"Magiging maayos din ang lahat, Anak." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko at nakita ko ang tiyahin kong marahang tinapik tapik ang balikat ko. At dahil na rin doon ay nag-uunahang dumaloy ang mga luha sa mata ko. Agad naman niya akong niyakap.
Ngayon na kasi ang libing ni Tatay at sobra akong nasaktan sa mga salitang binanggit niya bago siya bawian ng buhay.
"N-na hin--hindi kita tunay na anak." napanganga ako dahil sa rebelasyong nalaman ko. All this time, akala ko siya ang totoong magulang ko but it turns out na hindi pala at ampon lang ako.
"Patawarin mo ako anak kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo. Ngayon nabunutan ako ng tinik dahil nasabi ko na sa'yo ang totoo." Pilit niya akong inaabot kaya ako ang lumapit at humawak sa kamay niya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi kong basa na dahil sa mga luha ko.
"Mapatawad mo sana ako. Tandaan mo anak na mahal na mahal kita kahit hindi ka nanggaling sa akin. Hindi ko na rin kaya. Salamat, anak." Huling salita niya bago nito unti-unting ipinikit ang mga mata nito kasabay nun ang pagbaba ng kamay niya sa pisngi ko.
"Pinapatawad na kita, tay. At kailanman ay hindi ako nagalit sa'yo dahil ramdam ko ang pagmamahal na binigay mo sa akin." Huling sambit ko bago inihulog ang bulaklak sa papalubog na kabaong ng tatay ko. I smiled. Nilingon ko ang paligid. Andun lahat ng kamag-anak ng tatay at bakas sa mga mukha nila ang lungkot at pakikiramay.
"Tayo na, Mina." ani Ate Antonnette. Tumango lang ako saka muling tumingin sa harap ko. Kalahating oras na kasi ang nakakalipas pero hindi pa din ako umaalis sa puntod ng tatay. Nakakapanibago lang. Parang nawala ang kalahati ng buhay ko. Ang tatay na tumanggap at nag-alaga sa akin buong buhay ko ay wala na. Ngayon mag-isa na ako. Magsisimula na naman ako sa simula.
Sino ang totoong magulang ko?
May kapatid kaya ako.
"Mina, tumayo ka na diyan. Madilim ang paligid at parang uulan. Halika na at baka maabutan pa tayo ng ulan." Aniya ulit habang hawak nito ang isa sa kambal.
"Sunod na ako ate. Sandali na lang to." Ngumiti ako na sumulyap sa puntod ng tatay bago tumalikod na para lumakad papunta kina Ate Antonnette na nasa sasakyan na. Ako na lang pala ang hinihintay ng lahat.
****************
"Ate, tara na. Paki-bilis" panay ang sigaw ko kay ate Antonnette sa taas dahil kanina pa siya nandoon.
"Bilisan mo, ate. Yung kambal nasa labas. Hindi halatang excited sa pagmo-mall eh" sigaw ko ulit na halata na ang pagkainis ko dahil na rin sa pangungulit ng kambal sa akin.
"Sandali na lang ito" sigaw naman niya pabalik at ilang minuto lang ay bumababa na ng hagdan si Ate. Naabutan niya tuloy akong nakasimangot.
"May problema ka ba at ganyan ang itsura mo" sambit nitong natatawa sa naabutan niyang itsura ko kaya lalo tuloy akong napasimangot. Haysss ang kukulit kasi ng kambal, masyadong excited sa pamamasyal.
"Hayysss. Tara na. Bayaan mo na lang Mina yung kambal. Medyo matagal na rin nung huling pasyal nila sa mall eh." Saad nito saka sabay kaming naglakad palabas ng apartment.
No choice ang lola niyo dahil nga mga bata iyon.
Ang bilis ng panahon, dalawang taon na naman ang nakalipas. At sa loob ng mga taong iyon ay apartment at school lang inaatupag ko. Naging irregular student pa ako dahil last year ay lumipat sa siyudad si Ate Antonnette sa isang private school kaya napilitan din akong lumipat dahil si ate Antonnette ang nagpapaaral sa akin kapalit ng pagiging katulong at baby sitter ng kambal. Although hindi lahat ng trabaho ay ginagawa ko dahil tinutulungan niya ako. Nagrereklamo na nga ako pero amg dahilan niya ay tinuring na daw niya akong nakakababatang kapatid. Nahihiya na kasi ako dahil alam kong hindi ko siya tunay na pinsan dahil ampon lang ako ni tatay.
Panay ang paglilibot ng kambal at kung anu-ano ang pinapabili sa ina nila. Ako naman, palagi lang nakasunod sa kanila. Nagpaalam lang ako saglit para umihi pero natagalan ako dahil sa dami ng tao. Natagalan tuloy akong nakabalik sa puwesto namin kanina pero ang sabi ni Ate Antonnette ay nasa isang fastfood na sila kaya doon na ako tumuloy.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot pa kami at nagpaalam lang saglit so Ate Antonnette para ihatid ang mga pinamili sa sasakyan na nirentahan. Tumango na lang ako at hinawakan sa kamay ang kambal.
"Gusto niyong maglakad lakad muna?" tanong ko sa kambal at agad na nangningning ang mata ng dalawa saka tumango. Hindi masyadong excited eh noh.
"Tita, gusto ko ng ice cream" ani Ayla or Ayella, ah basta isa sa kanila.
"Ice cream eh di ba kakakain lang natin. Hindi ka pa nabusog kanina hmm."
"Eh parang masarap iyon oh. Natatakam ako, diba Ave." baling nito sa kakambal. "Gusto mo din ng ice cream?" tanong nito sa kakambal. Tumango lang ang kakambal nito na ikinangiti naman ng isa. Hayys ang hirap talaga kabisaduhin kung sino si Ayla at kung sino si Ayella sa kanila. Magkamukhang magkamukha kasi. Walang mintis ang pagkakaparehas.
"Sige na nga pero sandali lang tayo. Saka malapit lang tayo dito para makita agad tayo ng mama niyo ha." Sagot ko sa dalawa kaya agad naman akong hinila ni Ayella sa ice cream shop na malapit. Abala sa pagpili ng flavor sa ice cream si Ayella ng mapansin kong hindi ko hawak ang kamay ni Ayla. Kinabahan ako ng sobra ng hindi ko siya makita sa paligid.
"Si Ave, tita. Asan na siya?" napalingon ako ng tapos na palang nakabili si Ayella at nasa tabi ko na siya.
"Hindi ko alam, Ayella. Kasama lang natin siya kanina pero ngayon hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Kailangan malaman ni ate ito." Halata na boses ko ang pagkabalisa. Gusto ko ng maiyak dahil hindi ko talaga siya makita sa paligid. Sinabayan pang iyak ni Ayella kaya niyakap ko siya para aluin.
"Anong nangyari? Asan si Ayla?" pagbungad agad ni Ate.
"A-ate, nawawala si Ayla. Naglalakad lang kami malapit dito pero napansin ko na lang na hindi na namin siya kasamang naglalakad. Ate sorry talaga. Hindi ko siya nabantayan. Sorry sorry." Panay ang hingi ng paumanhin ko at paluha na rin ako.
"Kalma ka muna okay. Wala kang kasalanan dito." pagpapakalma niya sa akin kaya't kumalma ako ng kaunti pero naiiyak pa rin talaga ako.
"Kailangan natin siyang hanapin ngayon. Maghiwalay tayo para madali natin siya ng mahanap. Pumunta ka muna sa main office dito para sabihin sa kanilang nawawala ang anak ko." Utos niya sa akin na halata na rin ang pag-aalala dahil sa boses nito.
"Sige ate" sagot ko kahit na kinakabahan na talaga ako sa nangyari. Kung meron talagang masamang mangyari sa kambal hindi ko mapapatawad ang sarili ko kahit na sinabi ni Ate Antonnette na wala akong kasalanan. Pagbalik baliktarin man ang nangyari ako ang may kasalanan niyon. Naglakad na ako sa information desk para magtanong kung nasaan ang main office ng mall. Habang papunta doon ay palinga linga ako baka sakaling makita ko siya.
Pagkadating ko sa lost and found office ay napanganga ako sa nakita ko.
This can't be!
The man I met five years ago is now near me. Same body built, gesture and mannerisms. Sa lahat ng pwedeng titigan ay yung labi pa niya ang tinitigan ko. Those sinful lips who ravished mine five years ago. Walang kyemeng napahawak ako sa labi ko.
Jusme! Akala ko hindi na kami magkikita ng taong ito. Nagiging malandi na naman ang katawan ko dahil sa greek god na ito. Pinalis ko sa isipan ang mga kahalayang bumabalik sa isip ko saka ako umiling iling para mabura talaga. 'Parang mabubura naman e.' Pilosopong sambit ng isip ko. 'Manahimik ka' angil ko dito. Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko.
Akma na sana akong maglalakad pabalik ng maalala ko ang isa sa kambal na nawawala. I shake my head. 'Baka hindi din ako maaalala nito' aniya ko sa isip bago maglakad palapit doon. Yung dating normal na pagtibok ng puso ko ay parang nagkakarerahan na ang mga kabayo dahil sa bilis nito. Pinilit ko na lang ang ngumiti na nauwi din sa pagngiwi dahil kinakabahan talaga ako. Napaatras ako nang bigla siyang pumihit ng tingin sa gawi ko. Bigla ay naging triple ang bilis nito?
Hinawakan ko ang dibdib sa bandang puso ko.
Ano na? Heart. What's happening to you?
"You"
____________________________________________ Please hit the ⭐ button. Kamsa😘😘
El-mademoiselle
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...
