Lumipas ang Pasko at Bagong taon na puro kasiyahan ang nadarama. Heto na siguro ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Unang Pasko at Bagong taon na nakasama ang taong mahalaga sa buhay ko. We have been happy since then at pati na din si Auntie. Kahit kami kami lang ang magkakasama ay masaya pa din ang pasko at Bagong taon.
Pero sabi nga nila, hindi lang puro saya dapat. Darating at darating ang pagsubok sa bawat araw para lang subukin ang tatag niyong dalawa sa pinasok niyong relasyon.
Kung nung nakaraang taon ay puro saya ngayon naman ay haharapin namin ang reyalidad. Reyalidad na hindi kami pwede sa isa't isa dahil guro ko siya at estudyante niya ako. Unang pasok ng taon kaya madaming estudyante na naman ang nagkalat sa paligid ng Akademya. Mayroong masayang nagkakamustahan at meron din namang tahimik lang sa isang tabi na nagmumuni muni.
At ako, heto lang ako mag-isang naglalakad habang tinitingnan ang paligid. Madami ang bumabati at tanging tango at simpleng pagngiti lang ang tugon ko sa kanila. Hanggang sa makarating ako classroom namin. Hawak ang bag ay pumunta na ako sa parati kong inuupuan na bandang gitna pero nasa gilid ito.
Paupo na sana ako ng marinig ko ang isang malakas na boses. At kilala ko na kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Walang iba kundi ang nagngangalang Blythe Vixien Tolentino. Panigurado kasama na naman nito ang nobyo niya na hinahayaan lang ang kaingayan nito. Sinulyapan ko sila sa pintuan at ayun nga tama ang hinala kong magkasama na naman sila.
"Ate Angel" sigaw nito pagkalingon sa akin at patakbong pumunta sa tabi ko. Muntik pa akong matumba ng bigla na lang ako nitong dambain ng yakap na akala mo hindi kami nagkita ng Ilang taon. Tahimik lang naman na nakasunod ang nobyo nitong si Jhezzer. Ginantihan ko na lang siya ng yakap at hinintay na umalis siya sa pagkakayakap sa akin.
"Na-miss kita, Ate Angel. Alam mo madami akong ikekuwento sa iyo kapag may vacant natin. Kyaaahhh excited na ako." sabi nito. Kunwari nasisiyahan ako pero ang totoo nahihirapan na ako dahil ang higpit ng yakap na niya sa akin.
"Na-miss din kita, Blythe?" Mahinang tawag ko.
"Pero pwede bang bumitaw ka na? Mahigpit na ang yakap mo eh hindi na ako makahinga." Agad naman itong bumitaw sa akin at nag peace sign. Narinig ko pa ang pagtawa ng nobyo nito sa likod ko. Kaya lumingon ako doon at sinamaan siya ng tingin. Napatigil siya sa pagtawa saka tumikhim at binaling ang tingin sa bintana.
"Ate sabay tayong magbreak mamaya ha. Treat ko." Saad niya sabay ngiti nito. Eksakto naman na dumating ang tres maria's na kapag nakarinig ng salitang libre ay agad silang pumapayag o nakikilibre kahit na hindi naman sila ang ililibre na sina Avery, Lhana at Rosaleen.
"Asan ang treat?" ani Lhana.
"Sama kami ha" saad naman ni Avery habang si Rosaleen ay pangiti ngiti lang na nakatingin sa amin.
"Huy! Mga babaita kayo. Si ate Angel ang inaaya ko at hindi kayo." Nakapamaywang siyang humarap sa tatlo na akala mo mas malaki siya sa kanila pero natawa na lang ako ng siya ang pinakamaliit sa kanila. Parang batang nanenermon sa mga ate nito.
"Blythe naman. Alam namin na marami rami ka ng ganito" sabay senyas nito sa kamay ng ganito '👌🏻'.
"Kaya piso lang sa'yo ang manlibre ng tatlo este apat na babae na nangangailangan ng makain." Nag-puppy eyes ang dalagang si Lhana na adik sa salitang libre.
"Saka napakaganda naman ng awra mo ngayon frenny. Bagong taon na bagong taon gumaganda ka pero yung height nevermind." Bulong nito sa huling sinabi no Avery.
"Anong huling sinabi mo?" Nakatass kilay nitong sabi. Peke siyang tumawa.
"Ang sabi ko blooming na blooming ka." Sinabay pa nitong kinurot ang baywang nito.
"Haysss Sige na nga. Ililibre ko na kayo." Pagpayag nito na kinasigaw ng tatlo. Eksakto naman na may narinig kaming ingay ng sapatos papasok sa classroom namin.
And there, we see a gorgeous lady in red. Nakasuot ito ng hapit na kulay pulang dress at pinaresan iyon ng itim na heels. Maputi at naka-bun ang buhok nitong kulay blonde habang may natirang ilan sa harap nito. Napatitig ako sa mukha nito. Paano nagkaroon ng diyosa sa Academy namin? Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya habang palapit sa teacher's table sa harapan.
Natauhan lang kami ng tumikhim ito at tumaas ang kilay nito habang isa isang tinignan ang paligid.
"Aren't you going to great me?" Nakataas pa din ang kilay nito. Napailing ako.
Ang suplada naman pala niya.
Dahil doon ay sabay sabay namin siyang binati ng magandang umaga.
"Before I discuss your lessons. I'll introduce myself. My name is Vianne Samonte, you can call me Ma'am Via. And I will be your new Proctor for a month dahil out of the country ang Prof. niyo sana ngayon and on february will be your internship. Naintindihan niyo ba ako?" sabay sabay naman kaming nag-yes sa kanya. Pagakatapos nun ay isa isa niyang tinawag ang pangalan namin para sa attendance namin ngayong araw.
"Castillo, Mina Angelique C." Tumaas ang kilay nito ng tumayo ako at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa at pataas ulit.
"So you're the girl he's been telling me about." Mahinang boses nito pero rinig iyon ng ilan kasama ako.
"Po, ma'am" takang tanong ko. Ang gulo gulo din pala ng proctor na to. Porket maganda akala mo kung sino na. Hayyss ba't ba ako naiinis?
Umiling ito. " Nothing. I just remembered something. Have a seat now?" Sagot nito at pinagpatuloy ang pagtatawag sa mga pangalan ng mga iba pang kaklase ko.
Tahimik na lang akong nakinig sa mga sinasabi nito hanggang sa lumipad ang isip ko ang nangyari kagabi. Ang pag-uusap namin na nauwi sa pag-away at hindi pagpansinan. At ako naman ito, naghihintay kung sino ang unang hihingi ng tawad. Pero I guess, pride ko na lang muna ang pairalin ko. Hindi ko kasi gusto ang sinabi nito na ipagsasabi niya sa lahat ang relasyon namin. At dahil doon ay nagalit ako at hindi ako pumayag sa gusto niya. Kahit na ganoon ay guro ko pa din siya. A teacher-student relationship is prohibited at mismong si Kuya Axelle ang nagsabi ang mga katagang iyon.
"Pabalikin niyo ngayon ang kaluluwa ng estudyanteng kanina pa tulala sa bintana." rinig ko pa ang pag-hum nito kaya napalingon ako sa taong nagsabi nun. Si Blythe na nakapikit pa habang nagsasalita ng kung anu-ano at nasa likod nito ang tatlong babaeng pigil ang tawa sa ginagawa niya. At si Jhezzer naman ay nakangiti lang na nakasulyap sa babaeng parang baliw na akala mo nag-oorasyon dahil sa ginagawa nito.
"Tapos ka na mag-orasyon, baby girl" sambit ko ng dumilat na siya at agad na napasimangot ng marinig ang mga sinabi ko.
"Baby girl mo mukha mo teh. Hmmp Nagkulang lang ako sa height pero dalaga na ako."
"Dalagang isip bata." bulong naman ng nobyo nito na ako lang ang nakarinig dahil nakasimangot pa rin ito. Natawa na lang ako. Isip bata nga talaga.
"Tara na nga, libre mo na ako etse kami pala." Saad ko at hinawakan ko na siya sa braso niya at agad na hinila palabas ng classroom.
_____________________________________________to be continued.......
A/N: sorry sa late UD. Reyna po talaga ako ng katamaran ahihihi charooot.
El-mademoiselle
![](https://img.wattpad.com/cover/195839216-288-k444985.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
Roman d'amourKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...