Chapter 11

2.4K 65 1
                                    

"Take care, Mina." Ani Ate Antonnette na panay ang bilin sa akin. It's already our three weeks Christmas vacation hanggang new year na iyon. And hello, internship. Pagkatapos ng bakasyon namin kasi ng Christmas ay magsisimula na ang internship namin sa pagtuturo and after that ay graduation ko na o naming nga ka-batch ko. Finally, Makakapagtapos na rin ako.

"Oo naman, ate." Sagot kong nakangiti sa kanya. Nagkangitian kami bago ako nagpaalam at sasakay na ng bus papuntang probinsiya. Sinulyapan ko muna silang dalawa ni kuya Axelle bago pumasok sa loob at umupo. Kumaway ako sa kanila bago umandar ang bus paalis.

After ng pagkapanalo ko sa 'Mutya' ay nagkaroon ako ng maraming taga-hanga at hindi din nawala yung kinaiinggitan ako dahil sa success na natamasa ko ika nga nila. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan kagaya na lang ni Ice na palagi kong nakakasama kapag pumupunta akong library para magbasa. Nagkaroon din ako ng responsibilidad sa pagkapanalo ko. Gumawa ako ng club na maaaring interesante sa lahat ng estudyante.

I and Ice became close friends. Na yung cold na schoolmate ko noon ay naging masayahin na. Palagi na kasi siyang ngumingiti especially kapag kasama pa namin sina Blythe at Jhezzer at ang kaibigan din nitong sina Chreeke at Dane. Hindi ko alam na may tinatago din pala siyang ugali nito na palabiro pala siya at may sense of humor pakipag-usap.

Hanggang ngayon nakakapanibago pa din ang lahat ng nangyari pero nagpapasalamat na rin ako. Dahil kasi doon ay naibaling ko sa ibang bagay ang isip ko at hindi sa nararamdaman ko.

I sighed. Ano kaya kung hindi ko sinabi sa kanya noon yun? Kinukulit pa din ba niya ako hanggang ngayon. What if nalaman ko kaagad na nagkakagusto din naman pala ako sa kanya noon. Ano kayang mangyayari? I sighed again. Puro na lang 'what if?' ang iniisip ko. Ipinikit ko na lang ang mata ko bago siniksik ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Siguro ma-refresh ang utak ko sa probinsiya. Enjoyin ko na lang muna ang bakasyon ko. Ayoko na munang problemahin ang mga problema.

At dahil inaantok na ako ay hindi ko napansin na may tumabi pala sa akin sa kinauupuan ko.

********

Naalimpungatan lang ako ng mapansin kong nasa loob na ako ng kwarto ng bahay namin. Napansin ko rin na iba na ang suot kong damit at yung mga damit kong dala ay maayos ng nakahanger sa cabinet ko.

Teka?? Ang alam ko nasa biyahe pa lang ako at nakasakay ng bus.

Tatayo na sana ako ng bumukas ang pintuan ng silid ko at iniluwa nun ang Antie Mercedes ko na may hawak punda ng unan ko. "Oh, gising ka na pala." Saad nito sa akin.

"Paano ako nakauwi dito, Antie?" tanong ko.

"Sa himbing ng tulog mo. Ni hindi mo na alam ang nangyari sa iyo kagabi."

"Ho!!!" Gulat kong saad na nagpalaki ng mata ko. Kagabi? As in maghapon at magdamag akong tulog at ngayon lang rin ako nagising.

"Ayynaku kang bata ka. Binuhat ka ng nobyo mo kagabi dahil mahimbing ang tulog mo. Naawa pa ako sa kanya dahil bakas na rin sa itsura nito ang pagod kaya pinagpahinga ko na rin siya."

"Nobyo!!!! Antie." Nanlalaki ang matang saad ko. Jusme!!

"Oo. Bakit ba gulat na gulat ka diyan ah? Akala mo kung sinong nakakita ng multo dahil diyan sa reaksiyon mo."

"Antie naman. Niloloko mo ata ako eh." Hindi makapaniwalang saad ko. Paano ba naman? NBSB ako pero paggising ko ngayon may nobyo na ako. What on earth just happened?

"Aba't. Hindi kita nilolokong bata ka." Aniya na inaayos na ang higaan ko.

"Antie, wala akong boyfriend. Impossible iyang sinasabi mo." Napatigil siya sa ginagawa niya saka lumingon sa akin.

"Aba't. Eh sino yung naghatid sa iyo dito ha? Imposibleng hindi mo nobyo iyon."

"Hindi nga kasi eh. Wala akong nobyo. Wala. Wala Antie." Pagpipilit ko sa kanya sa paraang pasigaw na.

"Huwag mo akong sigawan, Mina. Kung ayaw mong maniwala. Pumunta ka ng kusina para malaman mong hindi ako nagsisinungaling at totoo ang sinasabi ko." Natapos na niyang ayusin ang higaan ko kaya nagmamadali akong pumasok ng banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay dire-diretso lang akong pumunta ng kusina.

Nadatnan ko doon ang taong ayaw ko sana munang makita. What the heck!!!

Nakatalikod siya sa gawi ko at halatang busy siya sa kung anuman ang ginagawa nito. Nagluluto pala siya base sa get up nitong naka-apron ng bulaklakin. Maayos ang may pagkahabang buhok nitong nakaayos ng top knot habang ang suot naman nito ay nakasando lang at itim na jeans. Ang tambok ng pwe-----waahh erase erase. Nagiging mahalay na naman ang utak ko dahil sa nakikita ko.

Kinurap kurap ko ng ilang beses ang mata ko para maalis ang tingin ko. Hindi pwede na ganito ako umakto.

Tumikhim ako para maagaw ang pansin niya. Biglang kumabog ang puso ko ng dahan dahan siyang lumingon. Huwag ngayon heart? Huwag ngayon.

Napalunok ako ng makita ko siyang ngumiti ng matamis sa akin.

Anong nangyayari sa puso ko? Waaah huwag nga kasi ngayon. Maki-cooperate ka naman heart. Please lang.

"Good morning, babe. Maupo ka na muna dito at tatapusin ko lang ang niluluto ko." Sabay lapit sa akin at inalalayan akong umupo bago bumalik ulit sa pagluluto. Ako ngayon nganga at hindi pa rin nagsasalita.

Sunod sunod na ang  paglunok ko ng makita ko ang pag-alis sa apron nito sa katawan. Bakat na bakat ang sout nitong sando sa dibdib nito. Yung mga muscles, jusmeyo. Pahinging kanin. May ulam na kasi dito.

Stop self. Huwag mong pagnasahan ang professor mo. Ayokong mapabilang sa forbidden love.

Jusme!!! Ngayon pa lang stressful na ang utak ko. NAKAKASTRESSSS!!!!!

"Huy! Mina Angelique."

"Ayyy kanin siya." gulat kong sigaw at eksaktong nasagi ko ang baso kaya nabasag ito nang mahulog sa baba. Agad akong umalis sa pagkakaupo at dali dali kong hinawakan ang basag basag na baso.

"Awwww." Sambit ko ng masugatan ang mga daliri ko. Hinawakan kaagad naman iyon ng taong dahilan ang pagkatulala ko. Tinitigan ko siya ng pinupunasan na nito ang dugong nagkalat sa kamay ko.

Nakagat ko ang labi ko nang mapansin kong nakahubad na siya sa itaas na bahagi ng katawan niya at nanlaki ang mata ko ng mapansin ko na ang telang pinangpunas sa kamay ko ay ang sandong suot suot nito kanina.

Jusmeyo Marimar!!!!

Ang lapad ng dibdib. Bumaba ang tingin ko sa kanya. Napalunok ulit ako sa nakita ng dalawang mata ko.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim.

Anim na namumutok na pandesal.

Parang gusto kong magkape ngayon.

Malambot kaya iyon?

"Ayos ka lang, Babe?" Untag nito sa akin kaya tumaas ang tingin ko sa kanya.

"Ganyan ang mga tinging may pagnanasa." Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ng tiyahin ko. Napalingon ako dito at kanina pa pala siya nakatingin sa amin or should I say sa ginagawa namin.

"Antie!!!!"

"Ano?????” taas kilay nitong sabat sa akin. Nakita ba niya kung paano ko titigan itong Adonis na ito. Jusme! Sana naman hindi.

"Ano bang pinagsasabi mo, Antie?" bulalas ko bago inalis ang hawak hawak na kamay ng katabi ko.

"Good morning, tita. Upo na po kayo dito at kakain na tayo." Saka nito pinaghila ng upuan ang tiyahin ko. Ako naman ay umupo na rin para kumain. Hindi pinapansin ang mga titig ng dalawang kasama ko. Isama mo na rin ang kirot na nararamdaman ng daliri ko dahil sa sugat na natamo ko kanina.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpaalam na pupuntang kwarto para gumayak at mamamasyal ako ngayong araw. Nakakamiss din pala sa probinsiya.

Akala ko makakapagpahinga ako dito sa probinsiya but it turns out na mas lalo lang pala akong masu-suffocate dito.

________________________________________________to be continued.......
Please click the ⭐ button. *wink*

A/N:

El-mademoiselle

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon