Chapter 34

2.3K 61 5
                                        

"San Dada 'Mii?" tanong agad sa akin ni Amiel pagkabuhat ko sa kanya. Dahil galing pa akong Academy para kunin ang diploma ko. And I succeed to get it. Madami akong nakausap na professor ko doon at naikuwento nilang nanghihinayang daw sila dahil wala ako noon sa mismong graduation ceremony. Humingi na lang ako ng pasensiya saka nakipagkuwentuhan lang saglit bago nagpaalam na aalis na.

"Dada is in work, Amiel." sagot ko na lang kaya tumango tango na lang ito na parang naintindihan niya ang sinabi ko. Hindi na kasi nito naaasikaso si Amiel dahil nagpaalam itong magiging busy siya dahil sa bagong branch na naman ng Mall na ipapatayo nito. Minsan nakakalula na ang dami ng malls na pinapatayo nito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mahigit singkwenta na ang branch ng mall niya kasali na doo pati ilang branch sa ibang bansa.

Sinabayan ko na lang muna siya sa paglalaro nito habang hinihintay na maluto ang tanghalian namin. Ako na sana ang magluluto pero pinagsabihan lang ako ng kasambahay na sila na lang daw at ako ang mag-aalaga kay Amiel. Wala kasi ang kakambal ko. Bumalik sa ibang bansa. Nagpaalam sa akin nung isang araw na may urgent client daw siya doon at she needs the gown as soon as possible. Kaya ang agad naman itong nagbook ng flight.

Kami kami lang tuloy ang naiwan dito dahil busy din naman si Kuya sa business nito samantalang magtuturo si Ate Zia at si Troy naman ay nag-aaral na ng High School. Accelerated ito dahil sa katalinuhan niya.

Ilang minuto lang ay tinawag na kami para kumain. Binuhat ko kaagad si Amiel saka kami naglakad papuntang dining area. Nakangit naman kaming sinalubong ng mga katulong bago yumuko at umalis para gawin pa ang iba nilang gawain sa mansion. Gusto ko sanang samahan nila kami pero nauna naman na silang nagpaalam na umalis. Ang naiwan na lang sa tabi namin ay ang mayor doma at babysitter ni Amiel kaya sila na lang ang tinawag ko para samahan kaming magtanghalian ng anak ko. Ngumiti lang sila at nagpasalamat saka umupo na. Akala ko pahirapan pang aluking sila pero hindi naman pala.

Ilang minuto din ay natapos na kami sa pagkain at agad akong sinalinan ng juice ang mayordoma habang pinupunasan ang nagkalat na pagkain sa labi ni Amiel. Pagkatapos nun ay uminom na ako ng tubig para hindi ako mabulunan sa kinain ko.

Nakaramdam ako ng hilo nang bubuhatin ko na sana si Amiel kaya inalalayam nila ako. Tinawag ko ang babysitter.

"Ikaw na muna magbuhat kay Amiel ha. Bigla akong nahilo." sapo ko ang ulo ko na parang gusto kong matulog dahil bsa nararamdaman kong hilo.

"Take care for a while for Ami----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang akong matumba at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

NAGISING na lang ako dahil sa ingay ng paligid. "Sshh Don't make some noise. She might wake up."

"Okay. Maisie check mo nga kung okay na siya."

"She's beautiful, Zia. Galing mo talaga. mag-ayos." narinig ko ang hagikgik ni Ate Zia.

"Tara na. Alis na tayo dito baka kasi magising na siya. Maabutan pa niya tayo dito."

"We'll check if everything is ready." narinig ko ang pagbukas sara ng pinto pagkatapos nun ay tahimik na ang buong paligid kaya dinilat ko na ang mata ko. Nakaramdam pa ako ng kaunting hilo bago ko nakita ang kabuuan ng silid.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyong narinig ko o totoi iyon napakatahimik na kasi ng paligid.

The room is filled with a light blue and white theme. Masasabi ko lang na masyado itong magara para sa akin.

Anong lugar ito?

Hindi naman ito isa sa guest room ng mansion ni Kuya dahil halos dark colors ang nasa mansion nito.

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon