"Good morning, anak. Kumusta ang tulog mo?" bungad kaagad sa akin ng tiyahin pagkababa ko palang ng hagdan. Pasado alas syete ng umaga ng magising at nag-ayos muna kaagad ako ng sarili bago tumungong kusina para mag-umagahan. Gutom na gutom na rin kasi ako dahil sa sobrang pagod ng pamamasyal ko kahapon ay na-dead bat ako pagdating ng bahay. Nakalimutan ko na tuloy ang kumain.
"Okay lang po, Antie. Saka gutom na ako dahil hindi ako kumain kagabi." Sagot ko na patingin tingin sa paligid. Hinanap kung meron ang lalaki sa loob ng bahay but it turns out na wala siya.
"Oh siya. Ipaghahanda kita ng umagahan mo. Kung hinahanap mo ang nobyo mo nasa basketball court siya. Pumunta kasi dito si Angelo, hinahanap ka ata pero nobyo mo ang nakausap niya." Aniya. Napatango tango na lang ako. Nagsimula na akong kumain ng nilapag niya sa harapan ko ang mga pagkain.
"Mamili ka na lang kung anong ulam ang gusto mo. Luto lahat iyan ni Ken kaya damihan mo ang kakainin mo. Oh sige, maiwan na muna kita at magwawalis pa ako sa likod ng bahay." Paalam nito bago lumabas ng bahay at ako naman ay nagsimula ng kumain. In fairness pala, masarap ang mga pagkaing niluto niya. Ang alam ko walang alam na trabaho sa loob ng bahay pero mayroon naman pala.
After ko kumain ay inayos ko muna ang pinagkainan ko bago umakyat sa silid ko para makapagbihis ng maayos at kailangan kong pumunta kung nasaan ang lalaking iyon. Mahirap na baka mapagkamalang artista, sa gwapo ba naman ng lalaking iyon. Tinali ko ang buhok ko pataas at nagsout lang ako ng T-shirt at short saka nag tsinelas.
Nagpaalan muna ako sa bahay bago lumabas at nagtungong basketball court. Hindi pa ako nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang ingay sa court at nang matanaw ko na sila ay halos panawan ako ng ulirat. Paano ba naman kasi? Masyado niyang binabalandra ang katawan sa madla. Nairita ako ng mas lalo akong makalapit doon. Nakita ko kasi kung paano siya pagnasahan ng mga babae sa paligid. Bwisit na lalaki ito oh. Pati ba naman dito, dinala ang pagka-playboy niya.
Eksaktong nasa bleacher na ako ay nag-times up muna sila at agad akong kinawayan ni Angelo nang makita akong paupo na. Kinawayan ko naman siya pabalik pero napunta ang atensiyon ko sa katabi nitong nakakunot lang ang noo habang nakatitig sa akin. Problema nito? Inirapan ko lang siya. Juskoo! Nakaka-distract yung abs niya. Kalama self.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Angelo."Good morning, Angelique. Kamusta sa Manila?" Bati nito sa akin na nakangiti. Hanggang ngayon palangiti pa rin pala siya. Siya si Angelo Bustamante. Kababata at kaibigan ko dito sa probinsiya.
"Morning din, Gelo. Maayos naman ako sa Manila. Ilang months na lang ga-graduate na ako. Ikaw ba?" Ani ko saka ngumiti sa kanya.
"Mukhang nauuhaw ka. Eto oh may dala akong bottled water." Sabay abot ko sa kanya ng mineral water na hawak ko na para sana sa nobyo ko 'kuno' pero naiinis ako sa kanya kaya ibibigay ko na lang kay Gelo.
"Salamat, Angelique." Kukunin na niya sana ang bottled water ng may umagaw nun sa akin. Pagtingin ko, iniinom na ni Ken ang hinablot nitong bottled water hanggang sa masaid ang laman nito. Jeske nemen lerd.
Napatitig lang ako kung paano nito nilagok ang tubig at habang nakatitig ako doon ay parang nag-slow mo kung paano bumaba sa katawan nito ang tubig pababa sa abs nito at pababa pa. Jusko lord. Sana ako na lang yung tubig."Done eye raping me, baby." Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita ang lalaki. Tumingin ako sa mukha niya at ang mokong ang laki ng ngisi sa labi. Napansin ko naman na nagkamot sa ulo si Angelo.
"Mauuna na ko, Angelique. Tinatawag na ako eh." Paalam nito at tumango na lang ako bago siya lumakad pabalik sa mga kagrupo niya. Nakarinig naman ako ng tikhim.
"May gusto ka ba sa totoy na iyon." Halata sa boses nito ang inis. "I'm done pretending. So please, stop torturing me." Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Sagot ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/195839216-288-k444985.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomantizmKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...