Chapter 27

1.9K 58 4
                                        

"Hey, Levy. Your spacing out again." Napakurap ako ng marinig ang boses ng kakambal ko habang mahina ako nitong tinapik.

"Huh!" Tanging nasabi ko.

"Nasa loob na si Kuya karga karga si Amiel. Baka gusto mo nang sumunod sa loob." Aniya.

"Ahh. Sorry Hervy." Hinging paumanhin ko sa kanya. Pero inilingan lang ako nito saka ngumiti.

"Lutang ka na naman, Levy. Kailangan mo atang magbakasyon paminsan minsan. Palagi ka na lang wala sa sarili kasi." Ako naman itong umiling sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng bakasyon Hervy. Madami akong ginagawa sa buhay kaya wala pa sa isip ko yan." Bumuntong hininga ako. "Pero mukhang ikaw ang mas may kailangan ng bakasyon ngayon eh. Kasi alam kong stress na stress ka na dahil magkakasunod sunod ang nagpapagawa ng gown sa'yo lately." Lumukot lang ang noo nito. Siya kasi ang gumawa sa gown ng asawa ni Kuya Trojan at sa Asawa ni Kuya Ace. At marami pang sumunod.

My twin sister is a designer. Isa siyang sikat na wedding gown designer at kilala siya bilang Miss Elle. Ang pinakasikat na designer international. Pero iilan lang ang nakakakilala sa totoong itsura nito dahil hindi siya mahilig makipag-sosyalan dahil lumaki siya sa poder ng estrikto naming kuya Trojan.

Ayon sa kwento niya sa akin. Home-schooled siya simula pagkabata hanggang high school siya. Kaya nang magkolehiyo siya sa abroad ay sumama ang magulang namin para suportahan siya kaya't naiwan ang kuya doon sa pinas. Kaya ito nagpaiwan ay dahil pinapahanap na pala ako na kapatid niya.

"I think your right my twin. Kailangan ko nga ng bakasyon." Nakangiti pa itong yumakap sa braso ko. "But...." Napabitaw siya sa pagkakakapit sa akin at napahawak sa baba nito na akmang nag-iisip.

"Ah ha!" Nagulat ako dahil sa biglang napalakas ang pagsasalita niya.

"Namimiss ko na ang Pilipinas. Doon kaya ako magbabakasyon hmm."

"Sige lang. Kung yan ang gusto mo." Bigla ay parang gusto ko na din bumalik sa pilipinas.

"Pero nagdadalawang isip ako." ngumuso pa ito.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya na nagtataka.

"Eh kasi ng----"

"Aren't you two going inside?" Hindi na natapos ang sasabihin nito nang magsalita ang ama namin na nakatunghay pala sa amin mula aa pinto.

"Dad/Papa." Sabay naming sambit ng kakambal ko.

"Susunod na kami Papa." Sagot ko saka ngumiti.

"Dad naman. Nag-uusap pa kami ni Levy. Kaya tsupi ka muna ha. Babay Daddeeh." Sambit ni Hervy na kumaway pa talaga kaya napahagikgik ako at mahina naman na natawa ang ama namin.

"Okay take your time, my beautiful twin daughters." Saka tipid kaming nginitiang dalawa ng kakambal ko.

"Parehas na parehas talaga sila ni Kuya tsk." Natawa ako sa sinabi ng katabi ko.

"Like father, like son ika nga nila." Sagot ko naman.

"Hays buti na lang hindi nagmana si Amiel sa lolo at tito nito. Buti na lang nagmana ito sa ama niya." Napasinghap ako sa huling sinabi nito. Base sa mga sinabi nito ay mukhang kilalang kilala niya ang ama ni Amiel. Tiningnan ko siya ng nay pagtataka.

"Geez Levy. Para namang kriminal na ako dahil sa tingin mo. Of course, I know all the friends of Kuya. Baka gusto mo isa-isahin ko pa sila." hindi pa din ako nagsalita. "May CEO slash May-ari ng Academy, May Engineer slash CEO at may-ari ng Malls, may Agent slash CEO at may-ari ng TV Broadcasting, may Actor slash nerd na Secretary, Mayroon pang isang CEO at may-ari ng Hospitals and last but not the least may kaibigan ang kuya na apo ata ni Albert Einstein dahil sa dami ng imbensyon nito slash CEO. At isa pa----" tinakpan ko na ang bibig nito. Ang daldal talaga ng kakambal ko kahit kailan. Mas grabe pa pala siya kaysa sa akin.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon