Chapter 28

1.9K 60 3
                                        


Sinag ng araw ang unang bumungad sa akin pagkalabas ko ng private plane kaya tinaas ko ang braso ko habang ang isang braso ay nakahawak kay Amiel na parang nasilaw din dahil kinusot kusot ang mata gamit ang dalawang maliliit na kamay nito.

"Okay ka lang baby?" tanong ko kaagad sa kanya. Hindi ko na napansin ang sagot niya dahil napalingon sa taong tumapik ng mahina sa balikat ko.

"Hindi lang siya sanay sa klima ng Pilipinas." ani Hervy na nakangiti sa amin ni Amiel.

"Baba na tayo. Mainit pa naman dito sa pilipinas." nginisian ako nito.

"Dalawang taon lang akong wala dito sa pilipinas, ATE. Kaya alam ko talagang mainit dito sa pinas. Dahil siguro dalawang taon ako sa puro anow kaya hindi agad ako naka-adjust sa init." diniinan ko talaga ang salitang ate dahil nauna siyang lumabas ng ilang minuto kaysa sa akin na kinwento sa akin ni mama noon.

"Hmp." inirapan ako nito saka nauna nang lumabas.

Sinundan na lang naming siya pababa hanggang sa makadating kami sa arriving area. Hindi ko alam na pwede pala sa airport ang ganito. Sabagay, mga mayayaman kasi kaya kahit walang papeles ay pwedeng bumiyahe kahit kailan o saan mo gusto. Dahil na rin karamihan sa mga mayayaman ay may sariling Private Plane katulad na lang ng magulang ko. Hinayaan nilang gamitin namin si Luca. Kaya mabilis lang naging biyahe namin.

Kaya pala mabilis lang akong nakaalis sa pilipinas dalawang taon na ang nakalipas ay dahil dito. Na ginamit ni Kuya ang connections niya makalabas lang ako ng bansa.

Then I realized that when your rich enough, you can now do and get what you want. Lalo na kung marami kang kapit o connections sa mga matataas ding tao katulad mo. Pero hindi nakikita sa tao kung gaano ito kayaman at hindi din nakikita ang halaga ng isang bagay kung hindi galing sa puso. Walang halaga ang isang bagay kung hindi pinapahalagahan at lalong hindi ka makukuntento sa mga mamahaling bagay kung hindi mo ito papahalagahan.

You must appreciate what is given to you. Everything is worth it, you just appreciate and love it.

Sabay sabay kaming umuwi ng Pilipinas ng kakambal at kuya ko pero sa ibang private plane sumakay si kuya. Ginamit pala ni kuya ang sarili nitong Private Plane na pinangalanan nitong Achilles noong  umuwi siya ng mansion. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang bigyan ng pangalan ang mga ito.

Maybe there’s a sentimental value for them to name their own things.

Hmm… Possessive kaya sila sa mga pag-aari nila kaya ganun? Tanong ko sa isip ko. Balak na pala ni kuya na pauwiin ako ng Pilipinas kaya umuwi siya ng mansion. Doon ko lang narealize nang sabihin sa akin ng kakambal ko.

Hindi ko namalayan na nasa labas na kami ng airport at sasakay na. Napasinghap ako ng maalala ko ang mga maleta namin.

“Teka lang. Yung mga maleta namin sa loob.” Narinig ko ang tawa ni Hervy.

“Hindi ka na nasanay, Levy. Nilalagay na sa sasakyan mga gamit natin. Saka meron naman tayong mga bodyguards to do that.” Kumunot ang noo ko at nilinga ang paligid. Doon ko nakita ang nasa mahigit limang bodyguards na inaayos nga ang mga maleta namin sa sasakyan. Hindi ko na siguro napansin dahil sa dami ng naiisip kong kung anu-anong bagay kanina.

“Sad to say, my twin sister.” Ngumuso ito. “Tatlong sasakyan ang sumundo sa atin ngayon meaning magkakaiba tayo ng sasakyan,” kumurap ako saka tinignan siya. Seryoso?nasabi ko na lang sa isip ko.

“Mauna na akong sasakay ha. Si kuya kasi nakasakay na doon. Hindi ka man lang tinulungan sa pagbuhat kay Amiel.” sabay nguso nito sa pinakaunang nakaparadang sasakyan. “See you later, baby Amiel. Susulitin kitang  bubuhatin soon ha. Huwag lang muna ngayon ‘cause tita is so tired na.” ngumuso pa ulit ito saka hinalikan nito sa pisngi ni Amiel.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon