Chapter 19

1.8K 47 5
                                    

First day of Internship at medyo nagkahiyaan pa kami ng mga kasama ko sa principal ng isang high school na in-assign sa amin. Sampu kaming lahat kasama na ng ibang majors na magtuturo.

Mabuti na lang din at kasama ko sina Blythe, Avery at Jhezzer. Kulang dalawang buwan din ang itatagal namin at pagkatapos noon ay maghahanda na kami sa darating na pagtatapos namin sa kolehiyo. Nakakaexcite pero nakakalungkot dahil wala ang tatay na ihahatid ako sa stage.

"Lalim ng iniisip teh. Hulaan ko, LQ kayo ni Mr. Handsome." ani Blythe na kanina pa pala salita ng salita sa tabi ko. Tinawanan ko lang sya at hinila na papasok ng eskwelahan.  May isang araw kasi na hiniram niya ang phone ko dahil may tatawagan daw pero ang walangyang babaita pinakialaman messages ko. Hiyang hiya ako dahil nabasa niya ang usapan namin ni Ken. Kasalanan din ng mokong dahil panay ang harot nito sa akin at panay din ang pagsesend ng mga topless niyang katawan na nakakatakam din naman.

"Teh teka lang naman. Wala pa mga kasama natin kung makahila ka naman. Ano? Hilahan na lang tayo oh." umakto siyang hihilahin din ako pero sakto naman ang dating ni Jhezzer na hinawakan sa ulo ang isip batang gustong makipaghilahan sa akin.

Napapatingin tuloy ang ibang estudyante sa amin. Kaya't tawang tawa ako sa dalawa.

"Asan si Avery?" tanong ko kay Jhezzer pero nagkibit balikat lang ito habang hinihintay na matapos magsalita ang katabi nitong isip bata.

"I'm here na, Ate Mina." lumingon ako sa gate ng school. Sakto naman na tapos ng magsalita si Blythe.

"Kailan ka pa natutong maging conyo, Avery Chanel Sy?" Napatingin ako sa mga kasama nito. Dalawang lalaki at Isang babae na mukhang yayamanin.

"Don't away Chanel, Ate." saad ng babae na yayamanin. Bakit kaya gusto niyang mag-Intern dito samantalang choice naman niyang sa Academy na lang mag-Intern. Hmm

"I don't away Chanel. I just make tanong lang naman." panggagaya ko sa conyo niyang salita. Narinig ko tawa ng lovebirds sa tabi pati na ng dalawang lalaki na kasama ni Avery.

"Medyo naimpluwensyahan lang ate. Siyanga pala ate, ito sina Zyaire Montano at Cree Hidalgo, parehas na P.E major tapos siya naman si Circe Miller, English major." pagpapakilala nito sa mga kasama niya. "And guys," baling nito sa mga kasama niya. "Classmates ko sila, Si Ate Mina, si Blythe at ang boyfriend nitong si Jhezzer."

"Nice to meet you." Sambit ko.

"Hello Ate." ani Circe.

"Pleasure to meet you po." ani Blythe na akala mo galing sa pagsasalita na parang baril pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagsalita ni Cree.

"Hello Ate Mina, beshy Blythe, at Hi sa'yo fafa Jhezzer. Cree Hidalgo sa umaga, Cresia Hidalgo sa gabi. oh diba? bongga. Sana maging close tayong lahat. Para bonggang bongga." tinawanan na lang namin siya dahil nagsidatingan na mga iba pa naming kasamang intern kasama mga Critique Teacher namin bago sabay sabay na pumunta sa principal's office ng eskwelahan.

ARAW BAGO ANG ARAW NG MGA PUSO pero andito akong naghahanda hindi para magcelebrate ng Valentines kundi ayusin ang mga gamit na gagamitin ko para sa demonstration ko bukas. Sa dinami dami ng araw na  pwedeng araw ng demo ko ay nataun pa na bukas kaya kailangan na theme ko with touch of Valentines day. At eksaktong ako ang pinakaunang magdedemo sa grupo namin. Nakakainis na nakakakaba na nakakagalit dahil dumagdag pa ang mokong na walang paramdam sa akin. Stress na ako dito sa demo ko mas lalo pa akong pinag-aalala at iniistress ng mokong.

"Why making busangot face, ate Mina? Bad mood ka ba ngayon or your just bitter kasi Valentines bukas at wala kang ka-date." sabay hagikgik nito kaya mas lalo akong napabusangot sa sinabi nito.

"Then why are you here goddess. Stress ka na rin ba sa mga students mo." Biglang tumigil ito sa paghagikgik.

"My name is Circe not Goddess, Ate Mina."

"Yes, you are. Because Circe is a Goddess. In case you didn't know." ngumisi ako.

"I know naman ate na goddess siya pero this is me, a pretty woman with a pretty heart." nagwink pa ang isa pang isip bata.

"Alam mo kung naka-uniporme ka katulad nila." sabay turo ko sa mga estudyante. "baka mapagkamalan kitang estudyante at hindi bilang soon to be teacher." sumimangit siya.

"Ha ha funny." ngumiti lang ako sa tinuran niya. This brigthen my day. Hindi ako nawawalam ng mga kwelang kasamahan.

"Tsupi ka na nga. May next class ka pa di ba?"

"Holy fu--"

"Wag mong itutuloy yang sasabihin mo." banta ko at tinakpan niya ang bibig niya gamit ang kamay nito. Dali dali niyang kinuha ang gamit niya sa pagtuturo bago nagpaalam sa akin na mauna. Lahat sila may klase sa first and second habang ako last period ng umaga pa. Kaya may oras pa akong maghanda hanggang bukas para sa demo ko and I need to settle everything now para wala ng problema o aberyang dadating.

Pasado alas singko nang napagdesisyunan kong pumunta muna ng Academy para bisitahin ang mokong dahil ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. Saka nakapagpaalam na ako kay ate Antonnette na magagabihan ako sa pag-uwi dahil may pupuntahan pa ako.

Nag-aabang na ako ng masasakyan ng may tumigil na van sa tabi ko. Aatras na sana ako ng may sumigaw sa likod ko at kilala ko na ang boses na iyon. Mabuti na lang nakauwi na lahat ng estudyante at ilang teachers na lang ang natitira sa school kundi baka napagkamalan na estudyante itong babaitang ito. Naktita ko na kasama nito si Avery, Zyaire at Cree na Cresia sa gabi.

"Ate Mina, you want to join us. That's my sasakyan. Mommy bought it for me when I was in  first year high school. But I don't want to drive, I'm scared so I have a driver to drive me everyday."

"Sana all mayaman" mahinang sambit ko pero narinig iyon ni Avery kaya humagikgik ito.

"Hindi na, Goddess. Dadaan pa ako sa academy eh may kukunin ako dun." eksakto naman na dumating ang magkasintahan.

"May kukunin nga ba o may bibisitahin." mapang-asar na turan ni Blythe. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.

"It's okay, Ate. Madadaanan naman natin ang Academy kaya sumabay ka na lang sa amin." humagikgik pa siyang hinila ako at sumunod naman ang tatlo sa amin sa loob ng sasakyan. Sinulyapan ko ang magkasintahan.

"Hindi ba kayo sasabay sa amin. Blythe, Jhezzer." palipat lipat ako ng tingin sa dalawa pero umilimg lang silang pareho.

"Hindi na ate. May pupuntahan pa kasi kami na taliwas sa dadaanan niyo." ani Jhezzer kaya napatango tango ako.

"Sige, mauna na kami. Bye Ate Mina. Bye, Circe, Avery, Zyaire and Bye Cresia. Ingat kayong lahat." ngumiti lang ako saka pumasok na sa loob. Kumaway naman ang apat bago umandar ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay tumigil ang sasakyan sa labas ng Academy kaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat bago pumasok sa loob. Binati pa ako ng dalawang guard na nagbabantay sa gate kaya nginitian ko lang sila.

Dumiretso na ako sa office niya. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang babae.





______________________________________________to be continue......



El-mademoiselle💙

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon