Chapter 27

452 3 0
                                    

Almost— muntik na. About a year ago, muntik na— muntik na akong mahulog sa iba. Muntikan ko na siyang mahalin, pero narealize ko na what I felt for him back then was purely platonic. Siguro ganoon talaga. May mga tao o taong dadaan sa buhay natin ng pahapyaw pero hanggang doon na lang iyon. May mga tao tayong pahahalagahan at mamahalin kahit na hindi in a romantic way. Maybe their purpose is simply to inspire us— to help us get by sa panahong kailangan natin… Sa panahong durog tayo… Sa panahong kailangan nating pulutin ang mga basag na piraso ng ating pagkatao. 

He’s not a rebound, that’s for sure. Kung gugustuhin ko, ay sana pinatulan ko na siya noon pa lang dahil alam ko kung gaano siya nahulog sa akin noon. Pero hindi ko ginawa. He’s too special to just be my rebound. He’s too important to just be my rebound. He’s one of those rare genuine friends na pinahahalagahan ko. Iyon nga lang hindi ko kayang suklian in a romantic kind of way ang pagmamahal niya. Kasi na kay Kent na ang puso ko. Selyado na noon pa.

“What the hell!” rinig kong sigaw ni Kent sabay tilamsik ni Luke sa mga upuan sa patio. Napatili ako sa bigla sa mga pangyayari. Kitang kita ang nagaalab na galit ni Kent at nagtangka pang susugurin at susuntukin ulit si Luke pero bago pa niya ulit masuntok ito ay pinigilan ko na siya.

“Kent, wait… Tama na yan! Please! Please calm down! This is just a misunderstanding!” natataranta kong awat kay Kent habang nakayakap sa kanya para pigilan siya sa pagsugod kay Luke. Nagpupumiglas siya kaya lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

“Misunderstanding?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Alodia?! Hinalikan ka ng gagong yan! Saan ang misunderstanding doon?! Ano?! Ipagtatanggol mo pa ang lalaking yan?! Tsk!” pasigaw na bulalas ni Kent habang dinuduro-duro si Luke na ngayon ay tumayo ng maayos at pinupunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Binalingan ko siya and gave him an apologetic look. Naiintindihan ko naman ang galit ng asawa ko pero hindi naman din kasi alam ni Luke na kasal na ako. He wouldn’t have kissed me had he known I was married. 

“Kent, will you please calm down! I’ll explain everything okay?! Wala siyang alam! Ano ba!” medyo iritado kong sabi ng nakaharap kay Kent. 

“Fine! I’ll listen if that’s what you want but make sure that that A-hole right there won’t ever dare kiss you again!” he exclaimed, furious and exasperated sabay duro ulit kay Luke na ngayon ay malamig at matalim ng nakatingin pabalik kay Kent.

“Okay, doon na muna tayo sa bedroom natin muna mag-usap. Lemme check on him first. Bakit naman kasi nanununtok ka kaagad?” nakasimangot kong tugon habang nakakunot ang noo. 

“Whatever. Sige ako na ang masama. Kampihan mo na yang kung sino man yang… yang lalaking yan! Tsss.” sikmat niya sabay irap at nagiwas ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinis. Ang cute niya kasing magtampo at magselos. Kinagat ko na lang ang aking lower lip to stop myself from chuckling.

“Love you… Saglit lang kausapin ko lang siya.” I said sabay tingkayad at halik sa pisngi ni Kent. Nakita ko naman na medyo nahimasmasan siya at kahit pinipilit niyang i-maintain ang nakasimangot na mukha ay halatang nagustuhan niya ang paghalik ko sa kanya. Napailing na lang ako at napangiti bago bumaling kay Luke.

“Luke…” mahina kong tawag sa mukhang bigong si Luke. Naglakad ako palapit sa kanya at tinagilid ng bahagya ang aking ulo para tignan ang sugat sa may labi niya dahil sa pagsuntok ni Kent. Hindi siya makatingin sa akin na para bang ang pagtitig sa akin ay nakakasugat. Sorry Luke.

“Are you alright? Oh my… you got a cut on your lip. I’m sorry—“ nag-aalala kong tanong kay Luke habang sinusuri ang sugat sa kanyang labi pero pinutol niya ako.

“Yo-you’re… with… Is he? I get it. Of course, it’s him. I’m sorry I didn’t know.” mahina niyang sabi, bakas ang lungkot sa kanyang mukha kahit na pinilit niyang ngumiti ng saglit at yumuko. Napabuntong hininga ako habang nakatingin ng diretso kay Luke. Ayaw ko siyang nakikitang ganito. He’s a nice guy— too nice actually. He deserves only the best at hindi ako ang may kakayanang magbigay nito. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya.

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon