Chapter 18

2.1K 59 5
                                        

Isang linggo bago ang internship namin ay may kung anong narrative report ang pinagawa ng proctor namin. At heto kami ngayon palaging puyat dahil mahigit bente na gagawan namin at mabuti na lang lagpas na sa kalahati ang nagawa namin.

Humilig ako saglit at naramdaman kong nagvibrate ang phone sa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at binasa ang text message.

From: "My Handsome Babe❤"

Hey, Gorgeous😘

Napangiti ako saka nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To: "My Handsome babe❤"

Ano na naman?😗

Sinend ko iyon at pagkaraan lang ng isang minuto ay tumawag siya. Napangisi ako at  nagpaalam sa mga kasama ko na lalabas lang saglit habang sinenyas na may tumatawag. Na agad ko namang sinagot nang makalabas na ako.

"Oh!" Kunwari bored kong sagot.

"Hindi mo ako namimiss" sagot niya at alam kong nakapout na ang bruho dahil halata na sa boses nito.

"Hindi. Ka-miss miss ka ba?" Pinigilan ko ang tawa ko dahil alam kong konti na lang bad mood na ito.

"Tssk" pigil ang tawa ko kasi pikon ang bruho.

"Charot lang, Lalabs ko. Mimiss na kita." Pabebe kong saad at saka tumawa ng mahina.

"Hmp. Di kita bati. Niaaway mo ako." napahagalpak na lang ako ng tawa ng patayin niya ang tawag.

"Anyare sa'yo, ate Mina. May saltik ka ba ngayon?" Napalingon ako sa nagsalita at si Blythe pala iyon.

"May napagtripan lang na mokong." Sabay tawa ko ulit.

"Hala teh! Sino yan?" sabay yakap sa braso ko. Alam kong nanguna na naman ang pagiging chismosa ng isip batang kasama ko.

"Boyfriend ko."

"Weeeeeee?" hindi makapaniwalang saad nito sa naging turan ko. "May boyfriend ka???" Hindi makapaniwalang sambit niya.

"Dika naniniwala." Natatawang sagot ko saka kinuha ang phone at tinawagan ang bad mood na bruho.

"......" walang nagsalita sa kabilang linya kaya nag type ako ng message sa kanya.

To: "My handsome babe❤"

Kapag hindi ka nagsalita. Maghiwalay na tayo😒

Binigay ko agad ang phone kay Blythe. Napalaki ang mata at napanganga siyang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya na tumingin sa akin. Pagkatapos ng ilang minutong hawak nito ang phone ay binigay na niya sa akin at ako naman ang nakinig sa kanya.

"....gagalet ako sa'yo kase nipagtitripan mo ako. Hmmp. Bad ka talaga."

"Babye baby bubu." Tumawa ako saka pinatay ang tawag at tinignan si Blythe na bakas pa din sa itsura nito na hindi naniniwala sa narinig nito.

"Ano? Naniniwala ka na ba?"

"Bakit ganon ate Mina? Ang husky ng boses pero isip bata magsalita." Natawa ulit ako 'katulad mo, isip bata din'. Saad ko lang sa isip ko.

"May saltik kasi hindi nakainom ng gamot niya" pagbibiro ko.

"Pero alam mo ate, ang gwapo siguro ng jowa mo. Boses pa lang, ulam na." sabi niya na halata nang nag-iimagine sa isip niya.

"Sobra."

"Talaga....Kyaaaahhhh" tili niya ng marinig ang sinabi ko.

"Ano teh? Nakuha na ba ang bataan?" Namula ako ng sabihin niya yun sa akin.

"Kyaaahhh...nakuha na nga. Teh Malaki ba? Mahaba o mataba." Mas lalo akong namula ng sumagi sa isip ko ang nakita ko ilang buwan na ang nakakalipas.

"Kung anu-anong tinatanong mo, Blythe. Tara na nga sa loob at nang matapos na natin yung Narrative Report na ginagawa natin. Malapit na mag-alas diyes ng gabi eh. Baka hanapin ako ni Ate Antonnette. Nerbiyosa pa naman yun."

"Ayysus! Palusot mo ate Mina. Alam ko nasa isip mo. Iyong malasang hotdog na kulay brown na mahaba at mataba na may kasamang dalawang itlog na malala----"

"Blythe yang bibig mo." Pagpapatigil ko sa kanya dahil sobra na ang pamumula ng mukha ko. Humagikgik lang siya kaya hinila ko na siya sa loob kung saan kami gumagawa ng proyekto namin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos namin ang pang labinlimang narrative report namin. At doon na ako nagpaalam na mauuna ng umalis para umuwi na. Tinawagan ko naman agad ang ate Antonnette.

"Hello ate."

"Hello. Pauwi ka na ba?"

"Dederetso ako sa bahay ni Ken. Pwede ba ate?"

"Bakit?" Takang tanong nito.

"Pinagtripan ko ate kaya ayun sinumpong ng pagkaisip bata nito." sabay tawa ko.

"Sige pero mag-Ingat ka ha."

"Sige teh" pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag saka pumara ng taxi para pumuntang AV o kaya Adonis Village. Village ng mga Hunk na bachelors.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nito. Nagbayad agad ako saka lumabas ng sasakyan. Tinignan ang kabuuan ng bahay saka pumasok sa loob ng hindi nag-iingay. Ginamit ko ang duplicate key nabinigay nito sa akin ilang linggo na ang nakakaraan.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya ng makarinig ako ng nagmamaktol na boses. Parang batang inaway ng mga kapwa niya bata.

".....sabihin niyo sa nanay niyo. Diko siya bati. Nipagtitripan ako ng nanay niyo. Nipagtitripan niya ako. Apakabad niya. Tssk....." Natawa ako dahil kinakausap nito ang mga stuff toy niyang si Naruto na binili ko noong bagong taon. Binuksan ko ang pinto na siya namang kinalingon nito. Bumusangot agad ang mukha niya pagkakita sa akin at tumalikod sa gawi ko.

"Tampo ka baby Bubu ko." sabay yakap ko sa likod nya.

"Sorry na, baby bubu ko" sabay halik sa balikat nito. Panay ang sorry ko ng hilahin niya ako paharap sa kanya. Namula ako ng mapansin kong nakaupo ako sa mga hita at naramdaman ko na nakatayo 'iyon'.

"I like it when you kissed my shoulder many times. I'm hard as fuck and hor----" sinara ko ang bibig niya gamit ang kamay ko pero dinilaan niya iyon kaya napabitaw kaagad ako sa pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.

"Ang dugyot mo, Ken." Tumawa lang siya. Nawala na ang isip bata kaninang nakita ko at andito na ulit ang maharot na gwapong lalaki sa harap ko.

"Walang dugyot dun, Mina. Ang dugyot, pinapahid ang tae sa kung saan saan."

"Ahh Basta. Teka nga bat mo inaaway si Naruto ha. Nakita kita kaninang kaya wag ka ng magmaang maangan pa." Binaling ko sa iba ang usapan para di mapunta  sa kung ano ang gagawin namin. Nag pout lang ang bruho at alam kong bumalik na naman ang pagkaisip bata nito.

"Nipagtitripan mo ako kanina kaya niaaway ko din yang Anak natin. Ikaw kinakampihan niyan eh. Bad ka kasi. Bad hmmp."

"Sorry na nga kasi baby Bubu. Anong gagawin ko para dina ako maging bad sa'yo?"

"Kiss mo ko dito oh" sabay turo sa labi nito na nakanguso na. Pinitik ko yun kaya mas lalo siyang ngumuso na agad kong hinalikan ng smack. Gulat na gulat siya ng binasa ko iyon sa kanya kaya ng nakahuma siya sa pagkagulat ay hinalikan ko ulit siya. Yung plano kong smack lang ay lumalim ng hawakan niya ang panga ko at pinalalim ang halik na namamagitan sa amin. Hanggang sa may nagawa na naman kaming lovemaking ng isang beses dahil pagod ako sa ginawa naming projects. Naramdaman kong hinawi niya ang buhok ko at hinalikan sa noo.

"Sleep tight, gorgeous. I love you" huling narinig ko bago ako lamunin ng antok dahil sa pagod.

"I love you too, handsome".


____________________________________________to be continued.......

#ReynaNgKatamaranAngAuthor

El-mademoiselle❤

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon