Chapter 3

3.1K 75 1
                                    



"Till now I always got by on my own
I never really cared until I met you
And now it chills me to the bone
How do I get you alone
How do I get you alone

How do I get you alone
How do I get you alone
Alone, alo---"

"Mina Angelique Castillo, yang boses mo." sigaw ni Ate Antonnette sa madamdaming kong pagkanta with matching pakulot kulot pa kapag hindi kinaya yung high pitch ng kanta. Napanguso na lang ako saka humarap sa kanya na nakapamewang na pala sa habang karga nito ang isa sa kambal.

"Ate naman, moment ko yun eh."

"Moment moment ka jan. Buti sana kung maganda yang pagbirit mo kaso hindi naman. Nag-iiyak kanina itong si Baby Ayella dahil sa lakas ng boses mo." sabat nito habang hinehele na ang kambal.

"Sarreh teh." sagot ko sabay peace sign with matching pa-cute sa kanya pero ang pinsang kong babaita ay inirapan lang ako ng 360 degrees. Luh! Paano niya ginawa iyon? Sana ol😂✌

"Maggagabi na, Mina. Tapusin mo na yang nilalabhan mo at may pasok ka pa bukas di ba?" Ngumiti ako saka tumango bago tinuloy ang pagkukoskos ko ng mga damit ng kambal.

Tatlong taon na ang nakalipas at parang kahapon lang nangyari ang lahat. At sa loob ng mga taong iyon ay madaming bagay ang nangyari sa buhay ko. Pagkatapos ng gabing iyon ay tumawag ang tiyahin ko para sabihin na nasa hospital ang tatay ko. Agaran akong umuwi sa bahay ng tiyahin ko para mag-impake ng damit at umuwi sa probinsiya para sa tatay.

Nanghina ang buong katawan at agad nag-unahang lumandas sa pisngi ko ang mga luha ng makita ang tatay na na nakaratay sa higaan. May mga bagay na nakakonekta sa katawan nito. Sinabi ng doktor na may sakit sa puso ang aking ama at ito ay ang pangalawang pag-atake ng sakit niya. Sinabi din nito na kapag mangyari pa ng isang beses ang pag-atake ng sakit niya ay magiging malala na dahil maaari na niya itong ikamatay.

Siya na lang ang nag-iisang pamilya ko. Namatay ang nanay ko nang ipinanganak ako sa hospital at sa araw din daw na iyon ay nagkaroon ng sunog sa hospital. Iniligtas ako ni tatay pero hindi ang katawan ng nanay. Kasama daw ang bangkay nito sa mga halos limampong namatay dala ng sunog.

Dahil lumala na noon ang lagay ng tatay ay nagsidatingan ang mga kamag-anak nito sa hospital at kinamusta siya. Doon ko rin nakilala si Ate Antonnette na pinsan ko at ng pamilya niya. Sila ang gumastos sa pambayad ng hospital at pinatira muna nila ako sa bahay nila dahil sa kalagayan ni tatay. Hindi na ako nakapag-attend ng graduation ceremony namin. Natigil ako ng pag-aaral ng dalawang taon at naging babysitter ako ng kambal ni Ate Antonnette. Sinuportahan ako ni Ate Antonnette sa pag-aaral ko at ngayon ang unang taon ko sa kolehiyo.

Tatlong taon na rin simula ng maganap ang pangyayaring iyon sa akin at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. That I met once a Greek god in my life. Hindi lang kami nagkita, may nangyari pa. Minsan naisip kong parehas kami ni Ate Antonnette na nagkaroon ng 'one night stand' dahil nalaman kong ganoon din ang nangyari sa kanya. Ang pinagkaiba lang ay nabuntis siya at ako ay hindi. Swerte ko na lang at hindi nangyari iyon sa akin kundi dadagdag na naman sa problema naming mag-ama. At sana lang hinding hindi niya malalaman na hindi na ako virgin kundi masasapok ako ng pinsan ko dahil sa katangahan kong iyon.

Maayos naman na ang lagay ni tatay pero pinaka-iingatan namin siya para hindi umatake ang sakit niya. Palaging sinasabihan na uminom ng gamot at huwag magpapagod. Salamat sa tiyahin ko na nalaman kong hindi ko pala totong tiyahin dahil kaibigan ito ng nanay noong mga kabataan nila. Dahil na rin palagi siyang tumutulong sa amin ng tatay. Pangako niya kasi sa nanay na tutulungan kami sa abot ng makakaya nito.

"Ibalik niyo dito ang katawan ng pinsan kong baliw at baka mas lalo lang siyang maging baliw." nabalik ako sa reyalidad ng parang ermitanyo ang ginagawa ng nasa harap ko. Sinisipat niya ako ng malunggay sa buong mukha ko.

"Ate naman. Moment ko ito panira ka eh."

"Aba't ako pa ang panira ngayon. Ang sabihin mo, nagde-day dream ka naman diyan na may prince charming kang darating. Jusko! Mga kabataan nga naman." tignan mo tong pinsan kong ito. Kung manermon parang nanay ko lang.

"Teh, Nanay ba kita. Nanay kita."

"Hindi pero pinsan mo ako at mas matanda ako sa'yo kaya umayos ka kundi isusumbong kita kay Uncle Mon." Napalunok ako sa sinabi niya.

"Teh naman. Joki joki ko lang iyon. Sumbungerang froglet." Bulong ko sa huli.

"Ano??"

"Wala teh. Sabi ko puntahan mo na yung kambal at baka gising na naman sila. Tatapusin ko na talaga ito para hindi ka na diyan panay sermon sa kagandahan ng pinsan mo." Saad ko sabay peace sign sa kanya. Pero jusme lang, inirapan ako ng pinsan kong babaita. Kaya't tinapos ko na ang paglalaba ng mga damit.

Pagkatapos ko sa trabaho ay naupo muna ako sa duyan para makapagpahinga saglit pero eksakto naman na tumunog ang cellphone ko na iniwan ko sa kusina ng bahay. Agad akong tumayo para sagutin iyon.

"Hello Auntie."

"Angel anak. Inatake na naman si Ramon. Kailangan mo na siyang makausap bago mahuli ang lahat. Andito ako sa ****** hospital. Bilisan mo ang pagpunta rito. Kailangan ka niya ngayon, anak." saad ng tiyahin ko.

"Sige po Auntie. Papunta na ako diyan." Pagkasabi ko noon ay binaba na nito ang tawag. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Ate para magpaalam papuntang hospital. Nadatnan ko siyang hinehele ang isa sa kambal. Agad naman niya akong pinayagan at sinabing susunod daw siya kasama ng pamilya niya.

Pagkadating ko doon ay nagtanong na ako sa information desk kung saan ang higaan ng tatay ko. Agad naman nitong sinabi kaya't diretso akong sumakay ng elevator para pumuntang Emergency room dahil andoon daw ang tatay ko. Naabutan ko ang tiyahin ko na balisang nakaupo sa waiting area. Panay ang lakad nito paroon at parito kaya't nagsalita ako ng makalapit ako sa kinaroroonan niya.

"Auntie" tawag ko dito at agad siyang lumingon. Niyakap niya ako.

"Sorry, anak. Dahil sa akin kaya siya inatake ulit. Nadala siguro ng emosyon kaya nagkaganun siya."

"Ano po bang nangyari?" tanong ko.

"Nagkaaminan eh." Namumula na nitong sagot. Napa'huh' ako ng hindi ko maintindihan hanggang sa maunawaan ko ang sinabi nito.

"Aunti----" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng ER saka lumabas doon ang doktor.

"Who's Mercedes Ramos?"

"Ako po." sagot ng tiyahin ko.

"He want to talk to you." Saad nito kaya pumasok na sa loob ang tiyahin ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ng lumabas ng silid ang tiyahin ko na hilam ang luha.

"Kakausapin ka ng tatay mo, anak. May sasabihin daw siyang importante sa'yo." sambit nito. Tinanguhan lang naman ako ng tiyahin ko bago ako pumasok sa loob. Nakita ko ang tatay na hirap na hirap sa kalagayan niya. Kung may mga bagay na nakakonekta noon sa kanya. Ngayon ay wala na. Agad akong napaiyak ng hirap na hirap siyang lingunin ako.

"Anak."

"Tay. Ano kasing nangyari? Kainis ka naman." Iyak kong saad pero mahina siyang natawa.

"Pasensiya na anak. Sa sobrang kasiyahan ko dahil kay Cedes ay inatake ako."

"Yan kasi. Huwag kasi masyadong emosyonal." natatawa habang umiiyak na sabi ko. Ilang minutong natahimik ang paligid at nakita kong mataman palang nakatitig sa akin ang tatay.

"Patawad anak." Basag niya sa katahimikan.

"Bakit tay? May problema ba. Bakit ka humihingi ng tawad ulit sa akin?" tanong ko dito.

"Naalala mo nung ikwento ko ang nangyari sa nanay mo."

"Opo."

"Na niligtas kita sa sunog. Mahal na mahal kita, anak kaya't noong nalaman ko noong limang taong gulang ka na......" Bumuntong hinga siya dahilan hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Ako naman ay naghihintay lang ng mga gusto niyang sasabihin. Alam kong nahihirapan na siya dahil sa sakit niya at parang mas lalo siyang nahihirapan ngayon.

"N-na hin--hindi kita tunay na anak."

________________________________________________

El-mademoiselle

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon