Chapter 24

1.6K 44 2
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pagtunog ng alarm sa phone na sinet ko kagabi para lang maaga akong magising.

Isang linggo na rin kasi kaming puro practice ng graduation ceremony ang inaatupag at kasabay na rin ng Review para sa gaganaping Board Exam naming future License teachers o LPT.

Kada lunes hanggang miyerkules ay ang practice sa ceremony. Samantalang kada huwebes hanggang sabado naman ang review namin. Pagod man sa mga gawain ay kailangang tiisin dahil ilang linggo na lang ay magtatapos na ako, kaming lahat.

I sighed. Ilang minuto na akong nakatulala bago naisipang bumangon.   Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pagbibihis ay bumaba na ako para mag-agahan only to see their happy faces, si Ate Antonnette at kuya Axelle. Ang saya saya nilang dalawa dahil nalagpasan na nila mga dumating na problema sa buhay nila.

Naramdaman siguro ni ate Antonnette na may nakatingin sa kanila kaya lumingon siya sa gawi ko.

"Oh Mina, Kain na tayo. Alam kong busy ka pero wag mong gutumin ang sarili mo, okay." Bungad niya sa akin na nakangiti. Buti pa siya inaalala nito ang kalusugan ko.

Kamusta na kaya siya? Masyado na rin kasi siyang busy dahil sa trabaho nito.

Busy nga ba? Sabat ng isip ko.

Dalawang beses ko na siyang nakikitang may kasamang babae. At sa dalawang beses na yun ay iisang babae lang ang kasama nito. Siya ang Substitute Professor naming si Miss Vianne Samonte.

Pagkatapos ng practice namin ay nag-aya sina Circe na kumain sa isang high class na restaurant. Doon ay nakita ko silang magkasama sa isang VIP seat sa second floor ng restaurant. Kaya't hindi n naging maganda ang ang pakiramdam ko habang ang mga kasama ko ay masayang kumakain. Nakikitawa na lang ako sa mga biro nila.

Kinabukasan naman ay Review namin kaya't hindi na ako makapaghintay na matapos dahil balak kong pumunta sa opisina nito. Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng review ay agad na akong nag-ayos ng mga gamit ko at lumabas ng hall. Narinig ko pang tinawag ako ng mga kasama ko pero hindi ko na sila pinansin pa at agad akong nagtawag ng taxi.

"I should trust him" sabi ko sa isip.

Ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan. Tinanong ko muna kung magkano ang babayaran ko. Sinabi naman agad ng driver kung magkano kaya agad ko iyong binayaran.

Lalabas na sana ako ng makita ko ang dalawang taong papasok sa loob ng Mall. Nakailang kurap pa ako bago ko maitatak sa isip ko na sila nga yun.

Dahil doon ay hindi ko na tinuloy ang ang paglabas ko ng sasakyan. Sinabi ko na lang sa driver na kailangan ko na pa lang umuwi.

"Okay ka lang ba Mina?" hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Ate Antonnette.

"O-okay lang ako, ate." pinilit ko ang ngumiti. Hinihintay pala nila akong kumain dahil nung umupo na ako ay magsisimula pa lang silang kumain.

Nagpaalam agad ako pagkatapos kong kumain ng kaunti saka naglakad na palabas ng subdivision. Ihahatid pa sana ako ni Kuya Axelle pero hindi na ako pumayag dahil alam kong busy din ito sa kompanya niya at sa pag-aalaga din sa mga anak nito.

Pagkalabas ko pa lang sa sasakyan ay ang matinis nang boses ni Cree ang narinig ko kaya't napalingon ako kung nasaan sila. Kasama pala nito si Zyaire at ang mga kapwa niya P.E majors din na papasok din sa Academy kagaya ko. Kinawayan lang niya ako kaya ginantihan ko siya ng ngiti.

"Ay anak ng tinapa." Gulat kong saad na nagpatawa sa taong humawak sa braso ko. Si Avery pala iyon kasama sina Rosaleen, Lhana at ang magnobyong sina Blythe at Jhezzer.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon