"Ate, hindi naman halatang miss mo na siya no." Sambit ko kay Ate Antonnette dahil parang nasa ibang dimension na naman ang takbo ng isip. Napalingon siya sa akin.
"Huh!" tanging sambit niya.
"Sabi ko na eh." Nakangisi kong sabi sabay tingin ng nakakaloko sa kanya. Paano ba naman kasi, masyado na siyang halata na inlababu kay Kuya Axelle. Namula tuloy siya ng makita ang tinging pinupukol ko sa kanya. Siguro, naintindihan niya rin ang ibig kong sabihin.
"Tumigil ka, Mina baka hindi ko napapansin yung Ken na yun na kaibigan ni Xavier. Ano mo siya ha?" Siya naman ngayon ang napangisi sa sinabi niya.
Eh paano ba naman kasi, simula nang araw na nakita ko siya sa comfort room ay talagang iniwasan ko siya pero ang mokong makulit pa sa bata kung umasta. Everytime na tapos na ang klase namin sa kanya ay inaabangan niya ako sa labas ng room o kaya pinapatawag ako sa office niya. Pero mas wais ako dahil madami akong palusot sa buhay. Kapag alam kong aabangan niya ako sa labas ay magpapasabay ako kina Blythe at Jhezzer sa paglabas. Kapag naman pinapatawag ako ay nagdadahilan akong may sakit o masama ang pakiramdam ko. Saka naiinis ako sa pagmumukha niya.
Makita ko pa lang siya ay sira na ang buong araw ko. Mabuti na lang at whole day na ang klase ng kambal kaya hindi ko na sila nasusundo ng tanghali at dahil na rin malapit na ang internship namin kaya madami na ding pinagkakaabalahan sa buong araw na nasa school ako.
Busangot akong humarap sa kanya. "Ate naman, wag mong ipaalala yung babaerong yun sa akin saka ang layo ng agwat namin sa edad." naiinis kong sabi at napatawa ang katabi ko kaya ayun mas lalong bumusangot ang mukha ko. Talagang malayo ang agwat ng edad namin nasa early thirties na siya. Saka wala akong gusto sa babaerong iyon. Ang sarap lang gilitan sa leeg dahil palagi ko siyang nakikitang pa-iba iba ng kasamang babae mapa-professor man o staff ng Academy. Babaero nga talaga. Tss.
"Sabagay, walong taong ba naman. Pero aminin mo, gwapo siya no." Sabi niyang bakas ang kilig sabay kiliti niya ng tagiliran ko kaya napalayo ako ng konti dahil dun, malakas ang kiliti ko sa tagiliran. Jusme! Huwag diyan. May kiliti ako diyan.
"Oo na ate. Ano ba? Wag mo naman akong hawakan sa beywang please. Kahinaan ko yun eh." Pagmamaktol ko dahilan para magmukha akong teenager.
"Now I know that your weakness is your waist." Napatigil kami sa pag-aasaran ni Ate Antonnette ng marinig namin ang nagsalita eksaktong nasa harapan na kami ng faculty Office ng college department especially in education courses. Kinurot naman niya ako sa tagiliran kaya nagtinginan kami at dahil sa magkasabay kaming napatingin sa babaerong ito ay napansin ko ang pagkindat niya sa akin kaya napataas ako ng kilay sa kanya saka inirapan. Malandi talaga tong professor na ito. Panira ng araw.
"Ms. Antonnette, Your Prince is waiting for you." Saad nito kay Ate Antonnette saka binigay ang isang papel na hawak niya pala.
"Ako na munang bahala sa magandang dalagang katabi niyo." Dagdag pa nito na mas lalong ikinataas ng kilay ko. Di bale ng magmistulang Miss Minchin ako sa itsura ko. Kase naman! Nababanas ako sa pinaggagawa ng mokong na ito. Sarap pilipitin ang leeg paikot.
"Alam mo, wag mo ng piliting magpaka-ginoo diyan. Hindi mo bagay saka itsura mo pa lang, halatang hindi mo hiyang." Pambabara naman ni Ate Antonnette na ikinabungisngis ko pero ang babaero ay tumawa lang na parang sayang saya pa sa narinig. Nang tapos na siyang tumawa ay lumapit siya sa akin kaya bumusangot na naman ang itsura ko.
Binalingan ko si Ate Antonnette na natatawa na lang siguro sa itsura ko saka ako nito sinenyasan para sabayan ang taong kinaiinisan ko sa buhay. Nagpaalam na agad si Ate at tuloy tuloy ng naglakad papuntang sa kung saan pero alam kong sa roof top kasi naglakad siya pataas ng hagdan. Kagaya ko rin siyang hindi mahilig sumakay ng elevator. Well! Cousins goals daw kasi haha pero ang totoo hindi naman kami tunay na magpinsan at ako lang ang nakakaalam noon. Actually wala pang nakakaalam na ampon ako maliban mismo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/195839216-288-k444985.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Playboy (Night Series #2) COMPLETED
RomanceKen Romhiel Caste is a notorious playboy. He has the money, the looks and the body that women could swoon over him. Until he met a woman who just her dare. A dare that leads to a one hot night night. After five years, they met again and he was her p...