopeless romantic ko. I have never been in love though. Pero siguro sa kakabasa ko ng romance manga at kakapanood ng anime ay naging dreamy ako. I became so absorbed sa mga nababasa at napapanood ko to the point na minsan ay naisasabuhay ko na.

“I could never give Tohno-kun that which he desires.”

“Hindi ko na keri. Ang chaket chaket naman sa heart nitong movie na to.” Sabay singa sa aking panyo. Feeling ko tuloy madedehydrate na ako sa sobrang daming luha at uhog na nailabas ko.

“Ahuhuhu...” pagdadrama ko. While i was so into my pagdadrama , ay may biglang kumatok sa entertainment room kung nasaan ako.

“Ma’am Alodia, nandiyan na po ang mommy and daddy ninyo. Pinapatawag po kayo sa office ng dad ninyo.” Saad ni Manang Ildefina, isa sa aming kasambahay sa labas ng pintuan ng entertainment room.

“Okay po. Bababa na po manang. Pakisabi saglit lang po.” Tugon ko habang pinupunasan ang aking luha gamit ang aking mga palad.

“Mamaya ko na nga tatapusin tong pinapanood ko...” bulong ko sa aking sarili sabay patay sa dvd player. Tumayo ako at inayos ang couch at lahat ng kalat ko sa entertainment room bago nagtungo sa aking silid para makapagayos muna bago humarap kina mommy. Pagkarating ko sa aking kwarto ay nagtungo agad ako sa aking banyo at naghilamos. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin ng aking banyo at buti na lang ay di masyadong halata ang pagkamugto ng aking mga mata dahil sa pag-iyak. Pinunasan ko ng malinis na towel ang aking mukha bago sinuklay ang aking mahabang buhok.

“Ayos na.” Bulong ko sa aking sarili matapos kong pagpagin ang aking dress, at tapikin ang aking magkabilang pisngi sa harap ng malaking salamin sa aking banyo. Tinignan ko ng isa pang beses ang aking sarili sa salamin bago ako tuluyang nagtungo sa office ng aking stepdad.

Pagkarating ko sa tapat ng office ni dad ay kumatok muna ako ng dalawang beses bago ito buksan. Ayaw ko naman kasing maging bastos at basta basta na lang pumasok ng walang pasintabi.

“Hi dad! Hi Mom!” bati ko nang nakangisi pagkapasok na pagkapasok ko sa office ni dad. Lalapit na sana ako para bumeso sa kanila ngunit natigilan ako sa aking paglalakad nang napansin kong may isa pa silang kasama sa loob ng office. Tinitigan ko ang batang lalaking nakatalikod sa akin at nakadungaw sa malaking bintana ng office ni dad. Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya pumihit siya para humarap. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang nasilayan ko ang lalaking nakaharap na ngayon sa akin. Ang amo ng mukha niya at pakiramdam ko ay napapalibutan siya ng isang nakakasilaw na liwanag.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon