Chapter 1

4.6K 105 0
                                    

"Truth or dare" jusme! Ayoko mag-truth baka mabuking pa ako. Kapag dare naman mapapahirapan ako.

"Uy! Ano na, Mina." Untag sa akin ni Gemini na halatang lasing na.  Ako din naman ay may tama na pero aware naman ako sa nangyayari sa paligid ko. Nasa isang bar pa naman kami kaya kinakabahan ako kasi high school student pa lang kami ng mga babaitang ito. Well, Senior High School to be exact kaya hindi na kami underage saka hindi naman halata dahil hindi kami naka-school uniform. Dahil na rin sa kanya kaya napadpad kami sa lugar na ito.
Hayys! Galawang mayaman talaga oh.
Mga pa-sosyal ang gusto.

"Oh siya. Dare ang napili ko" sagot ko.

Ngumiti siya saka tumingin sa paligid. Karamihan ang andito ay mga taong may kaya sa buhay. Malalaswa nga lang yung iba dahil karamihan ay nag-me-make out na o kaya naman ay nagse-sex na.

Jusme! Yung birhen kong mata at tenga. Waaahh

"Ahaa!" Medyo malakas na saad niya na parang nagkaroon pa ng pag-bukas ng ilaw sa taas ng ulo niya.

"I dare you to kiss the most gorgeous guy you see in this bar" saad niyang nagtaas baba pa ng kilay niya. Na sinamahan pa ng sigaw nina Courtney at Lhianna na mga sosyalera din. Jusme! Pinagtutulungan na ako ng mga babaita.

Halaa!! What to do?

Tinignan ko ang paligid. Medyo madilim ang paligid at maraming nagsasayaw sa dance floor na gaya ng sinabi ko kanina ay nagme-make out na yung iba.

"Eh ang hirap naman. Pwedeng iba na lang ipagawa niyo." Reklamo ko ng wala akong makitang matinong lalaki sa paligid. Halatang mga manyak ang mga lalaking andito ngayon.

"Walang bawian. Sports tayong lahat diba Courtney, Lhianna." Palipat lipat pa ang tingin niya sa dalawa pa naming kasama na halatang mga lasing na rin dahil patango-tango na lang sila.

"Yesh/of course" magkasabay pang saad ng dalawa. Napasimangot ako kaya natawa si Gemini saka tinawag ang waiter para kumuha pa ng ilang shots ng wine.

Pagkabigay ng waiter nun ay napansin ko pa ang pagngisi niya pero pinagsawalang bahala ko na lang dahil baka guni-guni ko lang naman.

"Ohh Mina. Pampalakas ng loob." Sabay abot niya sa akin ng isang baso.

"Wala naman akong matipuhan." Sagot kong tumitingin sa paligid habang sumisimsim ng wine.

"Spread your eyes, Mina Baby." Pagkasabi niyang sabihin iyon ay tumigil ang tingin ko sa likod ng nakaupong lalaking umiinom sa medyo madilim na bahagi ng bar  kasama nito ang isa pang lalaking mukhang lasing na at base sa galaw nito ay mukha itong broken hearted dahil panay ang lagok nito ng alak habang umiiyak. Seriously! Isang lalaki ay umiiyak. Pero bumalik ang tingin ko sa lalaking prente lang na nakaupo habang may sinasabi sa kasama. Parang nag-slow motion ang paligid. Cliche di ba. Pero iyon talaga ang nangyayari ngayon. The way he moves his body hanggang sa mannerism nitong  hagudin ang buhok nito at ang paggalaw ng kanyang mga labi na mukhang ang sarap halikan. And with that I feel hot. Jusme! Kaka-debu ko pa lang apat na buwan na ang nakakalipas pero para na akong malandi dahil pinagnanasahan ko na ng matindi ang lalaking ito.

Shooocckks! What's happening?

"Weird. I'm feeling hot. But anyway, Mina. May nakita ka na ba?" Untag niya sa akin pero nasa lalaki pa rin ang tingin ko.

"Kyaaahh. Mina baby. I think meron na. Kanina ka pa nakatitig sa lalaking iyon. Likod pa lang, ulam na. What's more kung humarap na siya." Saad niyang parang kiti kiti kung tumili.

"I give you 10 Minutes, Mina baby. Remember, sports tayong lahat." Paalala niya.

"Oo na" sambit ko at akmang tumayo na nung bigla akong mahilo ng kaunti kaya napahawak ako sa mesa. Naramdaman ko pang umiinit ang pakiramdam ko. Ganito ba kapag lasing?

Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon