A/N: sorry po kung medyo natagalan na naman. Hindi ko na-save sa netbook ko yung ginawa kong chapter 29 sana. Kaya ayun nag-back to zero ako ulit sa pagsusulat. Go with the flow lang kasi ako Although nagpa-plot ako ng nangyayari.
*********
Agad na nagningning ang mga mata nang makita ko kung sino ang mga taong nakaupo sa malaking couch.
“Ate Antonnette.” sigaw ko. Napalingon naman silang lahat. Nandito kasi sila. Ang buong pamilya ni Ate Antonnette.
"Mina" saad nito saka patakbong lumapit sa akin. Akmang yayakapin ako ng makita kung sino ang hawak ko. Napasinghap siya saka napatakip sa bibig nito gamit ang dalawang kamay niya. Minsan Over Acting din kasi si Ate Antonette kaya ganun ang reaksiyon niya na kinahagikgik.
Halatang halata sa itsura nito ang katanungan. Pabalik balik kasi ang tingin niya sa akin at sa anak ko. Tumango lang ako para sagutin siya.
"Ate namiss kita." saka niyakap siya pero hindi gaanong mahigpit dahil baka maipit ang anak ko.
"Miss na miss din kita, Mina. Dalawang taon kang nawala. Wala ka man lang paramdam kahit isang beses man lang. Grabe ang pag-alala ko at ni Antie Cedes dahil sa'yo. Kung hindi pa sinabi ni Kervy na kapatid ka niya. Malamang naitakbo na sa hospital si Antie. At alam mo ba s-----"
"Ate mamaya muna ang sermon ha." pagputol ko sa mahabang sinasabi niya. Nginuso ko ang anak ko na medyo pupungas pungas na. Nagising ata dahil maingay itong si Ate Antonette. Nagpeace sign lang ito saka ginaya na ako papunta sa gawi nila kanina. Samantalang ang kakambal ko naman ay diretso lang hanggang second floor. Mukhang pagod napagod talaga siya at kailangan niya ng pahinga..
Uupo na sana kami parehas ng marinig namin ang ingay sa kusina ng mansion.
"What the hell are you doing, Stelford?" sigaw ng pamilyar na boses.
"What? I'm doing what I've seen in youtube." angil naman ng isa pang pamilyar na boses.
"Know what. Tinagurian kang apo ni Einstein pero napakabobo mo pagdating sa pagpiprito ng itlog."
"Share mo lang." pamimilosopo nito sa kasama niya.
"Fuck you, Stelford. Pumunta lang ako bumili ng pandesal tapos ganito na ginagawa mo dito sa mga itlog."
"Sorry. But I'm not into man. Di tayo talo bro."
"Tsk. Ako na nga jan." narinig ko lang na tumawa ang isa.
"Know what, Caste." suminghap ako.
He's here.
"What!!" tumawa ulit ito.
"Nothing." wala na kaming narinig na nagsasalita. Hindi ko namalayan na hindi pala ako huminga at naramdaman ko lang ang tapik ni Ate Antonette sa akin.
"Be ready, Mina. Kailangan niyong mag-usap na dalawa. He suffer a lot too. Hindi lang ikaw ang sobrang nasaktan. At saksi kami doon even your kuya." Nakatingin lang ako sa kanya. "Mag-isip ka, Mina." sambit nito saka ngumiti. Pagkatapos nun ay pinuntahan niya ang mga anak nito na naglalaro kasama ang daddy nilang si Kuya Axelle.
"Dada, Dada." kumawag kawag si Amiel. Doon ko lang napansin na gising na pala siya. Muntik ko pa siyang mabitawan dahil ang likot niya at panay sambit nito sa salitang 'dada'.
"Dada, dada." ulit nito kaya lumingon na ako kung saan banda ang tinuturo niya.
Nang lumingon ako ay doon ko nakita ang itsura niyang gulat na gulat habang nakahawak ito ng dalawang pinggan na may lamang pandesal at itlog.
Palipat lipat ang tingin nito sa amin ng anak ko na panay pa rin ang tawag sa kanya ng 'dada' sa kanya.
"Mag-usap kayo ha." tumalikod na siya saka tinawag ang mag-aama nito saka sila lumabas.
"Mina." sambit nito na parang hindi pa rin makapaniwala na nakita niya ako. Kinuha ni Kuya Luke ang hawak nito na kamuntik pa niyang maibagsak. Mabuti na lang ang mabilis ang reflexes ni Kuya Luke at nahawakan niti kaagad.
"Ken."
"Dada." sabay naming sambit ng anak ko. Unti unting nanubig ang mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak dahil sa sobrang namiss ko siya.
Tumakbo agad siya sa kung nasaan kami at agad akong niyakap ng mahigpit. Hindi pa sana siya bibitaa kung hindi lang dahil kay Amiel na naipit dahil sa higpit ng yakap nito sa akin.
"You're really here, Gorgeous." tumitig siya sa akin. "I thought--I ---I." hindi nito matuloy tuloy ang sasabihin dahil kay Amiel na gustong magpakarga sa kanya. Binuhat niya si amiel.
"Lab yu, Dada." saka nito hinalikan sa pisngi nito.
Sabi nila 'A real man don't cry'. Pero nasa tao lang pala yan. Kasi madami din ang umiiyak na lalaki sa mundo. And now for the second time, I'm seeing my man crying not for me but for our baby. Umiiyak siyang nakatingin sa anak nito.
"I'm sorry baby." niyakap niya sa amiel.
"Sorry dahil hindi ko nasamahan ang mama mo nung pinagbubuntis at noong pinanganak ka niya. I'm sorry. I'm sorry for everything." dahil doon bumuhos na ang luha ko at niyakap sila pareho. What have I done?
"It's all my fault. Kung sana hinintay kong magpaliwang ka. Kung sana hindi ako umalis agad. Kung sana hindi kita iniwan. I'm sorry, Ken. Sorry sa lahat-lahat. Kasalanan ko to." napaiyak na rin si Amiel. Inalo naman kaagad niya ito habang ako naman ay niyakap niya.
"I'm at fault too, Gorgeous. Please don't blame yourself. Parehas tayong may mali. But because of that, we learned our lesson." tumango tango ako.
"Please rest. I know your tired, Gorgeous. We'll have a long talk later."
Hindi ko alam pero dahil sa mga sinabi niyang iyon ay doon ko lang naramdaman ang pagod at antok. Nakatulog akong nasa bisig nito.
"I hope this is not a dream." huling sambit ko bago ako hilahin ng antok.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa boses ng dalawang nag-uusap. Pero hindi ko yun pinahalata. Hindi ako nagmulat at hinayaan ko munang nakahiga ako kahit alam kong bagot na bagot na ang katawan ko sa pagkakahiga ko.
"You better nor hurt Levy this time, Caste. You know me. I don't do second chance. Pero dahil alam kong mahal ka ng kapatid ko at alam ko rin na mahal na mahal mo siya. I will have an exemption."
"I'll try."
"I'm warning you. Sa oras na malaman kong sinakta mo siya. Papatayin kita kahit kaibigan pa kita." wala akong narinig na sagot niya pero narinig ko ang pagbuntong hininga ng kapatid ko.
"I'll take care of Amiel. Mag-usap kayo ng masinsinan. Make everything clear to both of you." pagkatapos noon ay narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto.
Ilang minutong katahimikan bago ko naramdaman ang pag-upo nito aa gilid ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay saka giniya papuntang noo nito. Hanggang sa maramdaman kong yumugyog ang mga balikat nito. Dumilat ako saka lumingon sa gawi niyam
"Hey." napatingala siya sa akin.
"Para naman akong mamamatay na dahil sa ayos mo. Umayos ka nga." kahit na nahihiya ay nilakasan ko ang loob ko. Tumawa lang ito ng mahina saka tumitig sa akin.
"Can I ask?"
"Ano yun?"
"Can I kiss you?" nanlaki ang mata ko.
______________________________________________to be continue......
Please click the 🌟 button and comment. Thank you❤❤❤
El-mademoiselle
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
