"SILENCIO" sigaw ng terror naming professor sa Prof. Ed. pagkapasok nito sa loob classroom namin. Natahimik lahat ng kaklase ko dahil bukod sa terror nga, mababa pa kung magbigay ng grades. Napag-iwanan na kasi ng panahon dahil hanggang ngayon wala pa ang ka-forever niya kaya grabe sa kasungitan at ka-bitteran sa buhay. Dinadamay pa kaming nasa paligid niya sa ka-bitteran niya.
"Nagtataka siguro kayo kung bakit maaga ako ngayon kaysa sa usual na oras na dating ko sa klase natin." Napangisi ako saka tinignan isa-isa ang mga kaklase ko na bakas din ang kaligayahan sa mata pa lang nilang nagniningning dahil baka may good news kaming maririnig.
"I will be out for the couple of months and I want to introduce to you your new proctor. My subsitute for n---" hindi ko na naintindihan ang huling mga sinabi niya ng mahulog ang panyo ko sa armchair ko. Tinignan ko muna ang mga kaklase ko at napansin kong tutok na tutok sila sa harapan kaya yumuko ako para makuha ang panyo sa paa ng armchair ko. Nang makuha ko na ang panyo ay agad akong umayos ng tayo pero kumunot ang noo ko ng halos nakanganga lahat ng babaeng kaklase ko at titig na titig naman ang nga lalaki sa harapan. Out of curiosity ay tumingin din ako sa harapan na sana hindi ko na ginawa. Napanganga na lumuwa ang mga mata ko. Kulang na lang ay gusto ko ng maging invisible sa kinauupuan ko.
Jusme!! Ayoko na sa earth😫
Kese nemen..............
Ayun!!!!!
There was the greek god standing meters away from me smirking. Mula sa maayos nitong buhok na parang ilang oras na inayos, jusme! yung pilikmata na mas mahaba sa pilikmata ko, yung mga mata nitong ka-akit akit sa mata ng taong titingin dito, yung ilong nitong matangos hayss tipikal na may lahi, yung labing dinaig ang naka-lipstick dahil sa kapulahan nito at ang panghuli yung jawline talaga na mas prominent pa kaysa sa ibang artista. Wala na! Ikaw na ang perfect. Ikaw na ang greek god, jusmeyo marimar. Nahulog yung pan---stop.
"Miss Castillo" nabalik ang pag-iisip ko sa reyalidad nang tawagin ng terror professor ang apelyido ko.
"Ayy greek god." Nagtawanan lahat ng kaklase ko dahil sa sinabi ko. Pinamulahan tuloy ako dahil sa hiya at sa nasabi ko. Seriously! Nasabi ko mismo kung ano ang naiisip ko dahil sa gulat.
"Introduce yourself to Mr. Caste. Kanina ka pa tulala jan? Umagang umaga. Nagde-day dream ka." Sermon nito. Bumuntong hininga muna ako bago tumayo.
"I'm sorry, Ma'am. By the way, My name is Mina Angelique C. Castillo. 23 years old. Thank you." tiningnan ko ang tao sa harapan pero hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi nito. Nagpatuloy pa ang makalumang introduce yourself na yan hanggang sa natapos kaming lahat.
"Good morning class. I'm your new professor from now on. My name is Ken Romhiel Caste. An Engineer and maybe a bachelor for some." Pakilala pa nito na sinabayan ng tawa. Ang hot niyang tumaw----erase. "And I hope this day forward that all of you could participates in any lessons I discussed for the upcoming days. That's all." Kinilig naman ng bongga ang mga babae ng ngumiti ito. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o hindi dahil napansin ko ang pagkindat niya kaya mas lalong nagtitili ang mga babaeng kaklase ko.
"Silencio." tumigil naman agad sila. "Since you knew each other. Please proceed your lessons and discussions with Mr. Caste." at ayun.... nag-walk out este lumabas na ang terror na professor ng buong professional education courses at alam kong magdidiwang na lahat ng buong college department.
Nagsimula ng magdiscuss ang 'new' professor namin. Infairness, magaling ding magturo ang mokong na ito. Akala ko puro pa-gwapo lang ang style ng mga ganitong tao pero may iba din palang may ibubuga.
"As the time ends, may I ask who is your President here in your section?" he asked and stare at me. Jhezzer raised his hands.
"It's Ms. Mina Castillo, Sir." Sinamaan ko ng tingin si Jhezzer pero ang loko nginisian lang ako ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
Roman d'amourKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
