Chapter 21

1.9K 49 3
                                        

Ngiting ngiti ako pagkapasok sa faculty office ng academy. Hanggang ngayon kasi nagtatampo pa rin ang isip batang nobyo ko.

Isip bata talaga. Malaki na yun! Malaki nga ang ano niya eh." sabad ng malanding isip ko na kinailing ko sa reyalidad.

"Anyare teh? Umagang umaga nababaliw ka." tanong agad ni Blythe pagkaupo ko sa assigned desk ko katabi ng desk niya.

Juskoo napansin pala ng babaitang to.

"Hindi ako baliw. May iniisip lang." Palusot ko. Although may katotohanan naman talaga na may naiisip ako. Malanding naiisip nga lang.

"Tanong mo sa pagong yang palusot mo teh. Juskooo nemerrnn alam ko may iniisip kang malaki." giit niya na may halong pagngisi at may titig na 'kilala kita look' kayat pinamulahan ako ng buong mukha.

"Yang bibig mo. Ang tabil tabil." saad ko at nagkunwaring inaayos ko ang mga gamit kong gagamitin ko sa pagtuturo mamaya.

"Saka ready ka na ba sa demo mo mamaya?"

"Yes nemmerrrn teh. Ako pa ba? Girls scout toh. Always ready."

"Always ready pero late tuwing may date" bulong ko.

"Anong sabi mo teh? Pakiulit." umiling iling ako saka hinarap siya.

"Ang sabi ko, napakaganda mo pandak nga lang." bulong ko sa huli.

"Who's pandak Ate Angel?" sabad ng bagong dating na si Circe na kinailing ko at kinasimangot naman ng katabi ko. Narinig pala ng Conyo Goddess na to ang sinabi ko.

"Ahh nothing, Goddess. Namali ka lang ng dinig kanina." ngumiti ako na napunta sa ngiwi dahil grabe ang paninitig ng katabi ko sa akin.

Magsasalita pa sana si Circe ng marinig namin ang pag-iingay ng bell hudyat na flag raising na ng Academy.

"YOUNG MASTER, we found your sister." one of my men said while I'm sipping my coffee in my office.

"Don't you know how to knock?" I said calmly but I glared at him.

"I'm sorry, Master. Forgive me." he said and bowed to me.

"Apology accepted." I said. Nakita ko ang pagkawala ng agam agam sa reaksiyon niya.

"Now tell me." sinenyasan ko siyang umupo sa couch na agad naman niyang ginawa at kusa na akong lumapit saka umupo na nakaharap sa kanya.

"Who is she now? And where can I find her?" Kalmado lang siya sa panlabas pero alam kong nauulinigan niya ang pagiging ma-awtoridad ng boses ko.

Nilapag niya ang hawak hawak niyang envelop sa mesang nasa gitna namin. Agad ko naman itong kinuha at binuklat.

I see a woman wearing a uniform and it's familiar to me. Nangunot ang noo ko.

"She's Mina Angelique Castillo, inampon ni Reymond Castillo. She's an education student sa Xavier Academy. Kasalukuyan siyang Intern sa San Sebastian National High School. Baby Sitter ng mga kambal ni Antonnette Ayla Cortez na anak naman ng may-ari ng Academy na si Mr. Axelle Xavier Ferrer. At nobyo nito si Mr. Ken Romhiel Caste na kaibigan niyo." shit! That jerk.

She's beautiful just like our mother? Pagkakita ko sa larawan niya.

Damn!

After how many years of searching. Nandito ka lang pala malapit sa akin. Maybe this is our destiny to see each other. Hindi naman masasabing coincidence ang nangyari dahil hindi naman alam ng mga kaibigan ko na may kapatid akong nawawala. Na akala nila nag-iisa lang ang kapatid pero may kakambal pala siya.

"Thank you." gulat akong tiningnan ng tauhan ko.

"Y-your welcome, Master." he stammer. Na-shock ata siya sa pagsabi ko ng salamat sa kanya.

"Thank you for finding my sister." saka ko siya nginitian. Na mas lalong nagpagulat sa kanya base na rin sa nakikita kong reaksiyon niya. Maybe he wondered that a cold and heartless man can say thank you to someone and smile too.

"W-welcome, master. It's my pleasure to find your sister and it's my job." saka ito yumuko at magalang na nagpaalam sa akin bago lumabas ng opisina ko.

I took my phone in the table and dial my little sisters number.

"Hello kuya ko." sagot ng nasa kabilang linya.

"Elena Hervy Andrade, I found your twin Helena Levy Andrade. Just wait a little more. Makikita at makakasama na natin siya. Tell Mom and Dad about this, okay."

I hear nothing but a sob on the other line.

"Kuya ko." pagsasalita niya na may kasamang hikbi na unti unti ko nang naririnig ang pag-iyak nito.

"Yes."

"P-pauwiin mo na siya dito, k-kuya ko. Gusto ko ng m-makita ang k-kakambal ko." iyakin pa din hanggang ngayon.

"I will, my little sister. As soon as possible,  I will take your twin sister and my long lost little sister back to our family."

"ANONG sinabi mo, Circe?" gulat na gulat na sabi ni Blythe. Napangiwi ako. Kahit kailan talaga napaka-ingay ng pandak na ito. Buti at natitiis naman ni Jhezzer itong nobya niyang sobrang ingay. Totoo nga ang kasabihang 'opposites attract' kasi kung anong kinaingay ni Blythe ay siya namang kinatahimik ni Jhezzer.

"Why are you so nagulat, ate Blythe?" Pairap itong tumingin kay Blythe habang kami naman ay napapailing na lang.

"Impossible naman kasi ng sinabi mo. Pakiulit nga beh pakiulit baka namamalik-rinig lang ako." sabay kunwari nililinisan nito ang tainga niya. Lahat kaming kasama niya ay pinipigilan ang pagtawa dahil papasa na talaga siyang komedyante dahil sa pinaggagawa niya.

"I said, I want to have a boyfriend na? Just like our dean in XA. He's so prim and proper kumilos. Nakaka-inlove siya. Everytime I see him. I always drool. Fafang fafa ang datingan."

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Zyaire at hagikgik ni Cresia. Malamang sa malamang na naimpluwensiyahan ni Cresia si Circe dahil hindi na lang ito conyo magsalita. Parang beki na din kung magsalita. Tinampal ko ang braso ni Cresia kaya't lumingon siya sa akin na humahagikgik pa din. Pinandilatan ko siya ng tingin na nagsasabing 'Bat kung ano ano tinuturo mo sa kanya look'. Nginisihan ako nito saka nagkibit balikat.

"You mean si Dean Sanchez?" bulong ni Zyaire kay Jhezzer kaya't tumango ito. Napasabi na ulit ng mura si Zyaire saka tinampal nito ang sarili nitong noo na parang disappointed sa nalaman.

Don't tell me?

Suminghap ako saka nilingon si Cresia. Lumingon naman agad siya sa gawi ko.

"May gusto ba si Zyaire kay goddess, Cree?" bumusangot ito.

"Teh, it's Cresia. And ang sagot sa tanong mo, isang napakalaking yes. Pero di alam ni girl ito teh ha. Don't sabi sabi to everyone."

"Conyo ka din ba, Cresia?" na kinangisi ko.

"No no no way" pagkanta nito na kinatawa ko ng mahina. Hanggang ngayon hindi pa din natatapos ang pag-uusap ng dalawa kaya't nagchikahan muna kami ni Cresia samantalang may sariling mundo naman sina Jhezzer at Zyaire. Mabuti na lang at Free time naming lahat ngayon kaya't walang problema kahit na matagalan kami kung ano mang pag-uusapan namin. Free time dahil tapos na kaming lahat sa aming demonstration teaching. Mahigit isang linggo na lang ang itatagal namin bilang intern and in three weeks time, ga-graduate na kami at tapos na din ako bilang estudyante. Madami mang naganap sa buhay ko atleast natapos ko at magtatapos na din ako.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod pang araw pero sana

Sana may magandang mangyari?

Sana.




______________________________________________to be continued......

Please click the ⭐ button. Thanks❤




El-mademoiselle

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon