Pakiramdam ko may kulang. Parang ang bigat sa pakiramdam na alam mong hindi buo ang pagkatao mo. Na pakiramdam mo ang lungkot lungkot ng buhay. Kahit pilitin kong ibaling sa iba ang isip ay bumabalik siya at ginugulo niya ang isip ko sa pamamagitan noong huling hapong magkasama kami. At yun na ang huling pagkakita ko sa kanya.
Ginulo ko ang buhok ko.
Ano bang pinag-iisip ko?
Nababaliw na ata ako. Dalawang araw na ng huli ko siyang makita. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala ni anino niya ang nagpakita. Ganito ba ang epekto niya sa akin.
Totoo ba ang nakita kong sakit sa mga nito. Totoo din ba yung mga huling salitang binitawan nito noon. At kung totoo man ang mga iyon, asan na siya? Bakit hindi niya totohanin ang mga salita niyang iyon?
I sighed again. At di ko alam na pangatlong buntong hininga ko na iyon.
"Ayaaan! Aaway awayin tapos nung umalis mamimiss din pala. Jusmiyo kang bata ka talaga." Napangiwi ako ng maramdaman ko ang mahinang pagkurot nito sa tagiliran ko.
"Antie naman." Maktol kong nakahawak sa baywang ko saka lumayo sa kanya.
"Emote emote ka diyan. Halla! Magbihis ka at samahan mo akong mamalengke sa bayan." Hinila ako nitobpapuhyang banyo.
"Kaysa naman magmukmok ka dito sa silid mo ng maghapon katulad ng ginawa mo kahapon. Para kang sawi sa pag-ibig eh." Dagdag pa niya na nagpasimangot sa akin.
"Antie naman. Hindi naman ako sawi eh. Kung anu-anong iniisip niyo. Masama lang pakiramdam ko." Palusot ko pero narinig ko na lang ang papalayong mga yabag nito.
Masayado na ba akong halata. Nagkakaganito lang naman ako simula noong araw na nakasagutan kami at hindi na siya nagpakita simula nang----
Ipinilig ko ang ulo at nagsimula ng maligo. Nang matapos akong maligo ay gumayak na saka dumiretso sa kusina para kumain.
Kailan ba nung huling kain ko?
Kahapon ng tanghali.
Ang tagal na rin palang walang laman ang tiyan ko.
Hindi ko pa nauubos ang kinakain ko ay tinawag na ako ng tiyahin ko kaya't dali dali kong sinubo ang ulam sa plato ko.
HABANG abala sa pamamalengke ang tiyahin ko ay andun lang akong sumusunod sa kanya na tulala at malalim ang iniisip. Iniisip pa rin ang lalaking iyon hanggang ngayon.
Kaya hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami ng maramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko at nilingon ko iyon. Masama ang tingin niya sa akin na parang may something akong nagawa na hindi niya nagustuhan.
Nag-peace sign lang ako sa kanya saka tumakbo papuntang kwarto. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa pangalan ko. Hingal na hingal akong nakayuko pagkapasok sa banyo ng silid ko.
Nakarinig ako ng singhap kaya umangat ang tingin ko at nanlaki ng husto ang mata sa nakikita ko. Suminghap ako at agad agad na nagtakip ng mata saka tumalikod.
Juskooo!
Tanginang putotoy yun. Ang laki laki parang braso ng bata.
Naalala ko na naman ang nangyari five years ago. Nakita ko ulit! At ganoon pala ang itsura nun kapag maliwanag na.
Pigil ang hiningang huwag tumili dahil baka marinig ako ng tiyahin ko at makita ang sitwasyon namin dito sa loob.
Ano ba kasing ginagawa ng lalaking ito dito?
Aysus! Kanina kang iniisip mo siya tapos ngayon kunyari naiinis ka na naman. Segunda ng isip ko.
Ipinilig ko ang ulo ko saka magsisimula na sanang naglakad paalis ng bigla akong madulas kaya pinikit ko ang mata para hintayin na tumama ang likod ko sa semento. Nagmulat ako ng mata ng maramdaman kong may humawak sa akin at siya ang nadaganan ko. Narinig ko pa ang pagmura nito.
Napasinghap ulit ako ng pinaharap niya ako sa pagkakapatong sa kanya. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ko iwasan ang matiim na titig nito sa mukha ko at napalunok siya ng dumako ang tingin nito sa labi ko. Para akong nawawala sa sarili sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Na para bang gusto akong kainin ng buo.
Teka nga! Hindi naman siya kanibal ha.
Hayyss. Erase erase.
Dahil sa pag-iwas ko ng tingin sa kanya ay dumako ang tingin ko sa dibdib niyang hawak hawak ko habang pisil ang nipple nito na kinalaki ng mata ko. At dahil doon ay naramdaman ko ang 'napakalaki niyang putotoy' na unti unting tumatayo sa bandang puson ko.
Tuluyan na akong napatili pero natigil iyon ng lumapat ang malambot nitong labi nito at hinalikan ako ng mariin sa labi. Inilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para itulak pero iniyakap niya ang malalaking biyas niya sa hita ko at hinuli niya naman ang dalawang kamay ko gamit ang malalaking mga kamay din nito.
Pilit akong kumakawala sa pag-angkin nito sa labi ko pero mas lalo lang niya iyong dinidiin para mas lumalim pa ang ginagawa nitong paghalik sa akin.
Wala na. Finish na.
Konting konti na lang. Juskooo Bibigay na ako. Unti unti na akong tumigil at pumikit hanggang sa nalulunod na ako sa malalim na paghalik nito sa akin. Lumaki ng husto ang mata ko ng hindi ki napaghandaan ang pagpasok ng dila nito. Gumalaw galaw ang dila nito sa loob ng bibig ko habang dumidiin ang malapad nitong dibdib sa dibdib ko. Kahit na may damit pa ako ay ramdam ko ang nakakakuryenteng pakiramdam na dumaloy sa buong katawan ko.
Nang maramdaman ko ang mahinang pagpisil nito sa dibdib ko ay doon ako natauhan. Dali dali akong tumayo at agad na tumakbo palabas ng silid. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin na hindi ko na pinansin dahil sa hiyang nararamdaman ko. Dahil sa mabilis kong takbo ay hindi ko namalayan na tumingin pa sa akin ang tiyahin ko na nagtataka sa pagtakbo ko.
Ang tanga tanga mo, Mina. Bakit ang rupok mo pagdating sa lalaking iyon?
PASADO ALAS SINGKO ng nakabalik na ako sa bahay na tulala. Sa tree house na gawa pa ng tatay ko ako naglagi para hindi umuwi dito sa bahay dahil sa hiya. Nagpalipas ako doon para iwasan siya at dahil sa pag-aakalang wala na siya ay napagpasyahan kong bumalik na sa bahay. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay narinig ko kaagad ang tawanan na nanggagaling sa kusina ng bahay. Dumiretso ako doon para tignan kung sino. At kilalang kilala ko kung sini ang katawanan ng tiyahin ko habang masayang nagmemeryenda silang dalawa sa hapagkainan.
Nawala ang ngiti nito ng madako ang tingin niya sa akin kaya inalis ko ang pagkakatitig sa kanya saka akmang tatalikod na ng tawagin ako ng tiyahin ko. Nakayuko akong humarap sa kanila saka naglakad palapit.
"Saan ka galing, Mina." Napahinto ang pagkuha ko sa pinggan sa tanong nito sa akin.
"Sa tree house, Antie. Nilinis ko lang dahil maalikabok na." Sagot ko dito. Napatango naman siya kaya tinuloy ko na ang pagkuha doon pero may kung sinong nag-abot sa akin. Napaangat ako ng tingin sa kanya kaya nakita ako ang labi niyang nakangiti pero hindi abot hanggang mata nito.
Bakit napakalungkot ng mga mata nito?
"Eat this. I made that for you." Sabay abot nito sa akin ng mangkok na may laman. Nahihiya ko naman iyong kinuha saka mahinang nagpasalamat. Biglang kumalam ang tiyan ko ng maamoy ko ang amoy nito saka tinikman.
Nagpaalam naman ang tiyahin ko na may pupuntahan na hindi ko napansin dahil sobra akong nagutom. Napakasarap naman kasi ng kinakain ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatingin sa akin. Napatigil lang ako sa pagsubo ng haplusin niya ang buhok ko. Nahiya naman ako dahil sa inakto ko.
"Eat well, babe." Saka ito ngumiti sa akin. Bakit masaya na ang mga mata nito? Masaya na ba talaga siya.
At saka anong sabi niya?
Babe raw.
____________________________________________to be continued.....
Please click the star button. Thanks in advance.
A/N: sorry for the late update. Namental block si ate niyo kaya nagbasa muna siya. Sinabayan pa ng activities at FLA's kaya napatagal. Anyway here's the update. By next week baka mapadalas na ang update kasi nga tapos na ang exam at enrollment na lang for the third term. And HELLO vacation😘.
El-mademoiselle
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
