Chapter 47

343 4 0
                                    

 

I Love You

Huling twist...

Ganoon pala ang pakiramdam kapag nalalagay sa bingit ng kamatayan ang sarili natin… More than death, mas takot tayo sa mga bagay na hindi natin alam-- fear of the unknown ba. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin after we die. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa mga mahal natin sa buhay kapag nawala na tayo. Hindi natin sigurado kung masisilayan pa ba nating muli at makakapiling ang mga mahal natin sa kabilang buhay someday.

Takot ako… Takot na takot.

Takot akong mamatay at iwan ang mga mahal ko sa buhay lalung-lalo na ang asawa ko. Natatakot akong baka hindi ko na siya mayakap-- ang lalaking pinangarap ko simula pa lang noon. Natatakot akong hindi ko na marinig pang muli ang mga mumunti niyang halakhak na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Natatakot akong baka kapag nawala na ako ay makalimutan niya na ako. Ayaw ko siyang ibigay sa iba… Selfish man pero iyon ang totoo. Gusto ko siyang mahagkan at mahalikan hanggang sa pumuti na ang aming mga buhok at malagas ang aming mga ngipin.

Mahal ko siya… Mahal na mahal… ng sagad-sagaran…

“Sayonara, my dear niece.” ito ang huling katagang narinig ko mula kay Richard Hudgens bago umalingawngaw ang nakakawindang na pagputok ng baril at napapikit ako. Nang mga oras na iyon ay parang huminto ang lahat sa paligid. Maging ang aking paghinga at ang pagpintig ng aking puso ay huminto rin.

“Alodia!” dinig kong natatarantang sigaw ni Kent ilang sandali matapos ang putok dahilan kung bakit napadilat ako. Kinapa ko kaagad ang aking dibdib at iba pang parte ng aking katawan dahil supposed to be ay may tama na ako dapat ng baril ngayon pero wala.

“Alodia, Love, ayos ka lang ba?! M-may masakit ba sa iyo? God! You got me so worried! Huwag mo na ulit gagawin iyon. Paano na lang kung may nangyari nang masama sa iyo? Paano na ako?” nag-aalala at mangiyak-ngiyak na saad ni Kent nang nakalapit na sa akin, sabay hinila ako para yakapin. Hinalikan niya ang aking ulo habang mahigpit na ikinukulong sa kanyang mga bisig. Subalit sa halip na mag-react ay natulala lang ako, lutang sa mga nangyari.

Nabalot ang buong silid ng mga taong naka-uniporme ng pulis na labas pasok. Maging ang mga tauhan ni Lolo ay naroon din at nagkakagulo. Nang medyo nahimasmasan na ako ay atsaka ko palang iginala ang aking mga mata sa paligid. Una kong sinilip ay ang harap kung nasaan nakatayo si Hudgens kanina, at nanlaki ang aking mga mata. Ang kanina’y puno ng galit at lakas na si Richard Hudgens ay nakahandusay na ngayon sa lapag at duguan. Kitang-kita ang butas sa kanyang kanang dibdib na pinalilibutan ng pulang likidong nagmumula sa kanyang katawan. Siguro kung nasa ulirat lang ako ngayon ay baka nagsisisigaw na ako ngayon, o kaya naman ay naiyak dahil sa takot o awa para sa lalaking nakahandusay pero wala akong maramdaman. Wala akong maramdamang kahit ano at parang namanhid lang ang buong sistema ko.

“Si Lolo… Kent, si Lolo?” wala sa sarili kong tanong matapos maalalang nasa tabi ko nga pala kanina ang lolo ko pero ngayon ay wala na siya doon. Tumingala ako kay Kent, naghihintay ng sagot niya. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.

“Don’t worry, safe si gramps. Dadalhin muna siya sa hospital para matignan. Mamaya sasamahan din kita doon kasi I think you’re traumatized. I need to get you checked by a psychiatrist, okay?” Kent uttered with utmost concern as he cupped my cheek with one of his hands. Pinilit kong ngumiti sa kanya and held his hand that was touching my face. At sa wakas, after what felt like forever, ay nakaramdam ulit ako ng emosyon.

“Akala ko hindi na kita makikita… Sorry. Sorry Kent… I love you so much.” I muttered as my tears began streaming down my face. Nanginig ang aking mga labi at maging ang aking mga kamay ay nanginig din. Ngayon ko lang naramdaman ang takot na dapat ay kanina ko pa naramdaman. Ngayong nasa harapan ko na ang taong akala ko’y hindi ko na makikita, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngayong kapiling ko nang muli ang kabiyak ng aking puso ay parang nabunutan ako ng malaking tinik sa aking lalamunan.

“Sshhh… Tahan na, Labs… Nandito na ako at hinding-hindi kita iiwan. Peksman, pumuti man ang uwak. I love you too at please lang huwag mo na ulit gagawin iyong ginawa mo. Masyado ka na namang impulsive. Paano na lang kung nalate kami ng dating? Baka kung ano na ang nangyari sa iyo.” tugon niya na naging sermon habang pinupunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay. Tumango ako sa kanya sabay yumakap ng mahigpit.

“Pangako, hindi na ulit ako magpapadalus-dalos. But promise mo rin sa akin na no matter what, when, or where, lagi tayong magkasama. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko Kent. Kahit hanggang kamatayan gusto pa rin kitang makasama.” I muttered against the front of his shirt habang patuloy pa ring humihikbi, and he sniggered.

“Ang morbid mo, Labs. Siyempre, given na iyan. Hindi ko na kailangang mangako dahil wala naman talaga akong balak na malingat kahit saglit sa tabi mo. Mahal na mahal na mahal kita! Ikaw lang, wala ng iba.” pabiro niyang saad at lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin and I chuckled. I tilted my head up to gaze at my husband and witnessed how his eyes started to water. Pinipilit niyang ngumiti at maging kalmado simula pa kanina, ngunit ngayon ay mukhang hindi niya na mapigilan ang paglabas ng kanyang mga emosyon. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa kanyang kaliwang mata at sabay mabilis na pinunasan ito.

“Sorry… Hindi ko na napigilan. Ikaw kasi Labs e! Alam mo bang takot na takot ako kanina? Halos atakihin ako sa puso sa pag-aalala para sa ‘yo. Sabi mo sa akin noon, magpapaanak ka pa ng marami sa akin at sabay tayong mawawala, pero bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan at tumakbo ng mag-isa dito?” he wailed as he covered his eyes with his forearm at napayuko ako, guilty sa mga naging mapusok kong aksyon. Hinawakan ko ang braso niyang nakatakip sa kanyang mukha kahit na ayaw niya, at umiiyak na siniil siya ng isang mababaw na halik. Lasap ko na ang alat ng pinaghalo naming luha sa aking mga labi habang patuloy ko siyang hinahalikan. Nahulog ang kanyang mga kamay sa kanyang gilid habang ako naman ay nakapulupot ang isang kamay sa kanyang batok, ang kabila naman ay nakakapit sa kanyang pulso.

“Mahal na mahal kita Alodia. Mahal… na mahal… Kung alam mo lang--” he whispered against my lips as we parted for air, ang noo niya ay nakatuon sa aking noo. He had his usual gentle smile on his face as he looked at me with his tear-filled eyes. Ngumiti rin ako balik sa kanya and tiptoed to kiss the tip of his nose.

“I know… I know, Kent. Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko.”

Moments later, dumating na ang stretcher na magdadala sa katawan ni Hudgens sa hospital. Kanina pa siya nalapatan ng unang lunas, hindi ko nga lang tiyak kung malala ba ang kondisyon niya o hindi. Pinanood namin ni Kent habang unti-unti siyang binubuhat at nilalabas sa silid para isakay sa ambulansya.

Noong mga panahong iyon, ay akala ko’y tapos na ang lahat. Ang akala kong pagwawakas na sana ng aming problema ay panghimagas lang pala sa aming kahaharapin pa sa mga sumunod na buwan.

Mahal ko siya… Mahal na mahal… At nangako siyang hindi niya ako iiwan, ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat.


A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon