Kanina pa tili ng tili ang mga kasama ko dito sa bleacher lalong lalo na si Blythe na panay ang sigaw sa pangalan ng nobyo niyang Jhezzer na naglalaro ng basketball.
Ikatlong araw ng Foundation day ng Academy at ngayon magaganap ang sports intramurals. Ang founding Anniversary ng academy ay ginaganap every October at one week iyon magaganap at ngayon nga ang ika-31 na taon nito. Sa unang araw ay ginanap muna ang starting program kung saan ay magsasalita ang mga heads, principal at deans lalong lalo na ang may-ari ng school na si Kuya Axelle saka mayroong intermission numbers ang mga performing groups katulad ng Choir at iba't ibang sayaw. Sinabi din dito ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Ikalawang araw ay pagsisimula ng mga booths at nagmistula din itong banchetto dahil sa dami ng tinitinda ng kapwa ko estudyante. Naganap din ang pagsisimula ng sports Intramurals na kung saan naganap ang paligsahan ng cheer dance, bench cheer at yell ng bawat kalahok na kasali. At ngayon ngang pangatlong araw ay nagsimula na ang bawat game na kung saan kasali si Jhezzer sa larong basketball at siya ang team captain. Sa pang-apat na araw ay itutuloy ang sports intramurals at gaganapin sa gabi ang pinakaaabangang 'Mutya ng Akademya'. Panghuli ay ang parade ng nanalong Mutya at doon na rin sasabitan at paparangalan ang bawat kalahok na nanalo sa bawat paligsahan na naganap sa buong linggo.
Ramdam na ramdam ko na ang nerbiyos sa buong katawan ko. Dahil bukas na ang pageant at iniisip ko pa lang na ang mangyayari ay kinakabahan na ako. Nagiging negatibo na tuloy ang utak ko dahil sa kaba. Should I quit?
"Kyaaaahhh" sigaw ng mga katabi ko dahilan para mabalik ang tingin ko sa mga naglalaro.
"Arrraaay ko naman!" asar kong saad nang hinampas ni Blythe na nasa kaliwa ko ang balikat ko saka naman sumunod si Lovelle na nasa kanan ko. Jusme! Pinaligiran ako ng mga sadistang babae dahil sa sobrang kilig nila.
"Jusmeyo! Tigilan niyo akong mga sadista kayo. Bakit ba panay ang hampas niyo sa balikat ko? Hindi ako punching bag para paghahampasin niyo ng ganito. Wala naman kasing forever, todo na ang kilig niyo." Sigaw ko sa kanila dahil maingay ang paligid. Sabay pa silang lumingon sa akin. Inirapan ako ni Blythe at nginisian naman ako ni Lovelle.
"Palibhasa wala kang lovelife eh." Natatawang ani Blythe. "Saka ang gwapo kaya ni Fyre mahlabbsss. Kyaaahhh." Ani lovelle sabay tili ng makitang naka-three points si Fyre sa ring. Napansin ko naman ang pakipag-high five niya kay Jhezzer. Perfect match ang dalawa sa larong basketball.
"So, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Puro paglalaro lang naman sa babae ang alam."
"Bitter ka beh."
"Hayyss. Fine! Magrerest room lang ako. Kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko dahil sa mga tili niyong nakakasira ng eardrums." Ani ko sabay lakad palabas ng gymnasium pero natagalan ako sa paglabas dahil nga sa dami ng taong parang tililing sa katitili. Muntik na naman sana akong mahampas kung hindi lang ako nakaiwas sa kanila. Bitbit ang bag ko papuntang girls locker room. Kailangan kong maligo at magbihis ng damit dahil volleyball na ang susunod pagkatapos sa game ng basketball. Ginawa ko lang palusot ang ihi ko para makaalis sa puder na dalawang babaeng sadistang iyon. Makahampas kasi wagas.
Nang marating ko ang pinto ng girls locker room ay pinihit ko na pasulong ang pinto. And to my shock! I just saw a naked woman. Habang nasa gitnang bahagi nito ang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Nabitawan ko ang bag na dala dala ko dahilan para gumawa iyon ng malakas na tunog. Sabay na lumingon ang dalawang tao sa akin. Bakas ang hiya sa babae samantalang gulat naman sa lalaking kilalang kilala ko.
"Sorry. Naka-istorbo ako." Saad ko sabay dampot ng nahulog kong bag sa baba. "Ituloy niyo na. Aalis na ako." Dagdag ko sabay takbo palayo doon. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero para akong bingi sa nararamdaman ko. Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa isang puno na matatagpuan sa likod ng gymnasium.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
