"Hey Gorgeous, hindi mo ba talaga alam kung anong gender ng baby?" tanong ng kasama ko ngayon sa loob ng isang private room ng hospital. Umirap ako sa kanya saka pinilit na naglakad lakad dahil ilang minuto o oras na lang ay manganganak na ako.
"Alam mo, Kung hindi lang kita Mahal at ama ng mga anak ko. Kanina pa kita iniwan sa kakatanong mo niyan." Napatigil ito saglit at ilang minuto lang ay naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin sa likod.
"Sorry. I just want to know what is the gender of our baby. Naririndi ka na ba sa boses ko? Or maybe you want me to leave this room for now. Just tell me, Gorgeous. Hmm." Saad nito saka ako mahigpit na niyakap habang nakasubsob ang ulo nito sa balikat ko.
"Huwag kang umalis, Ken." Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya gamit ang kamay ko. "Naging selfish na ako nung pinagbuntis ko si Amiel pati ba naman kay baby ay magiging selfish ulit ako. I already learned my lesson, Handsome. You're the father of our children. Kaya dapat lang na andito ka sa tabi ko." Sambit ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit umiiyak siyang nakangiti. Tears of joy.
"I love you, my gorgeous wife."
"And I love you too, my handsome husband." Akmang hahalikan na sana ako nang mapangiwi ako sa biglaang pagsakit ng tiyan ko.
"Jusmiyo, Ken!" Impit kong sigaw at mahigpit na humawak sa balikat nito habang panay ang tanong nito. Hindi siya mapakali habang ako ay namimilipit sa sakit.
Shit! Hindi naman ganito noon ang panganay namin.
Inalalayan niya akong umupo muna sa kama bago nagpaalam siyang tawagin si Maisie na siyang ob-gyne at magpapaanak sa akin. Ilang minuto lang ay kasama na nito ang Doktora at ilan pang nurse na may hawak na stretcher. Inalalayan nila akong humiga doon bago kami lumabas papuntang emergency room.
"Ang sakit--ahh."
"I'm here, Gorgeous. Please be brave. Kinaya mo kay Amiel at mas kakayanin mo ngayon. Andito lang ako. Hindi kita iiwan." Mahigpit Ang hawak ko sa kamay niya. Alam kong iyon na lang ang magagawa niya dahil hindi siya ang nasa posisyon.
"Sana ako na lang ang nasasaktan ngayon."
"Don't say that. Parte ito ng pagiging isang babae at isang ina. Just be there for me, okay."
"I will. To our baby, I will be here for you."
"Thank you." Bago pa man siya sumagot ay nagsalita na si Maisie.
"Hanggang dito ka na Lang, Ken." Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa sinabi ng doktor sa kanya. Hindi ko na napansin iyon sa sobra na ang sakit sa tiyan na nararamdaman ko.
NAGULUHAN ako sa sinabi ni Maisie sa akin. Tuluyan na ngang naipasok sa loob ang asawa ko.
"But I promise to be with her. So please, Maisie I beg you. My wife needs me." Ilang segundo akong tinignan bago nagsalita.
"Ok." Tinawag nito ang isang nurse at dali dali namang may kinuha ng nurse na binigay naman nito kay Maisie.
"Here. Wear that then come inside when you're done." tango na lang ang sagot ko. Agad siyang pumasok sa loob habang ako ay pumunta sa katabi nitong room at doon isinuot ang binigay nito. Pagkabalik ko ay may isang nurse na nakatayo sa may pintuan ng emergency room na parang hinihintay ako. Tama nga ako dahil iginiya niya agad ako papasok sa loob kung saan ang asawa ko.
PAGOD man ay masaya akong lumabas ng emergency room at doon ko naabutan ang mga tao na halata din ang kaba at saya sa mga hitsura nila.
"Caste, How's my sister?"
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
