Chapter 13

2.6K 64 2
                                        

Mangha kong ginala ang tingin sa paligid. Ang kulay asul na na karagatan habang pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw at kasabay nun ang marahang paghampas ng alon sa dalampasigan. Mukhang hindi nga nagbibiro ang tiyahin ng sabihin nitong naging resort na ang lugar na lagi naming pinupuntahan ng aking kinilalang ama.

Amg dating walang katao taong lugar noon ay nagkaroon na ng mga turista kahit na taglamig na ang panahon ngayon. Masaya sa pakiramdam na kahit madami na ang tao sa paligid ay nanatili pa ring maganda ang lugar at kagandahan niyon.

I sighed when I remember my happy memories here. Kasama ang tatay. Nakakamiss din pala. Namimiss ko na ang tatay.

"Imbes na aksayahin ng pagsesenti mo diyan. Why not try to enjoy and appreciate the scenery. Masyado kang emosyonal." Sabi ng isang boses na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tinaasan ko siya ng kilay ng mapansin ko ang ginagawa niya.

"Anong ginagawa m---"

"Obvious ba! Malamang naghuhubad." Putol niya sa sasabihin ko sana na nagmukha siyang pilosopo. Ibinaba niya sa tabi ko ang hinubad nitong polo shirt niya. Dahil sa pagsunod ng tingin ko sa ginagawa niya ay lumantad sa harapan ko ang malapad nitong dibdib at ang anim nitong namumutok na mga pandesal. Jusmiyo! Ang sar----

I saw him smirk kaya agad akong tumalikod sa kanya ng maramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa hiya. Hiya sa pagkatitig ko sa katawan niyong nakalantad sa harapan ko kanina.

"Bakit ba parang takot na takot ka diyan?" Aniya na lalong nagpamula sa mukha ko. Juskoo naman. Ano ba kasing pinaggagawa ng lalaking ito? May pahubad hubad pang nalalaman.  Nagmumukha na akong timang.

"H-hindi ah." Mariing tanggi ko saka humarap sa kanya. But it was a wrong move. Napanganga ako sa nasaksihan ko. Dahil sa eksaktong pagharap ko ay tanging  boxer na lang nito ang suot niya. At para itong modelong nakatayo habang titig na titig sa akin.

Teka.

Sa akin siya nakatingin.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya saka pinagmasdan na lang araw na nakalubog na. Tanging sinag na lang nitong kulay kahel ang nakikita sa paligid. Balak ko lang mag-unwind sa lugar na ito pero bakit ganito. Mas lalo akong nai-stress.

"Magdamit ka nga." Singhal ko sa kanya.

"What? I'm going to swim. Wala akong damit mamaya sa pag-uwi natin kung magdadamit aking maliligo. Gusto mo atang basang basa akong uuwi eh." Sagot nito.

"Bakit ba kasi maliligo ka pa diyan eh uuwi din naman tayo maya-maya lang. Sasama sama pa kasi." Bulong ko sa huli.

Pagkatapos kasi naming magsimba kanina ay nag-aya siyang mamasyal at maglibot sa buong lugar namin. Hanggang sa namalayan kong napunta na nga kami sa lugar na ito. Lugar kung saan ang alaala ng kinikilala kong ama.

"Fine. Hindi na ako maliligo. Sayang ang entrance fee kung hindi din naman mag-eenjoy."

"May sinasabi ka?" Tanong ko dito nang marinig kong may binubulong ito sa sarili.

"Wala. Magdadamit lang ako saglit at aalis na tayo, babe." Saan niya saka kumindat na nagpangiwi sa akin sa huling sinabi niya.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong may umakbay sa akin at akmang aalisin ko na ng mas lalo nitong higpitan ang hawak sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko kinindatan lang ako saka iginiya na pabalik sa isang kulay itim na sasakyan. Kumunot ang noo ko nang bumitaw siya sa pagka-akbay sa akin saka lumapit sa sasakyan.

"Huy! Bakit ka sumasakay sa hindi mo sasakyan ha?" Lumingon siya sa akin saka ngumisi.

"Well babe. This car is mine. Pinadala ko sa mga tauhan ko sa syudad. Nakakapagod din kasing magbiyahe para lang makasunod sa'yo."

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon