"Tita Ganda." sigaw ng mga matinis na boses. Nilingon ko ito. I saw three kids running towards me. Noong una hindi ko nakilala ang mga bata pero nung malapit na sila ay ngumiti ako.
Ang lawak lawak kasi ng pagkakangiti nila lalo na ang kambal nilang babae.
"Hello Midnight." sambit ko sa kanya saka hinalikan sa pisngi. Siya kasi ang unang yumakap sa akin.
"Hello Dawn." hinalikan ko din ito.
"And hello there Sunshine." pinugpog ko ito ng halik. Siya kasi ang nahuling yumakap sa akin dahil nahuli din siyang tumakbo.
"Asan Amiel, Tita Ganda?" tanong ni Midnight sa akin na panay ang lingon sa likod ko. "Lalaro kami." dagdag pa niya. Natawa ako saka ginulo ang buhok niya.
"Hindi pa naglalakad si Amiel, Midnight kasi baby pa siya." sagot ko naman.
"Halla. Baby din naman kami tita ganda." sabat ni Sunshine.
"Oo nga tita ganda. Yun kasi tawag sa'min ni Mommy at Daddy namin." dagdag ni Dawn na nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
"Alam ko naman. Pero si Amiel kasi mas bata sa inyo kaya ganun." paliwanag ko sa kanila.
"Ahh ganun ba yun." ani Dawn na nag-iisip pa.
"Edi hihintayin na lang namin siyang lumaki. Diba Kuya Midnight at Kuya Dawn." ani Sunshine saka nilingon nito ang dalawang kapatid niya.
Magkasabay na tumango naman ang mga kapatid niya. Eksakto namang sumunod ang nakakatandang kapatid nilang kambal na si Ayla at Ayella na malapit ng magdalaga kasama ang ina nilang si ate Antonnette.
Binati ako ng kambal saka sinabihan silang akayin ang triplets na pumasok sa loob para samahan si Troy dahil si Amiel ay pinapaliguan ni Ate Zia. Actually ako talaga ang nagpapaligo kanina pero siya na lang daw muna dahil may bisita ako.
Hinintay ko muna silang nakapasok bago hinarap si Ate Antonnette na nginitian lang ako.
"Pagpasensyahan mo na sila ha." hinging paumanhin niya.
"Mas makulit pa pala sila kaysa sa kambal noon 'te."
"Sobra. Kailan mo balak bumisita sa probinsya? Si nanay tagal ka na niyang hinahanap. Si Antie Cedes ganun din Miss na miss ka na daw niya."
"Malapit na ate. Hahanap pa ako ng tiyempo." sagot ko naman.
"Nakakatampo ka. Wala ka noong kasal ko. Ikaw sana ang maid of honor ko eh." sagot niya na kinahagikgik ko dahil ngumuso ito na parang pato.
"Babawi ako ate." saad ko saka tumawa. "Pero sa ngayon, Si Amiel muna pagkakaabalahan ko saka yung ama niya." Speaking of Ken, wala pa akong natanggap na text o tawag man lang niya simula kahapon dahil andito pa rin kami sa mansion ng kuya ko. Hindi kasi pumayag si Kuya na titira kami sa bahay ni Ken hanggat hindi pa kami kinakasal.
"Saka ate pwede pa kayang kunin ang diploma kahit hindi umattend ng grauation at naglakad sa stage." tanong ko pero tinampal ako ng babaita.
"Oo naman. Eh tapos mo naman na lahat ng requirements mo noon diba including Internship mo edi pwedeng pwede. Saka Graduation na lang naman ang inaantay mo noon diba." tumango lang ako.
"May balak ka bang magturo kung hindi ka na busy sa buhay? I will Axelle to get your Diploma."
"Salamat ate pero Pinag-iisipan ko pa lang. Parang nakakahiya din kasi na umaasa lang ako sa kanila. Kay Mama at Papa, Kay Kuya saka kay Ken. Gusto ko din sana yung may pinaghihirapan akong pera para kay Amiel."
![](https://img.wattpad.com/cover/195839216-288-k444985.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...