Chapter 23

1.5K 40 1
                                    

I sighed. Ilang tawag na ba ang ginawa ko pero halos iisa lang sinasabi. Hindi ko matawagan ang phone ni Ken. Siguro nakapatay ito dahil ayaw nitong may istorbo sa meeting niya.

Alam kong may meeting siya kahit na lagpas na sa oras ng pagtatrabaho ng karaniwang empleyado. Hindi na ako magtataka dahil siya ang boss at may-ari.

Kanina pa ako dito sa labas ng bahay niya. Hindi ko naman mabuksan dahil naiwan ko ang duplicate key na binigay nito sa akin noon. Pagkatapos kasi kaming batiin ng mga critic teachers namin ay kanya kanya na kaming umuwi para magpahinga at magcelebrate naman yung iba.

Goddess invited me to celebrate but I insist not to go. Sinabi kong may gagawin ako saka pinakita ang dala kong cake. Nalaman na nila agad dahil nginitian na lang niya ako. Halos lahat sila kilala ang boyfriend ko. Sino ba naman kasi ang hindi nakakaalam dahil mayroon kaming mahilig magchika na sina Blythe at Cree.

Nagpaalam na lang sila sa akin bago ako dumiretso dito pero wala pa pala akong madadatnan na tao. Wala rin ang mga kasambahay na linggo linggo pumupunta sa bahay nito para maglinis.

Hindi naman kasi ito talaga ang bahay niya. Sinabi niya lang sa akin na simula ng humiwalay siya ng bahay sa magulang niya ay hindi na ito humingi ng pera. Instead, ginamit niya iyong naipon niya simula college siya.

Who would have thought na may ganun siyang ugali? Hindi mo talaga aakalain dahil ako din nung una ay hindi naniniwala sa kanya. Inabot pa kami ng ilang oras sa mahabang paliwanag nito para lang maniwala ako sa kanya.

Napatawa na lang ako.

Saka nilabas ang phone ko para malibang muna saglit pero pagbukas ko pa lang ay bumungad sa akin ang isang MMS kaya't agad ko iyong binuksan.

Napasinghap ako nang bumungad sa akin ang litrato ng isang babae at lalaki na naghahalikan. Nakaupo pa ito sa hita niya na parang walang pakialam sa paligid.

Agad kong pinunasan ang ilang butil ng luha na lumabas sa mga mata. Hindi ako iiyak. Hinding-hindi.

Kumurap kurap ako para hindi matuloy. Hanggang sa  abutin ako ng ilang minutong pagpigil.

I love him and I should also trust him.

Naglakad lakad muna ako sa loob ng subdivision hanggang sa makakita ako ng parke kaya't naupo muna ako sa swing. Mayroon din pa lang parke dito. Akala ko kasi walang ganito at puro malalaking bahay o mansion lang ang meron dito. Pero akala ko lang pala iyon.

Meron din pa lang mga lugar na pwedeng pasyalan. Tumingin ako sa mga ulap. Mabuti pa ang panahon napaka-kalmado lang.

"A penny for you thoughts." napalingon agad ako sa nagsalita.

"Ikaw pala yan, Ice. Hindi kita napansin." Tipid lang itong ngumiti saka may iniabot itong panyo sa akin.

"Anong gagawin ko jan?" Takang tanong ko.

"I just want to give you. Mukha kasing paiyak ka na saka ang lalim ng iniisip mo." Mahina akong natawa.

"Masyado na bang halata."

"Sort of." Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin.

"Mina."

"Hmm."

"We're friends, right." lumingon ako sa kanya ng nagtataka.

"Oo naman."

"Then you can tell me what your problem right now. Maybe I might give you advice." Napangisi ako at natawa.

"Sa itsura mong yan na napakaseryoso." napakamot na lang ito sa ulo niya.

"Subukan ko lang naman." Hindi pa rin nito tinitigilan ang pagkamot sa ulo nito.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon