"Eat well, babe"
"Eat well, babe"
"Eat well, babe"
'Babe' raw. Juskooo.
Nakatanga lang ako sa bintana ng tree house na tambayan ko habang nasa isip ko pa rin ang sinabi nito.
Bakit niya ako tinawag na ganun? Ganun din kaya ang tawag niya sa mga babae niya. Sa mga babaeng nakakasama niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napatulala ako sa harap ng pagkain ko at nahimasmasan lang ng magpaalam siyang may kukunin lang saglit. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang paglantak sa pagkain na niluto 'daw' nito.
Natapos na akong kumain ay hindi pa din siya bumabalik kaya naisipan kong bumalik na lang sa tree house at doon na lang matulog. Pumunta ako sa silid ng tiyahin ko para ilapag ang sulat ko sa kanya dahil hindi nito dinadala ang phone niya sa kung saan siya pumupunta saka ako dumiretso sa labas papuntang tree house na nagsilbing pangalawang tahanan ko noong bata ako.
Agad akong nahiga sa papag nang makapasok ako at pakiramdam ko pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto kong matulog pero ayaw ng mga mata ko. Nanatili akong nakatingin sa kisame ng halos mahigit isang oras hanggang sa may marahas na nagbukas ng pinto kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga at tumingin sa taong gumawa noon. Nakita ko siyang hingal na hingal na para bang tumakbo ito ng napakalayo.
Nagtagpo ang mga tingin namin. Kitang kita ko ang takot at pag-alala sa mga mata nito. Habang ako ay gulat na nakatingin sa kanya. Patakbo itong lumapit sa akin saka mahigpit na niyakap. Habang ako ay nakatanga lang sa kanya.
"Please don't leave me like that. Your scaring me. Pinag-alala mo ako ng husto. Pagbalik ko wala ka na doon. Halos isang oras kitang hinanap. Mababaliw ako kakahanap sa'yo. Mabuti na lang at nabasa ng tiyahin mo ang sulat na binigay mo." mahigpit ang yakap nito sa akin. Na para bang ayaw na niya akong pakawalan sa sobrang higpit nito.
"Hindi ako makahinga." medyo nahihirapang saad ko.
Bumitaw na siya sa akin at pinakatitigan ako. Tinitigan niya ako na para bang minememorya nito ang buong mukha ko simula mata hanggang sa bumaba ito patungo sa labi ko na nakaawang pa rin dahil sa mga salitang binitawan nito. Unti unting lumapit ang mukha nito sa akin hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Tigagal akong napapikit dahil sa ginawa nito. Tumagal iyon ng ilang minuto. Masuyo, marahan at may ingat na halik ang iginawad nito. Na para bang isang mamahaling gamit na pinakaiingat-ingatan ng buong puso. Humiwalay lang siya nang kailangan ko na ng hangin kaya't hingal na hingal akong yumuko pero hinawakan niya ang baba ko paangat sa kanya at sinapo nito ang aking mukha.
"I love you." saad nito na ikinagulat ng buong sistema ko saka ko siya nakitang mariing nakatingin sa akin.
"You're lying." tanging nasambit ko. Saglit na dumaan sa mga mata nito ang sakit at nakita ko ang mariing tingin nito sa akin. Kaya't napayuko ulit ako.
"Look at me in my eyes." Inangat niyang muli ang mukha ko paharap sa kanya kaya't napatingin ako sa mga mata nito. Pain, Love, and regrets.
Regrets! Bakit nakikita sa mga mata mo ang pagsisisi? Nagsisisi ka ba sa mga sinabi mo? Nagsisisi ka bang sinabi mong mahal mo ako?
"Tell me If I'm lying or not. Tell me." mariing sambit nito.
"Alam kong ako lang yung flavor of the month mo kaya mo sinasabi ang mga katagang iyon."
"Flavor of the month huh." lumayo siya sa akin saka ngumisi.
"You think your just my flavor of the month. Kung ganun lang ang tingin ko sa'yo edi sana hindi na kita ginugulo ngayon. Hindi na sana kita sinundan hanggang dito kung yun lang ang tingin ko sa'yo. Hindi na sana ako bumalik kung yan pa rin ng tingin mo sa akin." Napasabunot ito sa buhok niya.
"Siguro mali nga ang sinabi ng kaibigan ko sa sinabi nito sa akin. I think I can't prove to you anymore what my true feelings is. Hindi din naman magbabago ang tingin mo sa akin na isang 'Babaero' 'Playboy' 'Womanizer'. Ano pa ba tingin mo sa akin bukod sa mga iyon?" humalakhak siya.
"Hindi lahat ng babaero, babaero hanggang huli. Yung iba nagbabago din at isa na ako doon. Everytime you don't believe me, I feel the pain. Bawat salita mo tumatagos dito." sabay turo ng madiin sa dibdib nito na kung saan ang puso nito.
"I can't endure anymore the pain. Suko na ako." mahinang sambit nito na nagpagulat sa akin. Dahan dahan itong tumalikod sa akin saka lumakad na palabas ng tree house.
"Hindi." tanging nasambit ko bago tumakbo palapit sa kanya. Agad kong pinulupot ang dalawang braso ko sa likod niya at naramdaman ko ang saglit na pagkagulat niya sa ginawa ko.
"Huwag ka naman sumuko o." may piyok sa huling salitang sinabi ko.
"Natatakot ako eh. Natatakot akong mag-risk. Ayokong magdesisyon ng hindi ako sigurado sa magiging pasya ko kasi natatakot ako sa lahat. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao." saad kong may kasama ng hikbi dahil nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.
"M-mahal kita." naramdaman ko ang pagkagulat nito dahil sa biglang paninigas ng buong katawan nito. "Mahal na mahal kita noon pa. Bawat lapit mo kinakabahan ako. Bawat titig mo para akong nanghihina. Ramdam ko yung pinapahiwatig mo pero....." napatigil ako sa pagsasalita dahil sa hikbi ko. "pero natatakot talaga ako eh." Napaangat ako ng tingin at napabitaw sa pagkakayakap sa likod nya ng bigla siyang humarap sa akin.
Nakikita pa rin ang sakit sa mga mata nito pero nakangiti na siya. Napasinghap ako nang siya naman ngayon ang mahigpit na yumakap sa akin. Naramdaman kong may basang bagay sa aking balikat.
"I love you, Mina. Don't be afraid. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Please take the risk. Mahal na mahal kita." Lalong humigpit ang yakap nito sa akin. Naumid ang paghikbi ko ng maramdaman akong may basang bagay sa balikat ko.
Umiiyak siya.
Umiiyak ang taong mahal ko.
Damn! The Playboy is crying.
_____________________________________________to be continued.....
Short update😁
A/N: sorry po sa late na Update. Disappointed kasi ako sa nangyari. Sumali po kasi ako ng Wricon and I got into top 40. By two's kasi ang next round. Napag-usapan na lahat at syempre panatag naman ako kasi naayos na namin lahat to plot, twist at paggawa ng book cover. Structure na lang ng story ang inaantay ko. Until Saturday (deadline) panay na ang chat ko sa partner ko kasi kinakabahan ako ng araw na iyon and I don't know kung bakit. But It turns out na 'late' siya sa pagsubmit. Sayang effort ko sa paggawa ng book covers. First time kong madisapoint sa isang tao.😔😔😔😔
Share ko lang
El-mademoiselle
![](https://img.wattpad.com/cover/195839216-288-k444985.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...